"Nakaka-miss si Daisy ano, bro? Wala nang makulit. Wala nang matakaw! Wala na akong kaagaw sa pizza," nakabusangot na wika ni Rene.
"Ang OA mo bro, kakahatid lang natin sa kanya kanina," tugon ni Migz.
"Bakit ikaw, 'di mo ba siya na-mi-miss? Kunyare ka pa riyan, e, mas madalas nga kayong magkasama!"
"Manahimik ka riyan, Rene! Marami pa akong kailangang ayusing files dito. Magtrabaho ka na lang diyan."
Pareho nilang binalikan ang kanya kanyang computers at pinagpatuloy ang trabaho.
Ang totoo, sa loob loob ay kanina pa iniisip ni Miguel si Daisy. Hindi siya makapag-focus sa ginagawa niya dahil palaging sumasagi sa isip niya ang mga alaala nang kasama pa nila si Daisy. Napapangiti siya 'pag maaalala ang mga kapalpakan nito, kahit na ang katigasan ng ulo nito na dati ay kinaiinisan niya. Ngayon ay tila hinahanap niya na ito. Nakaramdam siya ng kahungkagan sa kalooban dahil sa pag-alis ni Daisy.
Pero itinutok niya ang kanyang sarili sa trabaho. Itinuon niya ang lahat ng kanyang oras at panahon sa pagtatrabaho. Napansin iyon ni Rene. Pero pag nagtatanong ito, sinasabi niya lamang na kailangan niyang maging abala para hindi na gaanong isipin pa si Alona, pero parang may bumubulong sa kanya na si Daisy naman talaga ang iniiwasan niyang maisip. But he didn't entertain that thought. He doesn't want to.
Malabo 'yon. Mahal niya si Alona. Magkikita pa sila ulit at magkakabalikan. Siguradong kapag na-miss na siya ng sobra ni Alona ay magkukumahog itong bumalik sa kanya.
"Hey Migz! Hi Rene!" bati sa kanila ni Christina.
"Hi, Tina!" bati nila pabalik dito.
"You know what, I really like Daisy! She's so funny!" nangingiting wika nito. "She loves my Steven." Steven ang pangalan ng anak nito na pinapaalagaan niya kay Daisy. "And Steven is obviously loving her too in a short span of time, I can't believe it!"
"Nakakatuwa talaga 'yon si Daisy! Kaya nga ang lungkot namin ni Migz na wala na siya sa amin. Hindi ba, Migz?" ani Rene.
Tumango lang si Migz.
"By the way, I was just going to tell you that we're flying to Cebu next week. And we're staying there for good! My husband's business is doing well there. I have already filed for resignation, Romar won't let me work anymore. I'm taking Daisy with us! OK lang naman, 'di ba?"
Nagkatinginan sina Migz at Rene na kapwa nabigla sa sinabi ni Christina.
"I thought it wouldn't be a big deal to you, kasi 'di niyo naman kaanu ano si Daisy. Right?"
"Oo naman!" si Migz na ang tumugon. "OK lang! Sigurado naman akong magiging mabuti ang lagay niya sa inyo." Alanganing ngiti ang sunod na sumilay sa kanyang labi.
"Sure ka, bro?" ani Rene na tila kinikwestiyon ang sinabi ng kaibigan.
"Of course! Malaki na si Daisy. Siya naman ang magpaasya para sa sarili niya. Kung gusto niyang sumama, e di 'yon na!" seryosong tugon nito.
OK, so, we're good!" Nagpaalam na si Christina na babalik sa trabaho.
Kahit naman hidi sabihin ni Migz, nakikita ni Rene na labag sa kalooban nito ang pagpayag na isama nina Christina si Daisy sa Cebu. Ewan ba niya at tila nagpapakita ito ng pagmamatigas. Ngunit hindi na sinita pa ni Rene ang kaibigan.
The day before Christina's flight.
"Hey guys, guess who's with me?" ani Christina. Lumabas mula sa likod niya si Daisy.
"Hi Rene! HI Migz!" nakangiting bati nito sa dalawa.
Nasurpresa naman sina Migz at Rene. Kita iyon sa kanilang mga mata.
![](https://img.wattpad.com/cover/259205366-288-k582349.jpg)
BINABASA MO ANG
Fix Me, I'm Broken
RomanceFollow for everyday update. 😉 "I'm sorry Miguel, I'm tired. Maghiwalay na tayo." Iyon lamang ang sinabi ni Alona, kasintahan niya ng halos tatlong taon, nang magpasya itong makipaghiwalay sa kanya pagkatapos ay umalis ito patungong ibang bansa nang...