CHAPTER SIX

79 2 0
                                    

"OK ka lang ba?' tanong ni Miguel sa katabi habang nagmamaneho. Kanina pa kasi ito tahimik magmula nang makaalis sila sa mall.

"Nakakahiya akong kasama, 'no?" malungkot ang tono nito.

"Ano ka ba Daisy, syempre hindi! Nakakatuwa ka ngang kasama, e."

"Nakakatuwa o nakakatawa? Magkaiba kasi 'yon!"

"Nakakatuwa syempre! Hindi ka nakakabagot kasama. Nag-i-enjoy ako! Gusto mo, sa susunod na linggo pasyal ulit tayo?"

"Talaga?" ani Daisy nna parang hindi makapaniwala. "Kahit na puro katangahan lang ang pinaggagagawa ko?"

"Ano ka ba! Lahat ng tao tanga bago matuto. There's always a first time for everything! 'Di ba?"

"Sabagay. Paano kasi sa amin walang gano'n! 'Yong lahat ng nakikita ko rito, wala roon. Nakakapanibago! Perstaym ko nga rito sa Manila. Si ate lang naman ang may gustong dito ako mag-aral."

"E, paano ka napunta sa bahay na inuupahan natin?" nagtatakang tanong ni Migz.

"May tatlo akong kuya, 'yong dalawa nasa amin, wala pang mga asawa. Iyong isa na may asawa na nasa Malabon. Kaso, ayaw raw ng asawa na doon ako tumira sa kanila. Hindi ko alam kung bakit. Baka ayaw lang madagdagan ang palamunin ni Kuya. Ayon, hinanap niya ako ng matitirhan, tutal si ate naman nagbibigay sa 'kin ng pera. Hinatid lang ako ni kuya sa inuupahan natin. Sabi niya dadalawin niya na lang ako pag may oras siya."

"E, iyong ate mo, nasaan?"

"Nagtatrabaho sa ibang bansa.. sa Japan! Singer."

"A, gano'n ba?" Napatango tango si Migz.

"Siya nga pala, unang beses mo 'kong tinawag na Migz kanina. Pwede bang huwag mo na 'kong i-kuya? Iyong Migz na lang, mas gusto ko 'yon. OK lang ba?" nakangiting tanong nito kay Daisy.

"OK... Migz!"

"Pasensya na kung sinusungitan kita no'ng mga nakaraang araw. Ang kulit mo kasi, e!. Pero OK na, Na sasanay na 'ko!"

"Thank you, kuya, este Migz pala!" Napangiti ito. Sumilay ang malalalim na biloy nito sa magkabilang pisngi. "Ang bait ninyo kasi sa akin, kayo ni Rene."

"Wala 'yon!" wika ng binata. "'Di ka ba natatakot sa 'min ni Rene?"

"Bakit naman ako matatakot sa inyo?" natawang tanong ni Daisy. "Dahil lalaki kayo? Mga kaibigan ko sa 'min mga tambay sa kanto, mas natatakot pa ako sa multo kaysa lalaki."

Natawa si Migz. "Buti 'di ka naliligawan ng mga kaibigan mong lalaki?"

"Hmm? Takot lang nila sa 'kin. Baka masapak ko pa sila!"

"Tapang mo, ah! Teka, tomboy ka ba?" ngtatakang tanong ni Migz.

"Por que 'di nagpapaligaw, tomboy agad?"

"Di lang 'yon. Tingnan mo kasi ang sarili mo. Ang ganda mo, pero kung kumilos ka, kung manamit, daig mo pa ang lalaki!"

"Mga kuya ko kasi anf kalaro ko mula pa nang maliit ako. Sila ang mas madalas kong kasama, kaya siguro ganto ako." nagkibit balikat ito. "Pero peksman, babae ako! "

"E, bakit ayaw mong magpaligaw? Bakit ayaw mo ng boyfriend?"

"Wala sa isip ko 'yang boypren boypren na 'yan. Ang alam ko, sakit lang yan sa ulo. Mga manloloko ang mga lalaking 'yan! Pagkatapos nilang makuha sa babae ang gusto nila, kapag nagsawa na sila, iiwan na lang nilang parang basura ang babae!"

Natawa si Migz. "Ang lalim ng hugot mo, ah! Nakakalimutan mo yatang lalaki rin ako!"

Napatingin sa kanya si Daisy.

Fix Me, I'm BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon