CHAPTER FOUR

92 3 0
                                    

"Nakaka-stress ngayong buong araw sa trabaho. Daming paperworks! Tambak!"! reklamo ni Migz habang naghuhubad ng kurbata.

"Tsk! Ano pa ba aasahan mo, e, dalawang araw kang wala?" wika ni Rene.

"Sabagay..." lumabi ang binata.

Napalingon sila parehas nang may kumatok sa kanilang pinto. "Andiyan na naman 'yong buraot! "

"Haha bro! Kailan ka pa pumatol sa babae?"

"Hindi pa bro, pero malapit na!"

Nang parehas na silang makapagbihis ay pinagbuksan na ni Rene ng pinto ang kumakatok. Si Daisy nga! May dala itong tupper ware. May lamang pagkain.

"Wow! Para sa 'min ba 'yan?" excited na usisa ni Rene at mabilis na kinuha ang dala ni Daisy. Graham balls pala ang mga iyon. Isinubo niya ang isang buo.

"Palagay sa ref mga kuya! Thank you!" nakangiting pakiusap nito.

Nailuwa ni Rene ang sinubo nitong Graham Balls

"Kainin mo na kuya! 10 pesos lang isa!"

"Pambihira!" tanging nasambit ni Rene.

Tawa naman nang tawa habang nakatingin sa kaibigan si Migz. Totoo nga yata ang minsang narinig niya, ang mga taong mahilig manghuthot sa iba ay magaling sa negosyo. At ang taong palahingi ay madamot.

"Masarap ba, kuya?" tanong ni Daisy kay Rene habang nginunguya nito ang sinubong graham balls. Tumango ito. "Mabuti naman, nagustuhan mo! Kayo muna mga kostumer ko ha! Pakyawin n'yo muna lahat! Tatlumpong piraso lahat yan lahat kaya, babayaran niyo ako ng... 300!"

"Pambihira!" si Migz naman ang nagbitiw ng salitang iyon.

"Pasensya na kayo, ha? Naparami kasi ang mga nabili ko kanina. Mga gamit sa bahay, gaya ng electric fan, kalan, baso, pinggan, kutsara, tinidor! Pagkain ko! Mga personal na gamit, gaya ng sabon, shampoo, toothpaste tsaka napkin!" ang bulgar talaga nitong magsalita. "Ang totoo, ibibigay ko lang sana 'yan sa inyo, kaso kinapos na ako sa pera. Naubos ko lahat ng padala ni ate. Kailangan ko ng pang-load! Hayaan ninyo sa susunod, libre na talaga."

Inilahad nito ang nakabukas na palad sa dalawa.

"Ano 'yan?" ani Migz.

"Akin na bayad ninyo! Kailangan ko kasi ngayon."

Napakamot sa ulo si Migz. "Bigyan mo, Rene! Ikaw naman ang masiba sa 'ting dalawa!"

Kinuha nito ang wallet at nag-abot ng limang daan kay Daisy. "Huwag mo nang suklian. Para may extra ka!"

"Mmm, salamat kuya!" tuwang tuwang sabi nito. "Ang bait bait mo!"

"You're welcome!" tugon ni Rene.

"Tsk! Lalong mamimihasa 'yon kung ganyan ka nang ganyan!" wika ni Migz pagkaalis ni Daisy.

"Hayaan mo na bro, at least nakatulong, 'di ba? It's better to give than to receive!"

"Hay naku, ang sabihin mo, gusto mo talaga ang Daisy na 'yon!"

"'Yan ang problema sa'yo bro, masyado kang malisyoso!"

"Bakit, hindi ba? Mali ba 'ko?"

Napaisip bigla si Rene. "Mmm... maganda siya..."

"And annoying at the same time, 'di ba bro?" napapailing na wika ni Migz. Natawa lang si Rene.

Nag-open ng kanyang facebook account si Miguel. Hindi na niya mahagilap ang account ng ex girlfriend na si Alona. Naisip niyang baka blinock na siya nito.

Fix Me, I'm BrokenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon