"Sa taas ka na lang ulit, ako nang bahala sa upa mo, OK? 'Wag mo nang alalahanin ang mga gastusin mo, ako na ang sasagot sa lahat!" ani Migz habang inihahanda ang hapunan nila.
"Tutulong din ako!" wika ni Rene.
Ngumiti si Daisy. "Salamat sa inyong dalawa, ha? Sobrang bait ninyo sa 'kin. Puro na lang abala ang ginagawa ko sa inyo. Puro sakit ng ulo! Pabigat!"
"'Wag mong sabihin 'yan. Hindi ka pabigat sa 'min. Sakit ng ulo, pwede pa!" nataawang sabi ni Rene.
Natawa na lang din si Daisy. "Hindi ko alam ang gagawin ko kung wala kayong dalawa. Ang laki na ng utang na loob ko sa inyo!"
"Naku, wag mong isipin 'yon. Hindi ka na iba sa 'min," si Rene pa rin. Napatingin ito sa kanyang cellphone na nakalapag sa kama nang mag-ring iyon. Kukunin sana iyon ni Migz upang iabot sa kanya. Hinablot iyon ni Rene sa kaibigan. "Ako na, bro! Ako na!" Anito.
"S-sige," ani Migz. Napansin nito ang tensyon sa mukha ni Rene. Pero hindi na siya nag-isip pa ng kung anu ano.
"Sagutin ko lang 'to!" ani Rene at saka lumabas ng kwarto.
"Baka gelpren niya!" natatawang wika ni Daisy.
Nangunot ang noo ni Migz. "Ang alam ko, wala siyang girlfriend ngayon. Pero baka tama ka. Baka hidi niya lang sinasabi sa 'kin," kinumbinse niya ang sariling baka gano'n nga. "Gutom ka na ba?" tanong nito kay Daisy.
"Oo, kanina pa nga eh!"
"Tara na! Paborito mo ang niluto ko. Spaghetti!"
"Wow!" Namilog at nangislap ang mga mata ng dalaga.
"Pero 'wag kang mag-expect na kasing sarap 'to ng spaghetti sa jollibee!"
"OK lang. Sa tingin ko nga, mas masarap pa 'yang niluto mo, eh!"
"'Di ko alam na marunong din pa lang mambola ang mga babae!" nangingiting wika ni Migz.
Kumuha siya ng kunting spaghetti gamit ang tinidor at inalok na subuan si Daisy. "Oh, tikman mo. Sige nga kung totoong mas masarap kaysa Jollie Spaghetti!" aniya.
Hindi na tumanggi pa si Daisy at hinayaan na si Migz na subukan siya. "Mmm... sarap! Sabi ko na nga ba, eh, mas masarap nga ito!"
"Bola lang yata, eh!" ani Migz.
"Papatunayan ko sa 'yo! Uubusin ko lahat 'yan!" natatawang sabi ni Daisy.
"Haha, sige na! Oo na, naniniwala na ako sa 'yo!"
Sinandukan ni Migz ang plato ni Daisy pati na rin ang kanya at nagsimula nang kumain.
"Ay, si Rene nga pala! Saglit lang. Tawagin ko lang!" Nagpaalam si Migz na babaain lang si Rene upang ayain nang kumain.
Habang bumababa ng hagdan si Migz ay naririnig niya ang pabulong na pakikipag-usap ni Rene sa cellphone nito. Mukha itong nakikipagtalo sa kausap.
Waring may nagsasabi sa kanya na pakinggan ang pakikipag-usap ng kaibigan.
"'Di ba sabi ko sa 'yo hwag mo akong tatawagan kapag nasa bahay ako. Ang kulit mo naman, eh! Oo! Oo! Alam ko 'yon. Gumagawa ako ng paraan! Alam mo namang hindi madali ang sitwasyon ko, 'di ba? Maghintay ka pa ng kunting panahon, OK? Huwag ka nang tatawag ulit. Ako na ang kokontak sa 'yo!"
"Bro?"
Ibinaba kaagad ni Rene ang cellphone nito pagkakita kay Migz na palapit sa kanya. "Sino 'yang kausap mo?" ani Migz.
"Ah, wala! Chicks lang, bro! Chicks na makulit!"
"Nabuntis mo siguro kaya nangungulit." Tumawa si Migz.
BINABASA MO ANG
Fix Me, I'm Broken
RomantiekFollow for everyday update. 😉 "I'm sorry Miguel, I'm tired. Maghiwalay na tayo." Iyon lamang ang sinabi ni Alona, kasintahan niya ng halos tatlong taon, nang magpasya itong makipaghiwalay sa kanya pagkatapos ay umalis ito patungong ibang bansa nang...