Chapter 5

203 15 0
                                    

Paggising ni Bianca ay masama ang kanyang pakiramdam. Hinila niya ang kanyang kumot upang balutin nito ang kanyang katawan dahil sa sobrang lamig naramdaman. Hinang-hina ang kanyang katawan at masakit ang ibang parte ng kanyang katawan. Wala siyang lakas upang tumayo para kumuha ng gamot.

"Bianca," boses ng kanyang kuya.

"Bakit?" mahinang sabi ni Bianca. Hindi niya alam kung naririnig ba siya nito.

"Hindi ka ba papasok?" Tanong nito.

"Mamaya na," sagot niya at narinig niya na may kausap ang kanyang kapatid, unti-unti nawala ang boses ng kanyang kuya kaya naisip niyang nakaalis na ito.Kaya pinikit na lang ni Bianca ang kanyang mga mata upang makapagpahinga at makabawi ng lakas.

Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin bumaba si Bianca at nagtataka na si Manang Rosie dito. Kaya nagpasya siyang umakyat sa taas upang tingnan ito. Nakailang tawag na siya dito pero hindi pa rin sumasagot, kanina pa siya kumakatok sa pintuan nito. Kinakabahan na siya dahil kilala niya si Bianca, agad itong sumasagot. Nagmamadali nitong kinuha ang susi ng kwarto nito sa baba upang matingnan niya ito.

Nang mabuksan niya ang kwarto nito ay nakita niya si Bianca na sobrang nakabalot ng kumot ang buong katawan. Nilapitan niya ito upang masuri. "Bianca, hindi ka ba papasok?" Tanong nito at dahan-dahan natinanggal ang kumot nakatakip dito. Nagulat ito sa kanyang nakita dahil nilalamig ito. Kaya nilagay nito ang kanyang palad sa noo nito pero agad din niya binawi dahil sobrang init. "Naku! Ang taas ng lagnat mo. Bakit hindi ka man lang nagsabi namasama na pala pakiramdam mo.Ikaw talagang bata ka. Mabuti na lang at tiningnan kita." Nag-alalang sabi nito at agad natumayo upang kumuha ng gamot.

Pagbalik nito ay may dala na itong isang basong tubig at gamot para sa lagnat. "Inumin mo ito para bumaba iyang lagnat mo." Ibinigay ang gamot nahawak, tinulungan niya ito makaupo sa higaan.

Ininum naman agad ni Bianca ang gamot at nahiga na-ulit. Kumuha si Manang Rosie ng maliit na-towel at binasa ito para ipunas sa katawan ni Bianca upang bumaba naman ng kaunti ang lagnat nito. Pagkatapos ay bumaba siya upang magluto ng sopas para magkaroon ng laman ang tiyan ni Bianca. Matapos maluto ang sopas ay bumalik ito sa kwarto ni Bianca upang pakainin ito.

"Mamaya na ako, manang, hindi pa naman ako nagugutom," tanggi nito dahil gusto lang nito magpahinga. Wala siyang lakas dahil labis itong nanghihina. Wala rin itong ganang kumain.

"Kumain ka muna kahit kaunti lang. Para naman may laman 'yang tiyan mo." Pinilit nito si Bianca upang makakain lang kahit ilang subo, nag-alala ito sa kanyang kalagayan.

Hindi nagtagal ay napapayag nito itong kumain. Kaunti lang ang nakain ni Bianca, hindi man lang niya naubos ang dala nitong pagkain. Wala itong gana nakumai kaya hinayaan na lang ito ni manang dahil ang importante ay nakakain ito kahit kaunti.

"Magpapahinga lang muna ako," mahinang sabi nito at nahiga na ulit.

Umalis na rin si Manang Rosie dahil may kailangan pa siyang trabahuin sa baba. Nang mag-tanghali na ay binalikan nito si Bianca upang matingnan ang kalagayan at pinakain na din niya ito saka pinainom ng gamot. Nag-alala talaga siya dito.

Simula pagkabata ay siya na ang nag-aalaga kay Bianca dahil laging wala ang mga magulang nito sa bahay. Tinuring na din niya ito na parang tunay na anak. Minsan naawa siya dito dahil busy ang mga magulang nito at wala itong panahon para dito. Nakita ni Manang Rosie kung gaano ka-uhaw si Bianca sa pagmamahal sa magulang lalo nasa ina nito.

Alas singko na ng hapon, nagulat si Rosie ng makita ang tutor ni Bianca. " Naku! Hijo, hindi yata makapag-aral si Bianca ngayon, masama kasi 'yong pakiramdam niya," paliwanag ni Rosie kay Lance.

My Tutor Is An Ex-GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon