"Uuwi na ba tayo?" Tanong ni Bianca nang palabas na sila sa restaurant.
"Babalik tayo sa resort."
"Halaka! May topak ka ba?" Nakakunot ang noo nito. "Umalis ka doon tapos babalik ka! Ano 'yon? Joke? Pumunta tayo sa birthday tapos kumain sa labas tapos babalik. Iba na yan. Magpa-check up ka na," dagdag nito.
"Ingay mo. Let's go na." Nauna itong naglakad kung saan naka-park ang sasakyan nito. Nakasimangot na sumunod si Bianca dito. Tahimik ang biyahe pabalik sa resort. Hindi naman malayo ang restaurant na kinainan nila kaya nakabalik sila agad sa resort.
Nilapitan naman sila ng mga kaibigan ni Lance. Pero nagpaalam lang si Lance dito at hinatid si Bianca sa kanyang room saka iniwan siya ito. Hindi man lang sinabi kung saan ito pupunta. Kaya nagpalit na lang si Bianca ng panligo. Hindi niya kailangan si Lance upang ma-enjoy ang resort. Kaya naman niyang mag-isa.
Lumabas na siya sa kanyang room at agad nagtungo sa may dagat upang maligo. Naghanap siya ng tahimik na lugar kung saan walang tao. Doon siya lumangoy nang lumangoy hanggang sa mapagod. Umahon na ito upang bumalik sa kanyang room dahil napagod at nilalamig na ito. Pero napahinto siya ng makitang may babaeng umiyak. Lumapit siya dito ng kaunti at doon niya nakita si Candice.
Nagtaka naman ito kung bakit ito umiiyak. Nakaramdam ng awa si Bianca kaya nilapitan niya ito. "Okay ka lang?" tanong nito.
Tiningnan naman ito ni Candice at mabilis napinunasan ang kanyang luha saka tiningnan ng masama si Bianca. "Bakit ka nandito?"
"Nakita kasi kitang umiiyak kaya nilapitan kita. Ano ba prob-"
"Hindi ako umiiyak." Putol nito sa sinabi ni Bianca. "Umalis ka na dito."
Alam ni Bianca nagsisinungaling ito, halata sa kanyang mga mata na kagagaling lang nito sa iyak. Kahit anong tago nito ay nakikita ang lungkot sa kanyang mga mata. "Hindi naman masamang aminin na umiyak ka. Kahit sino naman ay umiiyak lalo na kapag hindi na kaya. Hindi ibig sabihin na umiyak ka ay mahina ka na."
"Pakialam mo ba? Close ba tayo?" inis na sabi nit okay Bianca. "Umalis ka na. Hindi kita kailangan dito!"
"Sorry, kung pakiramdam mo nangingialam ako. Galit ka ba sa akin? May nagawa ba akong mali? Tungkol ba ito kay Lance?" Hindi mapigilan natanong ni Bianca.
"Lance.." Mapait na sambit nito.
"Oo, para kasing nag-iiwasan kayo."
"You mean Nathan. Gaano mo kakilala si Nathan?" Nagulat naman si Bianca sa tanong nito. Hindi siya makasagot dahil hindi naman sila close ni Lance. Nagtaka nga ito kung bakit siya sinama nito. "Bakit hindi ka nagsasalita?"
"Naku! Kung may relasyon kayo ni Lance. Huwag ka magselos sa akin. Hindi-'' Napatigil si Bianca dahil bigla itong tumawa.
"So wala ka talagang alam? Halata naman hindi mo masagot ang tanong ko. Nagtaka ako kung bakit ka niya dinala dito kung hindi naman kayo gaano ka close. Bakit naman ako magseselos? Alam mo sa tuwing nakikita ko siya ay galit ang aking nararamdaman," diin nasabi nito. Na-curious tuloy si Bianca kung bakit galit it okay Lance.
"Niloko ka ba niya?"
"Sana ganoon lang, pero dahil sa kanya nawala ang pinaka-importante sa buhay. Siya ang dahilan kaya naging walang kwenta ang buhay ko," galit nasabi nito sabay walk out kaya naiwan si Bianca nakatulala.
"Hindi mo yata kasama si Nathan?" Napatingin si Bianca sa kanyang likuran at nakita niya ang kaibigan ni Lance, hindi niya matandaan ang pangalan nito. Nakasandal ito sa may puno at isang kamay nito ay nasa may bulsa habang ang isang kamay ay may hawak na yosi. "Blue pala, kasing blue ng buhok ko." Pakilala nito at lumapit sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Tutor Is An Ex-Gangster
Fiksi RemajaBianca Nasya Min is a well-known model who comes from a wealthy family. Everything she wants, she gets, except her family time. It's also not like other students who are smart when it comes to class. She always gets poor grades or a low exam score. ...