Buong araw nakatambay lang siya sa kwarto, wala naman pasok at wala rin siyang photoshoot kaya buong araw ako nakahiga sa kwarto at naglalaro nang-ML. Nang makaramdam ito ng sakit sa mata ay tinigil muna niya at bumaba. Doon niya nakita ang ama at kapatid na nag-uusap. Napalingon naman ito sa kanya ng maramdaman ang kanyang presensya.
"Nandito nap ala ang prinsesa natin." Tumayo ang kanyang ama at lumapit dito sabay akbay.
"Mabuti lumabas ka, akala ko kasi doon kana hanggang bukas," sabi ng kanyang kapatid. Kaya lumapit si Bianca dito upang kurutin.
"Dad, ohh.. mapanakit," sumbong nito sa kanyang ama.
"Hayaan muna ang kapatid mo, Matt, nanlalambing lang 'yan." Napakamot na lang si Matteo sa kanyang ulo. Alam naman nito na wala itong laban sa kapatid.
Natigil sila ng tawagin na sila ni manang upang kumain. Habang kumakain napapatingin si Bianca sa ama at kapatid, naiisip nito sana nandoon ang kanyang ina at isa pang kapatid para masaya at kumpleto sila nagsalo-salo. Pero alam ni Bianca sa sarili na malabo itong mangyari dahil alam niya na mas importante sa kanyang ina ang trabaho kesa pamilya nito.
Pagkatapos nila kumain ay niligpit ni manang ang kinainan nila at si Bianca ay bumalik sa kanyang kwarto. Pagkatapos mag-shower at matuyo na ang buhok ay natulog na ito.
Kinabukasan naging abala ito sa school lalo't malapit na ang kanilang monthly exam. Kaya abala sila mag-aral para sa nalalapit na exam. Umuwi si Bianca sa sobrang pagod at parang naubos ang laman ng kanyang utak dahil sa mga lesson nila ngayon. Nahiga ito sa kama ng ilang minute at ng may energy na siya ay nagpalit ito sa kama at pumunta sa study room upang hintayin ang kanyang tutor.
Hindi alam ni Bianca kung pupunta ba ang tutor nito dahil wala din ito noong nakaraan. Pero napagpasyahan niya maghintay muna ng ilang minute bago bumalik sa kwarto. Kinuha niya ang kanyang cellphone upang maglaro ng 4pics.
"Season." Napalingon naman agad si Bianca ng marinig ang boses ni Lance.
"Ha?" Naguguluhan nasabi ni Bianca dito.
"Tsk..season ang sagot d'yan." Inilagay nito ang gamit sa table. Tumatango-tango naman ako at nilagay ang sinabi niya. Sa wakas nasagutan na rin ito, kanina pa sumasakit ang utak ko sa kaiisip.
"Stop doing that! We need to start." Napabuntong hininga na lang si Bianca at pinatay ang phone saka humarap kay Lance. "Wait! Ano nangyari sa labi mo?" Curious natanong ni Bianca ng mapansin niya na may maliit nasugat ito. "Uyy.. nabingi ka na?"
"Mind your own business. We must get started. Wala lang ito." Pero hindi nakinig si Bianca at tumayo ito saka naglakad. Tinawag pa ito ni Lance pero hindi ito lumingon, patuloy lang ito hanggang sa huminto ito sa may first aid kit. Kinuha niya ito at saka bumalik sa kinaroronan ni Lance. "What's that?"
"Syempre gamot, ano tingin mo pagkain." Pilosopo nasagot nito kaya napailing na lang si Lance. "Kailangan malinis at magamot iyan baka ma-infection pa."
"Balak mo ba mag-nurse?"
"Ewan..siguro.. baka.. hindi ko alam. Ang gulo mo naman. Gagamutin ka lang gusto ko na agad mag-nurse. Halaka!" Binuksan ito ni Bianca at kinuha ang mga kailangan.
"Stop that one. We need to start. I'm okay."
"Alam mo..huwag ka na lang umangal d'yan. Pasalamat ka gagamiton ko iyan. Kaya manahimik ka." Tumayo si Bianca at lumapit kay Lance. Nilinis nito ang sugat nito saka nilagyan nang-ointment. "Finish!" Tuwang-tuwa nasabi ko.
"Good.. so we can start our discussion?" Niligpit muna nito iyong mga ginamit saka binalik sa nilagyan nito. Bumalik ito sa pagkaka-upo saka nagsimula si Lance sa pagtuturo. Nakinig si Bianca mabuti sa tinuro niya. Natigil lang ito ng biglang tumunog ang kanyang cellphone ni Lance. "Excuse me." Sinagot nito ang cellphone saka medyo lumayo.
BINABASA MO ANG
My Tutor Is An Ex-Gangster
Novela JuvenilBianca Nasya Min is a well-known model who comes from a wealthy family. Everything she wants, she gets, except her family time. It's also not like other students who are smart when it comes to class. She always gets poor grades or a low exam score. ...