Chapter 13

158 8 0
                                    

Apat na araw na rin parang hindi magkakilala si Lance at Bianca sa tuwing nagku-krus ang kanilang landas. Wala naman lakas na loob si Bianca kausapin ito. Kaya paminsan-minsan ay tinitingnan na lang niya ito kapag nasa iisang lugar sila. Maraming gusting itanong si Bianca kung bakit bigla na lang ito nagbago pero hinayaan na lang niya ito. Baka ano pa kasi ang isipin nito.

Sa apat na araw marami naman nangyari, naging abala ito sa paggawa ng kanilang project. Mabuti na lang at tinutulungan siya ni Cirus. Naging malapit na rin it okay Cirus, magaan ang loob nito. Ito ang kasama niya palagi sa cafeteria lalo na kapag wala si Misha at Joe dahil may ginawa.

Nasa isang Japanese restaurant siya ngayon kasama ang kaibigan nito, gusto kasi ipakilala ni Joe ang kanyang crush na kaibigan niya raw. Noong isang araw malakas itong tumili dahil sa sobrang kilig. Sinabi nito na nakita niya ang taong matagal niyang gusto makita. Hindi niya akalain nasa Pilipinas lang pala magtatagpo landas nila.

Araw-araw ito nakangiti at nasa cellphone lang ang atensyon dahil ka-text nito iyong crush niya. Pinilit pa nito si Bianca at Misha nasumama para naman makilala nila. Wala naman nagawa ang dalawa dahil wala naman pasok kaya sumama na lang sila. Gusto din kasi nila makilala kung sino at anong ugali nito.

"Gwapo ba 'yan, Joe?" tanong ni Misha sa kaibigan, ngumiti lang si Joe na parang kinikilig.

"Sobra.." abot tenga ang ngiti nito.

"Ano ba 'yan, late naman," reklamo ni Bianca.

"May may ginawa o na-traffic lang," tanggol ni Joe dito. Ininom na lang ni Bianca ang juice nito. "Nandito na siya," nakangiting sabi ni Joe sabay tayo at kumaway. Dahan-dahan naman lumingon si Bianca at Misha upang makita iyong sinasabi ni Joe.

Napatulala si Bianca nang makilala ang taong palapit sa kanila. Pumikit pa ito bago ulit tumingin para makasigurado baka guni-guni lang kasi nakita niya pero hindi pa rin nagbago. Nakasuot ito ng light blue jeans saka plain white shirt, simple lang suot niya pero ibang aura ang binibigay nito sa kanya. Mas lalong naman nagpapalakas ng kanyang appeal. Hindi akalain ni Bianca makikita niya si Lance, pero ang nakakagulat ay ang kanyang dating tutor at crush ng kaibigan ay iisa.

"Mabuti nakarating ka," masayang salubong ni Joe dito. "Ito pala mga kaibigan ko si Bianca at Misha," pakilala nit okay Lance. Tahimik lang si Bianca at Misha, hindi nila alam kung anong sasabihin. "Hoy, magsalita naman kayo," sabi ni Joe.

"Ayy, pasensya sabog lang. Maupo ka muna," sabi ni Misha nakangiti sabay siko kay Bianca. Hindi naman makapagsalita si Bianca dahil hindi nito alam kung ano ang kanyang sasabihin. Hindi komportabli si Bianca dahil magkaharap sila ni Lance, naiilang ito.

"Order muna tayo," mungkahi nito. Tumango lang si Lance. Kinuha ni Bianca ang menu upang matakpan na rin iyong mukha niya.

"Bianca!" Siniko naman ito ni Misha. Tiningnan niya nang masama si Misha dahil sa ginawa nito. "Baliktan iyang pagkakahawak mo," mahinang sabi nito. Nakarinig naman siya ng mahinang tawa. Agad na tiningnan ni Bianca at tama ang kaibigan nito. Baliktad ang hawak nito sa menu. Nag-init naman ang mukha ni Bianca dahil sa hiya. Gusto nito lamunin ng lupa dahil sa labis nakahihiyan.

Pagkatapos sabihin ang kanilang order ay abala sila sa pag-uusap habang hinihintay ang order. Minsan sumasali si Bianca para hindi naman siya masabihan na KJ. Pero madalas tahimik lang ito at nakikinig sa usapan.

"Okay ka lang, Bianca? Ang tahimik mo yata ngayon." Nag-alalang tanong ni Joe.

Ngumiti lang si Bianca dito. "Oo naman, medyo sumakit lang ulo ko," pagsisinungaling nito.

"Iyan kasi lagi ka nakababad sa cellphone mo," sabi ni Misha at nag-wink kay Bianca. Alam nito kung bakit tahimik ang kaibigan,na-ikwento ni Bianca dito.

My Tutor Is An Ex-GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon