Ngayon makilala ni Bianca ang kanyang tutor, sabi ng kanyang ama napupunta iyong tutor niya alas singko ng hapon sa kanila dahil may pasok pa ito. Kaya napaisip tuloy si Bianca. Hindi niya akalain nag-aaral pa 'yong tutor n'ya. Naisip din niya ang hitsura ng kanyang tutor, iniisip nito na mukhang nerd ito na may suot na malaking eyeglasses at old fashion kung manamit. Iyon kasi ang kanyang nakikita kadalasan sa Tv or nababasa sa libro.
Kaya pag-uwi nito galing sa school ay agad itong nagtungo sa kanyang kwarto saka nahiga. Hindi na ito nag-abala pang magbihis. Tinatamad ito lalo't pagod na pagod ito sa school, madami kasi silang ginawa ngayon araw na ito. Hanggang sa hindi niya namalayan nakatulog pala ito. Nagising na lang ito dahil sa ingay ng katok sa pintuan, tinatawag siya kanilang kasambahay.
Nakapikit pa itong bumangon, magulo pa ang buhok nito. Hindi na kasi ito nag-abala na mag-ayos "Manang, bakit?" bungad nito ng mabuksan ang pinto. Unti-unti dinilat ni Bianca ang kanyang mata pero napatalon ito sa kanyang nakita. Sobra itong nagulat ng makitang may kasama ang kanyang yaya at familiar sa kanya ang pagmumukha nito. Dali-dali niyang sinara ang pinto, nakaramdam siya nanghiya sa kanyang hitsura.
"Bianca, nandito na tutor mo. Ano ba nangyari sayo?" Narinig niyang sabi ng kanyang yaya.
"Yaya, give me five minutes. Samahan n'yo po siya sa study room. Doon ko lang po siya pupuntahan," taranta nasabi nito. Narinig niya na kinakausap ng kanyang yaya 'yong tutor niya at nakarinig siya ng mga yapak napalayo.
Agad siyang nagtungo sa banyo, napahampas na lang siya ng makita ang kanyang hitsura. Magulo ang kanyang buhok, para itong pugad nang-ibon. Dali-dali itong naghilamos at nagbihis ng pambahay. Nakasuot pa kasi siya ng school uniform kanina, inayos niya ang kanyang buhok bago kinuha ang kanyang gamit at nagtungo sa study room.
Pagpasok niya ay nakita ang lalaking nakatalikod at abala sa katitingin nanglibro. Halatang mahilig itong magbasa. Nang maramdaman nito na may tao ay agad itong lumingon."Five minutes ha," sarcastic na sabi nito ng tumingin ito sa kanyang rolex na relo. Makikita mo na mayaman ito dahil sa kanyang mga suot. Ang pinagtataka ni Bianca kung bakit ito pumayag na mag-tutor kung marami naman pera. "Don't stare at me." Napatalon si Bianca ng marinig niya ito.
"Hindi no," tanggi nito. Iniisip din ni Bianca kung saan niya ito nakita, napaka-familiar kasi ng mukha. "Nagkita na ba tayo?"
"I don't know. Let's start. I don't want you to waste my time." Inilabas nito ang kanyang mga gamit.
"Ngayon na?"
"Yes, I don't waste my time. Sit down so we can start," seryosong sabi nito at nilabas din 'yong laptop niya.
Walang nagawa si Bianca kung hindi ang sundin ito. Kaya umupo ito sa bakanteng upuan, nakaharap na siya sa kanyang tutor.
"Answer this." Inabot nito ang kanyang laptop. Kaya tiningnan ito ni Bianca.
"Di ba tuturuan mo ko? Eh.. Bakit pasasagutin mo ako nito?" Turo nito sa laptop, naguguluhan din kasi ito.
"Gusto ko lang malaman kung saan aabot ang kaalaman mo?" Hindi man lang siya nito sinulyapan. Iba din 'yong style niya, 'yan na lang ang naisip ni Bianca.
"Ehh.. Paano kung tama 'yong lahat kung sagot?" Curious natanong niya dito kahit alam nito sa sarili na hindi mangyayari iyon.
"Then you don't need me."
Na-shock ito sa sagot nito, kaya tiningnan na niya 'yon. At napakamot ito sa kanyang nakita. Hindi niya naiintindihan kung ano ang mga nakalagay doon, wala siyang alam 'kung paano ito sagutin.
"Wala bang mas madaling sagutin dito?" Tiningnan nito ang kanyang tutor. Nahihirapan talaga siya dito.
"I will give you one hour." Napataas ang kilay nito sa narinig. Sinong tao ang kayang sagutan ang ganito ka hirap natanong sa loob ng isang oras. 'Yan ang nasa isip ni Bianca. Hindi na man siya matalino.
BINABASA MO ANG
My Tutor Is An Ex-Gangster
Fiksi RemajaBianca Nasya Min is a well-known model who comes from a wealthy family. Everything she wants, she gets, except her family time. It's also not like other students who are smart when it comes to class. She always gets poor grades or a low exam score. ...