Chapter 11

135 9 0
                                    

Pagkatapos sabihin ni Lance na hindi niya nobya si Bianca ay tumayo ito saka nagpaalam upang bumili ng pagkain. Kaya tanging si Bianca at ang bata lang naiwan. Nga-usap lang sila at sinabi nito kung paano nakilala si Lance. Hindi naman makapaniwala si Bianca sa bawat sinabi ng bata. Iba-iba ito sa kanyang nakilala, gusto tuloy niya makilala ang ganoon na-side ni Lance.

Napatingin naman siya sa oras, nagtataka ito kung bakit hindi pa rin nakabalik si Lance. Kanina pa kasi iyon umalis. Pinanuod na lang ni Bianca ang bata nanghuhuli ng salagubang. Pero nabigla si Bianca ng biglang may humawak sa kanya, hindi niya kilala ito. "Sumama ka sa amin," matigas na sabi nito sabay hila kay Bianca. Hindi naman maipaliwanag ni Bianca ang kanyang kaba, hindi niya ito kilala at nagtataka ito kung ano ang pakay nito sa kanya.

"Bitiwan mo ako o sisigaw ako," lakas loob nabanta nito at pilit inaalis ang mga kamay nakahawaknito sa kanya.

"Huwag ka na-umangal pa, kung ayaw mo masaktan." Mas hinigpitan nito ang pagkakahawak kay Bianca kaya namimilipit si Bianca sa sakit.

"Bitawan mo ang ate ko," sigaw ng bata ng makita nito si Bianca napinipilit.

"Bwiset may asungot pa. Bilisan mo d'yan." Utos ng lalaki sa kanyang kasama. Bigla naman tinakpan nito ang ilong ni Bianca ng panyo. Unti-unti nakaramdam nanghilo si Bianca hanggang sa nawalan siya ng malay.

Nagising si Bianca dahil sa ingay, unti-unti niyang minulat ang kanyang mata at nilibot ang paningin nito. Hindi siya pamilyar dito, hindi niya alam kung nasaan siya. Huli niyang natandaan bago siya nawalan ng malay ay narinig niya ang sigaw ng bata. Ginalaw nito ang kanyang kamay pero nakatali ito.

"Gising ka na pala." Napatingin si Bianca sa lalaki nasa harapan niya. Ito iyong lalaki sa internet cafe.

"Bakit ako nandito?" tanong nito pero ngumisi lang ang lalaki. "Wala naman akong kasalanan sa inyo. Please, pakawalan n'yo na ako." Pagmamakaawa nito, kinakabahan na si Bianca. Hindi niya ito kilala, natakot ito baka may gawin itong masama sa kanya.

"Relax lang, mamaya na kapag dumating si Nathan," sabi ng lalaki. Nagtaka naman ito kung ano ba nagawa ni Lance sa kanila. Nagalit ba ito dahil sa laro nito nainiwan sa internet cafe.

"Pwede kayo makulong sa ginawa n'yo. Kaya pakawalan n'yo na ako," sigaw nito pero tinawanan lang siya ng lalaki.

"Manahimik ka kung ayaw mo takapan 'yang bunganga mo." Banta nito kaya napatigil si Bianca. "Masunurin ka pala."

Pinili na lang ni Bianca manahimik dahil hindi naman niya kilala ito baka ano pa gawin nito sa kanya. Napatingin naman si Bianca ng biglang may lumapit na lalaki, nakakatakot ang hitsura nito. May malaking peklat ito sa mukha.

"Sigurado ba kayo napupunta si Nathan? Mahalaga ba ito sa kanya." Tinuro nito si Bianca.

"Oo boss, nakita ko silang magkasama. Sinundan din namin sila," sagot ng lalaki na kausap ni Bianca kanina.

"Siguraduhin n'yo kung ayaw n'yo malintikan sa akin."

"Chill lang boss, sigurado kami. Makakaganti rin tayo sa Nathan na 'yon."

Hindi maisip ni Bianca kung ano kasalanan nagawa ni Lance dito. Natatakot siya sa kanyang sarili, hindi mapagkatiwalaan ang mga mukha nito. Halatang mahilig ito sa away.

"Boss nasa labas na ang Phantom Knight," sabi ng lalaki na hinihingal, halatang kagagaling lang sa takbo. Nagtaka naman si Bianca kung sino ang Phantom Knight na sinasabi nito.

"Humanda kayo," sigaw ng lalaki na may peklat sa mukha. Nagsihanda naman ang mga tauhan nito akala mo susugod sag era.

"Hindi pa rin nagbabago itong mabantot muna ugali. Nandamay ka pa." Napatingin naman si Bianca dahil kilala niya ang boses na iyon. Unti-unti niyang nakikita ito ng makalapit nasa kanilang kinaroroonan. Nakita niya si Lance na magkasalubong ang kilay at nasa bulsa nito ang isang kamay. May mga kasama itong apat na lalaki, isa lang kilala nito si Ace.

My Tutor Is An Ex-GangsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon