Scarlet "The Destroyer"

327 23 3
                                    

Aw.... Late na ako sa school yari ako Kay mama nito. Nakita ko ang oras sa kuwarto ko at mga 7:00 na ng umaga.. Shit yari talaga ako nito....

Nagmamadali akong maligo at magbihis tapos bumaba na ako sa hagdanan.. Nakita ako ni mama at pinagalitan ako....

"Yosuke bakit late ka nang nagising? Ano na naman ang ginawa mo sa Gabi?" Sabi sa akin ni mama

Siya si Yachiko Mendez ang nanay Kong masungit pero mabait naman siya kapag mabait ka rin sa kanya.

At magpapakilala rin ako. Ako si yosuke Mendez, 18 yr old. 4th yr high school student nagtataka kayo kung bakit ang edad ko ay Hindi tugma sa yr ko?? Kasi umulit lang ako ng isang taon... Kung ipapaliwanag ko eh sa isang salita lang binagsak lang ako ng kalbo Kong titser na ngayon ay principal na...

"Ah ma nagbasa kasi ako ng light novel kagabi kaya tinanghali ako ng gising." Paliwanag ko Kay mama

"Ah ganun?? Cge bilisan mo malelate ka lalo niyan. Pero mamaya humanda ka pk??? ^_^" sabay ngiting sabi ni mama

0_0 holyy..... Sana Hindi mahirap ang ipapagawa sa akin ni mama mamaya. T_T

"Cge po Alis na po ako ma." Nagmamadali Kong sabi sa kanya

"Ingat sa daan."

........,

Pagdating sa school

Aw late na nga ako lalo pa akong na late dahil sa principal naming kalbo.. Grrr. Pinapush up ako kasama ang ibang nalate ng 50 reps except lang sa mga babae. Pinapasok nila agad ang mga babae tapos kami pinaiwan.. Nang matapos ko ang push up tumungo na ako sa room ko.

Room 4 sec 4 sit no. 34 wow ano ito ??? Pampasuwerte?? Puro may 4?? Yan yung nakapaskil noong unang araw ng klase. Pero ngayon iniba na ng adviser namin nasa hulihan na ako. Buti na lang at malinaw mga Mata ko.

Dumating na ang math titser namin nagturo na siya.. Pagkatapos ng 1 oras natapos din ang turo niya.. Buti naman natapos na muntik na akong makatulog dun.

Dumating ang lunch bumili lang ako ng pagkain sa canteen dahil wala akong baon na kanin dahil na late ako ng paggising. Hay naku naman isang linggo pa lang nang magsimula ang klase na late na ako....

Mayamaya lang may dumaang mga studyanteng nagkukwentuhan tungkol sa isang balita. Nakinig ako sa kanila.

Student A :"pare alam mo ba??? Magkakaroon ng meteor shower mamaya sabi sa balita kaninang umaga."

Student B: "eh??? Talaga maganda yun kung makikita natin sa Gabi first time ko pa naman makakita ng meteor shower sa pinas."

0_0 ohhhhh meteor shower mamaya?? Wow gusto Kong makita un.... Excited kong sabi sa sarili ko.

Patuloy na nagkuwento ang unang studyante....

Student A:" sorry pre pero sabi sa balita mamayang hapon daw mangyayari ung meteor shower Hindi Gabi."

Student B:"sayang naman kung hapon Hindi masyadong makikita yun -_-"

.....eh mamayang hapon??? Ano kaya itsura nun??

Pagkatapos Kong makinig Sa dalawa bumalik na ako sa room... Nagpatuloy ang klase ng 2 oras bago maguwian ang mga studyanteng pang umaga Kasama na ako doon pero may pinuntahan pa ako bago ako umuwi. Pumunta ako sa NBS ( national book store ) para tumingin at bumili ng bagong librong babasahin ko mamaya.

Pagkatapos noon umuwi na ako.. Nang pauwi na ako napatingin ako sa langit at.......

0_o oh ang ganda ng meteor shower ang linaw akala ko Hindi ko makikita ang meteor shower dahil maliwanag pa.

Nang nakatingin ako sa Pangyayari may isang bulalakaw ang bumagsak sa harapan ko.. Sinangga ko ang mga tumalsik na mga maliliit na bato at pagkawala ng alikabok nakita ko ang isang espadang nakatarak sa gitna ng malaking hukay.

Ang hugis ng espada ay parang kahawig ng spell card na "destruction sword" sa yugi-oh.

Lumapit ako at nung hawakan ko na ang espada bigla itong nagliwanag at nang nawala ito tumambad sa aking harapan ang isang babae.

Uwooooow ..... Ang ganda niya sobra kung ipapaliwanag ko. Eto lang ang masasabi ko.

Ang buhok niya ay mamulamula hanggang baywang ang haba nito. Ang kanyang mga Mata ay kulay asul na Hindi masyadong matingkad. Ang katawan niya ay parang coke. Coke in bottle ang seksi niya. At ang pinaka kapansin pansin sa kanya ang kanyang dalawang malaking hinaharap.... Wooooooooooaaaaahhhhh....

Buti na lang at nakadamit siya... Hahaha kung Hindi nagbabaha na dito ng dugo shit... Nagsalita ang babae sa akin......

"Hello earthling ^_^... Ako si Scarlet " the destroyer" nice to meet you." Ngiting sabi ng babaeng nagpakilalang scarlet

At eto pa ang nakakabigla ng sabihin niya ito..

"Pwede bang ikaw ay maging contractor ko?"

Wow what's happening here????

......end of 1 chapter......

Author here

Hello I'm blaze Sana nagustuhan ninyo ang storyang ito. Sa ngayon magfofocus ako sa gawa Kong Ito.. kung magustuhan ninyo ang gawa KO vote lang... Maguupdate ako ng mga 1 o 2 beses sa isang linggo oh kung makakuha ako ng mga reference o idea para sa susunod na chapter ng mabilis Edi mabilis din akong makakaupdate.

Comment lang kayo kung may suggestion o kaya mag message kung may gustong idagdag..

See you again readers.

The Relv ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon