The Meaning of Emblem and Appearance of Enemy

233 12 0
                                    

Limang araw na ang nakakalipas ng matapos ang "kaguluhan" sa bahay... Oopss I mean mga pangyayari noong lunes.... Ngayon ako ay nakikipag usap Kay scarlet sa sala. Dahil wala si mama ngayon Sa bahay....

"Scarlet may tanong ako.." Ang sabi ko sa kanya

"Ano yun yosuke??"

"Ahmmm... Alam mo ba itong simbolong ito???"

Ipinakita ko sa kanya ang hugis sword emblem sa kanang kamay ko sa kanya.

"Hmm... Ah!?!?.. Yan yung simbolo na ikaw ay isa nang contractor sa isang relv... Ahahaha sorry ha nakalimutan Kong sabihin sa iyo ang tungkol sa Emblem." Pagpapaumanhing sabi ni scarlet

Oh ganun pala yun... Hmmm...teka meron akong nabasa sa isang libro na kung saan ang isang simbolo ay pwedeng maging 3 in 1 parang kape... Cge nga masubukan ko ngang Itanong sa kanya.....

"OK lang yun. Bukod sa sign ng pagiging contractor ang emblem na ito. Ano pa ba pwede gawin nito??? Para ba itong kape na 3 in 1?? Na kung saan dalawa o tatlo ang paggagamitan nito??? O Kaya naman eh Wag mong sabihing yun lang ang silbi nito symbol lang ng isang contractor???"

Usisa Kong tanong sa kanya.

Nagpatuloy si scarlet sa pagpapaliwanag niya.

"Hmm..... (Napaisip ng malalim) Hindi naman sa pagkakaalala ko sa school namin ang emblem ay pwede ring pangsummon sa relv form namin at ginagamit din ito para maramdaman ang bawat isa kung nasa panganib ang partner niya. At vise versa lang except sa pagsummon." Ang mahabang paliwanag ni scarlet

"Ohhhhh!!!!!!!... Pwede pala kitang isummon!?!" Excited Kong sabi.

"Oo kaso kailangan mong tawagin ang pangalan ng relv form ko bago mo ako masummon."

"Hmm.hmmm.. Ganun ba?? So anong pangalan ng relv form mo.??"

Namula ng bahagya ang pisngi ni scarlet at nagsalita siya....

"Ah...eh... Alam Kong alam mo na ang pangalan ko diba I'm scarlet "The Destroyer"? So wag kang magugulat ha?? Ang pangalan ng relv form ko ay sword of destruction." Nakayukong sabi ni scarlet

Eh... Bakit nakayuko siya?? At parang malungkot ang mukha niya?? Ang astig nga ng pangalan eh.. Kaya sinabi ko sa kanya ito...

"Oh wag kang malungkot ano ka ba?? Tumingin ka nga sa akin ( tumingin si scarlet ) . eto lang ang masasabi ko sa iyo OK?? Ang ganda kaya ng pangalan. At astig pakinggan.. Kaya maging masaya ka OK? (^_^) " ngiti Kong sabi sa kanya

"Talaga?? Hindi nga???"

"Oo nga promise. Maganda ang name :) "

"Salamat yosuke sa sinabi mo. Ikaw ang unang nagsabing maganda ang relv name ko. Salamat talaga. (^//__//^) " sinabi niya ito habang namumula ang kaniyang mga pisngi.

Pfffffttttt..... I can't resist to hug her dahil ang cute niya!!!!

*hug niyakap ko siya at alam Kong nagulat si scarlet sa ginawa ko. Shit... Sana Hindi siya magalit pagkatapos nito..

"Ahmm.. Yosuke???" Nagtatakang sabi ni scarlet

"Ah.. Sorry kung niyakap kita bigla..."

"Ah ganun ba??? YOSUKE??? Pwede mo bang ipaliwanag sa akin kung ano ang ginagawa mo Kay scarlet???" Galit na sabi ni mama

Si MaMA!!!!!! Tumingin ako sa gilid at nakita ko ang isang nagaapoy na aura sa likod niya... Am I hallucinating???? Patay........ Good bye world

...............

The Relv ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon