Someone's POV
Sinundan ko ang batang babae kung saan siya papunta at hanggang siya ay makauwi sa kanyang tinitirhan..
nang makalapit ako doon may naramdaman akong malakas na aura.. hmm??? may contractor dito?? patay ako nito.... itinago ko ang aking aura para hindi nila malaman na ako'y nasa paligid nila isa ito sa specialty ko.. kahit ang pinakamalakas sa amin sa Red Dragon School ay hindi ako napapansin agad kapag ginamit ko ito.
pumunta na ako sa pinto ng bahay nila may dala akong isang boque ng rosas. binili ko ito pagkatapos kong sundan siya. nabasa ko lang sa isang magazine ang tungkol dito na kapag nagbigay ka ng rosas sa isang babae matutuwa sila kaya sinubukan ko ito.
kumatok ako at ang nagbukas sa pinto ay isang may gulang na babae sa tingin ko siya ang nanay ng batang babae..
"Sino po sila?" sabi ng may gulang na babae
"ako po si Tatsuo" sabi ko
"hmmm.. anong kailangan nila sa bahay namin?" tanong niya ulit
"gusto ko po sanang ibigay itong rosas sa kakapasok lang na babae dito sa bahay niyo po." paliwanag ko
"hmm....ah!! para ba kay april yan??halika pasok ka muna sa bahay.." anyaya niya
nakapasok na ako sa bahay ni april yung babaeng sinusundan ko kanina. napansin kong dalawa lang ang tao sa bahay na ito sa kanya ba nagmumula yung malakas na aura na naramdaman ko kanina?? shit... mukhang siya nga baka napansin niya na hindi ako taga earth ano gagawin ko...
"upo ka muna sa sofa magtitimpla lang ako ng iyong maiinom... ay sorry ako nga pala si Yachiko" sabi niya
"opo" maiksi kong sagot
"April bumaba ka nga muna dito may bisita kang lalaki dali ^_^ " nakangiting bigkas ni Yachiko
"ha?? may bisita po?? sino daw po siya??" sabi ni april habang bumababa sa hagdan
"Tatsuo daw ang pangalan niya kilala mo ba siya???" sabi ni Yachiko
"hmm Hindi po eh.." sabi ni april
"ganun ba sige samahan mo muna ako dito sabay tayong pupunta doon sa sala." sabi ni yachiko
"ok po" sabi niya
naghintay ako ng ilang minuto bago sila lumabas sa kusina at nang lumabas na si april at si yachiko napatigil sa paglakas si april dahil nakita niya ako...
"ah!!! ikaw yung tinanungan ko ng direksiyon kanina ah kuya ??? bakit ka nandito?? sinundan mo ba ako pag-uwi ko??" sabi niya
"ah eh.. oo kasi may kailangan lang akong matapos na misyon eh. upang matapos iyon kailangan kita.." sabi ko
"eh?? ano ito prank lang ba??? kung prank lang yan ng mga barkada mo eh lumayas ka na dito. hindi ko kailangan ng mga taong manloloko." galit na sabi niya
eh??? may mali ba akong nasabi sa kanya?? sabihin ko na lang kaya sa kanya ang totoo kaso baka mayari ako nito sa nanay niya.. kuhhh.... bahala na nga..
"ah eh wala akong barkada dito o kaya mga kaibigan man lang kasi hindi ako taga dito eh galing ako sa malayong lugar. ." ang paliwanag ko
sumingit si yachiko o sabihin nating nanay niya?
"eh uminom muna tayo ng juice para lumamig ang mga ulo niyo mga anak ok ba??"
"ok lang po" sabi ni april
"sige po." sabi ko
uminom kami ng malamig na jiuce wow ang sarap naman nito... nagsalita si yachiko sa amin.
BINABASA MO ANG
The Relv Choice
Actiona fantasy story that revolves around a boy named yosuke who happens made a contract to scarlet a relv girl by chance, she posses of a power of destruction but she can't fully use it without a contract... what will happen to yosuke's life???? taken t...