The Duel of Two Contractors and The Lost Friend

179 10 0
                                    

Sabado... Ang araw na magduduel kami ng isang Hindi ko kilalang contractor na nag sulat sa akin......

Time check 9:55 am

Maaga kami ng 5 minuto sa oras ng tagpuan nakita ko ang isang lalaki at isang batang babae (?) Na nakatayo sa gitna ng bakanteng lote.... Hmmm... Mukhang nakikilala ko ang dalawang yun ah?? Saan ko ba sila nakita??? Hmmm....

Ahhh!!?!?! Naalala ko na sa gate ng school.. Grr... Siya pala ha... Kung minamalas ka nga naman bakit pa ang lalaking yan ang makakaduel ko!?!

Habang ako'y nagiisip tungkol sa mukhang gangster na lalaki.. Nagsalita siya ng malakas...

"Good!!!...good.... Mabuti pumunta ka at maaga ka pang dumating.. Akala ko naduduwag ka hahaha!?!?!?"

"Sorry pero Hindi Sana ako pupunta dito kung Hindi mo lang idinamay sa sulat ang mga classmate ko at ang mga magulang ko."

Ang sabi ko sa kanya

Nagsalita ulit ang lalaki...

"Hahaha ganun ba!?! Wala akong pakialam.. Simulan na natin itong Laban na ito.. Pero bago yun kailangan ko munang magpakilala at sasabihin ko ang mga rules.. Ako si yuuto Buenaventura at ang kasama ko ay si Miu " the symbolic blade" at ang rules ay dalawa lang.....ang Una...."

Habang nagpapaliwanag ang mukhang gangster na si yuuto may inilabas siyang cube sa bulsa niya...

"Iaactivate ko muna itong Cuberinthna hawak ko." Ang sabi niya..

Ha?? Anu yan??.. Nagsalita si scarlet sa tabi ko....

"Yosuke ang hawak ni yuuto ay isang cuberinth ito ay isang pocket edition of virtual world.. Tinatawag din itong cube labyrinth madami itong pinaggagamitan ibibigay ko ang ilan sa kanila.......

Una nagbibigay ito ng pansamantala ng virtual world tumatagal lang ito ng 5 mins to 5 hours depende ito sa Laban. At isa pa lahat ng injury mong makukuha sa cuberinth ay mawawala pagkatapos ng duel ngunit ang stamina mo ang kapalit ng pagkawala ng mga sugat mo.

Kung grabe ang mga sugat mo mawawalan ka ng malay pagkatapos ng duel pero kung minor lang ang nakuha mo eh parang mapapagod ka lang.

Pangalawa ginagamit din ito bilang score board. Na kung saan pinagbabasehan ang bawat Laban na naipapanalo niya.

At last tanging mga top student lang o mga piling estudyante ang meron nito sa apat na school kasama na ang school namin doon.." Ang paliwanag niya...

What?!?!?! Magandang pakinggan na walang mamamatay sa isang duel ngunit ang huli  niyang sinabi ay doon ako kinabahan...

"Edi scarlet base sa paliwanag mo eh isang elite ang kalaban natin????" Kinakabahang tanong ko.

"Oo sa tingin ko nga medyo mahihirapan tayo dahil first experience mo ito... Pero OK lang andito naman ako upang turuan ka. (^_^)" sabi ni scarlet.

Eh!!!!.. Parang Hindi siya kinakabahan kasama ka sa lalaban oi.

Ngayon si yuuto ay inactivate ang cuberinth na hawak niya.

"Cuberinth activate" ang sabi niya

Lumaki ang cuberinth kasing laki ng loteng kinatatayuan Naming apat. At naging transparent ito. Parang hangin lang na dumampi sa akin ang cuberinth. At naramdaman Kong nawala ang lahat ng ingay na galing sa mga sasakyan at mga tao.

At pagkatapos noon nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Ang pangalawang rule ay walang susuko hanggang matalo ang isa. SUMMON: Katar of lightning." Pagkatapos ng paliwanag niya tinawag na niya ang kanyang relv.

The Relv ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon