The Boy Meets Girl and the forgotten promise on her

143 9 1
                                    

Isang buwan na ang nakakaraan nang tumira si aira sa amin.

Ngayon ako ay naglalakad ng magisa sa MOA ( Mall of Asia ) nagtataka kayo kung bakit nandito ako?? Wala lang gusto KO lang mamasyal ng ako lang magisa.. Nakasuot ako ng polong itim nakamaong at may suot na black leather gloves sa kamay may butas ito sa bawat daliri o sabihin nating katulad ng mga raiders ang gamit ko pinagkaiba lang eh manipis lang ito. Astig ang suot KO noh?? Joke lang...

Habang naglalakad ako at tumitingin sa mga store may bumunggo sa akin...

Bam...

"Ouch sorry po.. Tumatakbo po kasi ako kaya Hindi KO po kayo nakita." Ang sabi ng batang babae na nakayuko

Cute siya.. Kung ieexplain KO eh ganito ang iTsura niya. Nakapalda siya ang haba ay sakto sa tuhod kulay white. Ang blouse niya ay may mga lace kulay sky blue. May shoulder bag na maliit sa balikat niya na kulay pula.

"OK lang Hindi din ako tumitingin sa dinaraanan KO eh." Ang sabi KO

Nang tumingin sa akin ang batang babae natulala siya.. Hmm??? Bakit mukha ba akong kumakain ng bata??? O may dumi ba ang mukha KO??

Nang nakarecover siya..

"Kaw ba yan yosuke-oniichan??" Ang sabi niya

Ha??? Anong sinasabi nitong batang ito??

"Hmm?? Paano mo nalaman ang pangalan ko bata.??" Tanong KO sa kanya

"Muuuuu... 12 na ako oniichan Hindi na po ako bata....at isa pa... Hindi mo na ba ako natatandaan?? Yosuke-oniichan?" Sabi ng bata

Hmm..??? Hmmm... Nagisip ako kung meron akong kilalang bata na nakasalamuha ko nung bata pa ako.. Pero walang lumabas eh. Kaya napailing na lang ako sa kanya..

"Sorry wala akong matandaan."

"Oh god!!!! Nalimutan mo na?? How terrible.. Pati yung pangako mo sa akin kinalimutan mo din.!?!?" Pasigaw nitong sabi

Wala akong matandaang ipinangako sa isang tao.. Hmm??? Wait lang parang meron pero parang Hindi din..

"Sorry wala talaga akong matandaan.. Kung magbibigay ka ng clue baka maaari ko pang maalaala iyon."

"Ayoko nga... Mas magandang maalala mo ang pangako mo sa akin kaysa sabihin KO sa iyo hmmph.." Pairap na sabi niya

Kuh.. Wala talaga akong matandaan kung meron man.. Masyadong Malabo kaya Hindi din ako kombinsido...

"Hay naku suko na ako.... Wala talaga akong matandaan at isa pa ngayon lang kita nakita at nakilala kaya sorry bata..ay este miss pala." Sabi KO sa kanya

"I hate you!!. Humanda ka sa akin kapag nagkita tayo ulit..kinalimutan mo pangalan KO at ang worst pa yung pangako mo sa akin kinalimutan mo.. I hate you!!!! I hate you!!!! I hate you!!?!?!" Sabay alis ng batang babae na naluha (?) Dahil sa nagawa ko sa kanya (?)

Shit.. Bakit umiiyak iyon wala naman akong ginawang masama.. Maya-maya lang at napansin KO ang mga taong nakatingin sa akin at narinig KO ang ilang usapan nila..

"Ang sama ng binata pinaiyak ang batang babae sa madaming tao..walang awa." Sabi ng babae A

"Oo nga yang mga ganyang lalaki dapat katayin." Sabi ng isa

"Mamatay ka Sana" sabi ng isang batang lalaki

Ouch.... Ang sasakit naman nilang magsalita makaalis na nga baka maviral pa ako dito sa mall mahirap na baka macyber bully ako ng mga walang kwentang mga tao..

Kaya umalis na ako sa crime scene este sa mall at umuwi na ako.. Hindi KO nakita pa ang batang babaeng nakausap KO kanina...

............

The Relv ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon