CHAPTER 6
TRISH POV
Paranoid lang ba ako dahil sa naikwento sakin ni Elaine o dala na din ng buyo ng bestfriend ko. Lumipas na ang ilang buwan, pansin ko "tumutumal" na ang sulat nmin sa isat isa. Kung dati 2-3 letters weekly ang natatanggap at pinapadala ko kay Gab,ngaun 2 nalang sa isang buwan.Ni hindi na nga sya tmatawag(aparato pa ang celphone nun). Iniiisp ko nalang nun na baka busy siya sa school. Varsity pa sya ngaun sa basketball, kaya siguro hindi sya masyado nakakapagsulat.
Nakakapagtaka na dahil 1 sulat nalang sa isang buwan ang natatanggap ko.Hindi din usual dahil isang page nalang at parang nagmamadali pa ang pagkakasulat. Iba na ang nararamdaman ko sa sulat nya. Parang wala ng saya. Wala ng sigla. Kinakabahan na ako. Eto na ba ang kinakatakutan ko? Eto na ba ang sinasabi ni Gelai sakin? COnfirmation na din ba to sa mga kinuwento sakin ni Elaine? Paano kung totoo? Ano ba ang gagawin KO? Natatakot ako.
Siguro dahil sa madalang na sulat ni Gab sakin, at gusto ko din maentertain ang sarili ko, kaya nagsimula na din ako na magentertain ng manliligaw ko.
Nakasalubong ko ang Senior na si Kuya Jon
JON: Hi Trish, may nghahanap sayo kanina pa
Hi Kuya!Sino?
JON: Si Troy. Manliligaw ata
Naku kuya ayan ka n nman ha. Saka kuya ni Debbie yun (ang bestfriend ko namna na babae na kapitbahay naming.magkaiba ang school namin)
JON:Ayaw mo maniwala. Hindi mo ba alam na yung pagsabay sabay nya sau at panlilibre eh way ng panliligaw nya sayo.
Hay sige na kuya. Wag nya na ko hanapin mgkikita nman kami mamaya. Pinapupunta ko ni Debbie sa kanila eh. Bye Kuya. See yah around
Napaisip ako sa biro sakin na yun. Narealized ko na kapag pumupunta ako sa haus ni Debbie lagi nakatingin si kuya Troy nya. Galante nga pag nandun ako. Pag ngrerequest si Debbie ng pagkain tinatanong ako ni Troy kung ano ang gusto ko at bumibili sya. Kaya pala. Pero not bad, gwapo ang kuya nya. Matangkad, maputi, varsity ng basketball sa school namin. Mabait din si Troy, sweet pa sa kapatid nya. Kaya napaisip ako na if I would open my heart to someone , si Troy ang magiging ideal guy ko. Pero kahit nageentertain ako ng ibang suitor,parang nagtataksil pa din ako kay Gab. Siguro nga para wala ng masaktan, lagyan nalang naming ng closure, kesa pahabain pa .
That night pumunta ako sa haus nila Debbie. Pinapapunta nya ko sa rooftop nila kse nandun daw si kuya troy nya, gusto nya ko makausap. Kinabahan ako. Eto naba kaya nya ko hinahanap?Ilang buwan din ang mga pasaring na ginagawa ni Troy skin (Troy nlang ngaun wala ng kuya.hehehehe) masyado kse akong occupied sa kakaisip kay Gab kaya hindi ko napapansin si Troy. Naabutan ko sa rooftop si Troy;
Hi! Musta? Hinahanap mo daw ako?
TROY: Ah oo, hindi kit nkita sa school kanina eh. May sasabihin sana ako
(Naku ano ba to kanakabahan ako)Ah ano yun
TROY: Wag ka sana magagalit ha, bestfriend ka ni Debbie, tas kuya pa tawag mo sakin. Pero hindi ko na mapigil tong nararamdaman ko sau. I like you, I really like you..Actually mahal na kita. Sinubukan ko pigilan pero hindi ko kaya. Pag nakikita ko na may kausap ka na iba, nasasaktan na ako. Naninikip na ang dibdib ko. Sana bigyan mo lang ako ng chance na pakita sayo at patunayan ang nararamdaman ko.
(Speechless ako)
"Troy"......... (ayun lang ang nasabi ko. actually gusto ko nman sya,matured sya mabait, sweet. Kilala ko na din sya kaya if ever no need for the getting to know stage. Pero pano si Gab.Dpat malinaw lahat. Kelangan ng closure samin dalawa)
TROY: Please just say yes???Tanggap ko khit hindi mo pa ko mahal, coz I promise I will do my best para mahalin mo.
(Napapaisip pa din ako. Naguguluhan. Eto si Troy, ideal man ng kahit sino, ngmamakaawa na mapaOO ako. Si Troy na malapit, si Troy na mahal ako. Na kilala ko. Anytime na nandyan para sakin. Hindi ko kelangan sulatan para kumustahin.SI Troy na physically andyan, buong buo, mahahawakan ko, mayayakap ko. Si troy na alam kong mamahalin ako. Si gab, na mahal na mahal ko, pero hindi ko na alam kung mahal pa din ako. Nawalan ng communication, may ibang pangalan ako na naririnig na nalilink sa knya. Nalilito na ako. Pero Sabi ko nga ayoko masktan, ngaun palang uunahan ko sya kahit gano ko cya kamahal.)
Troy...... (I called him and a minute of paused) I also like you, and maybe hindi nman ganun kahirap n mahalin ka dba
TROY: Hindi ka magsisisi Trish. Il do everything to make you happy.
Then he hugged me.I hugged him back.
Pero hindi pa tapos.Kailangan ng closure smin ni Gab. Hindi ko alam kung mahaharap ko sya. Napressure na din siguro ako kaya nagawa kong sagutin si Troy, pero hindi ko nman sya gnagawang panakip butas. I know madaling mahalin si troy, pero kelangan kong makausap si gab.
BINABASA MO ANG
Just Keep Holding On
RomanceIf ur really meant for each other,kahit ano mangyari,kahit sino pa ang maging sagabal,kahit gaano pa kahaba ang paghihintay,sa bandang huli kayo tlaga para sa isat isa.but how would u know if he/she is the one?pano kung hindi na puwede na maging kay...