Kabanata 9
Inlove
MARIANA'S POV
Hala?! Saan pupunta yun?! Nagulat ako ng bigla na lang siyang umalis.
Nag-usap pa naman kami ni Anthony, kasi gusto niyang tumulong ako sa paggawa ng banner, para sa baskettball liga ng school!
"ahh! Anthony puntahan ko lang si ano, si Jake!" paalam ko sa kanya, tumango lang siya, dali-dali ko namang sinundan si Jake, pero di ko na nahabol
Ano bang meron dun? May problema siguro siya?
Bumalik nalang ako ng classroom, at nagsimula ng nag discuss ang guro namin.
Ginawan na rin pala ako ng assignments ni Jake!, napangiti lang ako at, nang uwian na ay hindi nakasama si Ana sakin kasi may gagawin daw silang importante ng pamilya nila.
Naghintay naman ako kay jake sa harap ng school, hinahatid niya kasi ako pag uwian na. Chineck ko naman ang cellphone ko.
Ba't walang text?! Nag text nalang ako kay Jake
To:jake the walang hiya!
Hoy?asan ka na? Hinihintay kita dito! Kung hindi moko masusundo, maglalakad nalang ako! :-(.
Sent!
Ilang minuto pa ang hinintay ko at nakita ko na ang motor niya yes!.
Sobrang laki ng Ngiti ko, syempre sinundo talaga ako,kahit ang tagal kong naghintay at sobrang nabusog ako sa binigay niya! Dala-dala ko pa rin ang bulaklak na binigay niya, at sobrang cute ng bracelet!
Kumaway naman ako sa kanya at saka huminto siya sa harapan ko,
Tinanggal na niya ang helmet niya atsaka bumaba ng motor, t-teka? Umiyak ba siya?
"ba't ka nag absent babe?" tanong ko, yucks babe!
Suminghap naman siya at kinuha ang bag ko at bulaklak, sinuot niya ang bag ko sa harap niya at pinasok sa loob ng bag ko ang bulaklak "t-teka! Dadalhin ko nalang yan baka, masira" sabi ko at hinablot ang bulaklak.
Binigay naman niya ang helmet sakin, tahimik pa rin siya, walang kibo
"hoy!!! Napano ka?" tanong ko sa kanya, umirap lang siya at pinaandar ang motor, sumakay naman ako at niyakap siya.
"hoy?! Ang tahimik mo yata! Wala ka bang sasabihin?! Tsk!" nguso kong tanong.
Pero nakatutok siya sa pagmamaneho.hmp!
Nang makarating na kami sa tapat ng bahay namin ay binigay na niya sakin ang bag, padabog naman akong pumasok ng bahay, pero pagpasok ko sinilip ko muna siya!
Pagsilip ko, t-teka?!! Umiiyak ba siya?! Siguro may problema talaga siya!
"a-aray!" sigaw ko, ang sakit ng puso ko! Ano bang nagyayari?!
Naalala ko kasi, Dati kasi hindi niya ako pinapapasok pag nakauwi na ako, humahalik kasi yun sa noo ko.
Umalis naman kaagad siya, kaya pinukpok ko ang ulo ko, at huminga ng malalim, at tumungo sa kwarto, Inayos ko naman ang mga gamit ko, at nilagay sa vase ang bulaklak, Pagkatapos ang mga cellophane na nilagyan niya ng pagkain ay nilagay ko sa isang kahon na may nakalagay na pangalan na jake the walang hiya memories with me:(
Tumulo na rin ang luha ko! Sobrang sakit kanina ng puso ko! Nag-alala naman ako sa kanya
Napaisip naman ako na etext siya pero bigla nalang siyang nag text. Napangiti naman ako
BINABASA MO ANG
Follow Your Heart [COMPLETED]
Teen FictionWalang masama sa pagmamahal, lahat ng taong umiibig ay napakaswerte. Dumating sa punto na pareho na silang pagod sa isa't isa, ano ba ang mas papakinggan nila? Ang puso? O ang isip? Darating talaga sa punto ng buhay natin na mapapagod tayo sa lahat...