Kabanata 18

262 9 0
                                    


kabanata 18

Plans

MARIANA'S POV

"magbihis ka na Jake, let's go" kaagad kong sabi kay jake ng dumating ako sa bahay nila,nakahilata pa kasi siya sa kama at mukhang walang balak, mag enroll.

Naka boxer lang siya. At sanay na ako.

"hoy! Jake naman e!" sigaw ko sa kanya.

Kaagad naman siyang bumangon at dumiretso sa banyo. Tsk!Pumunta naman ako sa closet niya at pinaghandaan siya ng damit.

Gawain ko na to.Nagdala din ako ng pagkain niya, ako ang nagluto.

Pagkatapos niyang maligo ay lumapit siya sa akin "good morning babe" sabi niya at kinuha ang damit niya bago ako hinalikan sa noo.

Napairap nalang ako, dinampot ko na ang mga damit niya na nagkalat sa sahig,inarrange ko na din ang mga libro.

Pagkatapos niyang magbihis ay sabay na kaming umalis,,dala niya ang kotse niya

"babe, simula na'to ng totoong laban, college na tayo, dito magsisimula ang mawalan tayo ng oras sa isa't isa kaya please babe, wag kang maghahanap ng Iba" seryosong sabi niya.

"babe, of course! Gagawin ko hindi ako mag Che-cheat! Ikaw din!lapitin ka pa naman ng nga chixs!" sabi ko sa kanya, Nandito kami sa loob ng kotse niya, niyakap naman niya ako at tumawa.

"gwapo ko talaga babe no?! Hahaha!"

"wew? Ang lakas ng joke mo!"

"hindi yun joke babe it's true"

When we arrived sa School ay kaagad naman kaming nagpa enroll, marami ang tumitingin sa amin, well, siguro sa boyfriend ko.

Nang matapos ang mataas na proseso ay kaagad na kaming umuwi, nakasabay ko naman si Ana, pero hindi na kami sabay umuwi, may susundo kasi sa kanya, papa niya.

"babe? Kain tayo, my treat" sabi ko

Nagulat naman siya.

"first time hahaha" tawa niya.

"ayaw mo?"

"syempre gusto!" ayan naman pala e!

"sige na, doon tayo kina Aling Cindy, masarap ang bulalo!" excited kong sabi, kaagad naman niyang tinanong ang address at tinuro ko naman.

Pagkadating namin ay nakita ko na kaagad si Aling Cindy."matagal ka ng pumupunta dito babe?" tanong niya sa akin, Nandito pa kami sa loob ng kotse.

"hmm oo, noong 12 years old ako, D-dito ako dinadala nila mama at papa para Kumain, favorite ko nga ang bulalo e! Hahaha hays I miss them" niyakap naman niya ako sa likuran ko.

"hmm, it's okay babe" sabi niya.

Liningon ko siya at ngumiti, Pagkatapos ay hinawakan ko ang mukha niya gamit ang dalawa kong kamay.

"i love you, I love you, i love you" sabi ko

Ngumuso naman siya at napangisi.

"hahaha!nagiging sweet ka na naman ah! Pano ba' to? Ang sweet ng girlfriend ko bwahahha" sabi niya at tumawa, Tiningnan ko  naman Siya ng masama.

"sorry babe hahaha, I love you too" sabi niya at hinalikan ang noo ko.

"tara na, gutom na ako" sabi ko.

Bumaba naman kami ng kotse at pumasok sa loob ng Maliit na karenderya.

"Aling Cindy!" tawag ko kay Aling Cindy na nag-aasikaso sa ibang costumers, napatingin siya sakin at bahagyang kumunot ang noo, inaalala niya ako.

Follow Your Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon