Kabanata 11

307 11 0
                                    


Kabanata 11

I love you

JAKE'S POV

"eto ba ang girlfriend mo iho?" tanong ni papa, ngumiti ako at tumango, ngumiti naman si papa at si tita, stepmom ko, umirap lang si Cristal.

"H-Hello P-po, a-ako po si Mariana Isabella Fontabella, Magandang gabi p-po" pakilala niya, hinawakan ko naman ang kamay niya.

Nakatayo pa kami ngayon kaharap sila papa. "Hello din iha, ako Si Anne Dela Torre, stepmom ako ni Jake at asawa ko ang papa niya, at ito naman si Cristal ang anak ko" pakilala ni tita, at oo step sister ko si Cristal, baliw nga lang, kaya naiinis ako sa kanya, hindi ako tinatantanan pag hindi ako nagkakaGirlfriend!

"a-ah n-nice meeting you all po" wika ni Mariana na nanginginig, palihim kong pinisil ang kamay niya para kumalma.

"halina kayo, at Kumain na tayo, son? Can we talk?" tanong ni papa kaya iniwan ko muna si Mariana kina tita.

"anong pag-uusapan natin pa?" tanong ko sa kanya, Nandito kami sa labas ng bahay. Napabuntong hininga siya.

"alam na ba niya ang kalagayan mo?" natigilan naman ako sa tanong niya.

"H-hindi p-pa" nauutal kong sagot

"son, baka masaktan mo lang siya, alam mo masaya ako ng narinig na may girlfriend kana, atleast may isang tao ang magiging dahilan para mas lumaban ka pa"

"pa, mahal ko siya"

"pero masasaktan mo siya, sobrang inosente ng mukha niya anak, paano pag---"

"lalaban ako pa" matigas kong sabi.

MARIANA'S POV

"Hey! Mariana! I'm sorry for what I did ah?" sabi ni Cristal, ngumiti lang ako

"okay lang yun! Ano ka ba" wika ko

"thank you" sabi niya at niyakap ako.

"ahem, I'm here so? ano palang ginawa mo kay Mariana anak?" tanong ni tita Anne.

Sumimangot naman si Cristal at umupo. "I bullied her friend and her" yumuko siya, napahalakhak naman ang mama niya.

Naiinggit tuloy ako, sana all may nanay!

Since I was 13 years old, naaksidente ang mga magulang ko, at simula noon si kuya at ate na ang naging magulang ko, tinulungan kami ng mga kamag-anak namin, marami din kaming mga ari-arian na naiwan nila mama at papa, at mabuti nalang at nasa tamang edad na si kuya nong panahon na yun  at si ate, kaya sila na ang naging magulang ko.

"anak, you're being selfish and childish!, alam mo kasi Mariana, sobrang mahal niya si Jake! Bilang kapatid, kaya gusto na niya talaga na magka girlfriend ang kapatid niya para ahmm, nevermind" nagtaka naman ako sa inasta nila, naaligaga silang dalawa.

"bakit po?" tanong ko, umiwas naman sila ng tingin sa akin at pumasok naman si Jake at ang papa niya. Kaya nabuga sila ng hangin.

"kain na tayo!" sabi ni Jake at tumabi sakin, ngumiti ako sa kanya

Habang kumakain kami panay ang pagkwekwento ni Cristal, sabi niya ayaw niya daw'ng mag transfer at hindi na daw niya ako bubullyhin. Pagkatapos naming Kumain ay hinatid na ako ni Jake pero nagpaalam muna kami.

"bye po, tito, tita at Cristal!" paalam ko, kumaway naman si Cristal at niyakap ako.

"ingat kayo!" sabi niya, tumango lang ako.

Follow Your Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon