Kabanata 10
Meet my family
MARIANA'S POV
"ano ba! Ang bastos mo talaga!!" sigaw ko sa kanya, nang maghiwalay ang labi namin, hindi ko na siya magawang sampalin, sa sandaling naglapat ang mga labi namin, kakaiba ang nararamdaman ko, parang gusto ko tuloy na nakahalik lang ako sa kanya! Hmp second kiss na yun!
Ngumiti naman siya, kaya nagtataka ako e! Panay Ngiti at tawa siya. Totoo naman e! Sumasakit ang puso ko pag nakikita ko siyang nasasaktan.
"damn this woman" bulong niya, kaya sinapak ko siya.
"damn, makinig ka sa akin, listen carefully, sige aamin na ako, blinack mail kita kasi gusto ko na maging girlfriend kita para layuan ako ni Cristal at kapag nakita niya na may girlfriend na ako, lalayo siya, at kapag lumayo na sya, palalayain na kita, pwede mo ng gustohin si Anthony ng paulit ulit" ewan pero nalungkot ako sa sinabi niya, diba dapat maging masaya ako?!
Bigla nalang tumulo ang luha ko.
"a-ah g-ganun b-ba o-okay!" sagot ko at dahan dahang umatras
"di pa 'ko tapos, pero ngayon, I want to ask you, seriously, mahal mo ba ako? Kasi ako Mariana, nababaliw na ako sayo, now answer me, honestly mahal mo ba ako? Pag sinabi mong hindi, tapusin na natin' to, aalis na rin naman si Cristal" sabi niya, mahal ko ba siya? Sa loob ng mga panahong magkasama kami, naiinis ako? Tapos pag nakikita ko siyang nakangiti, napapangiti ako, kinikilig ako sa mga binibigay niya.
Pinakinggan ko ang tibok ng puso ko, ang lakas parang sasabog.
Pagkatapos ay umiling ako.
Hindi!
Bakit ang lakas? Parang sasabog! Nakapikit lang ako.
"H-hindi? O-okay, I understand, uwi na ako, mag-iingat ka palagi" sabi niya at dumilat naman ako, pero hinabol ko siya at niyakap patalikod.
Ngumiti ako, sobrang saya ko! Oo! Ewan pero ngayon ko lang to naramdaman!
"mahal kita babe" ewan ko! Pero lumabas lang yun sa bibig ko.
Napahinto naman siya at hinarap ako.
"t-talaga?!!! Ay! Mariana pag ako trinitrip mo! Ay naku!" sigaw niya kaya sinapak ko siya.
"mahal nga kita! Ayaw mo?"
"ano?! Syempre gusto ko!, halika mag date na naman tayo!" sigaw niya at hinila ako papunta sa motor niya.
Nakasakay lang kami sa motor niya Habang papunta sa isang Park?! Nakayakap lang ako. Ngayon Alam ko na ang pinagkaiba ng nararamdaman ko, Anthony is just my crush! While Jake is my true love!
Nang makarating kami ay hinubad na niya ang helmet ko bago ang helmet niya. Nakangiti lang ako sa kanya pati rin siya, bakit di ko na siya hate? Awts!
"let's go?" tanong niya, tumango naman ako at ngumiti sa kanya. Hinila naman niya ako sa isang bench at pinaupo dun.
"dito ka lang babalik ako" sabi niya at umalis. Naghintay naman ako, nang makabalik siya ay may dala na siyang human size na teddy bear!!!!!
Kulay pink yun! At sobrang cute!Tumakbo naman ako palapit sa kanya at binigay naman niya ang Teddy bear, uwu ang soft! Niyakap ko naman ang Teddy bear, sobrang laki naman!
"thank you!!" sabi ko sa kanya, tumango naman siya at hinawakan ang kamay ko bago Hinila ako papunta sa motor niya, Maya-Maya pa nilabas niya ang cellphone at may tinawagan.
BINABASA MO ANG
Follow Your Heart [COMPLETED]
Novela JuvenilWalang masama sa pagmamahal, lahat ng taong umiibig ay napakaswerte. Dumating sa punto na pareho na silang pagod sa isa't isa, ano ba ang mas papakinggan nila? Ang puso? O ang isip? Darating talaga sa punto ng buhay natin na mapapagod tayo sa lahat...