Kabanata 26

255 6 0
                                    


Kabanata 26

True happiness for you

MARIANA'S POV

"woahhhh!!!! Guys!!!!!" masayang sigaw ni Bruse nung nakapasok kami, napatingin naman sa kanya ang lahat ng tao pati si tita, magka hawak kamay kami

Napatawa naman ako sa reaksiyon niya, gulat din si Ana nagpalipat lipat ang tingin niya sa amin at sa kamay namin ni Bruse.

Ganun din si Pj at Klent na nakanganga, si Jaw naman at Ken ay nakanganga din.

Sila Jake naman at ang fiancé niya ay nasa gilid at may pinag-uusapan.

"anong meron bro?!" tanong nila Ken.

Ngumiti si Bruse at Tiningnan ako.

Lahat ay naghihintay sa sasabihin niya"I'm getting married!!!!!" sigaw niya, napasigaw naman ang Iba sa saya, pati si Tita ay napapalakpak at ngiting Ngiti

Madami ding nag congrats sa amin, si Ana naman ay Di makagalaw.

Linapitan kami ni tita at niyakap isa-isa."hala?! Gaga! Totoo?! Pag kami jinojoke niyo ay naku!" sigaw ni Ana, niyakap naman ako ni Bruse at niyakap ko din siya bago sabay kaming natawa, ewan ko pero ang saya ko din.

"halaaaa!!! Putek!!! Totoo nga!! Gosh ang bestfriend ko! Huhuhuhu ikakasal na!!!" naiiyak na sabi ni Ana, niyakap ko naman siya.

Ganun din sila Pj, at klent umiiyak hindi daw sila makapaniwala.

"bro! Congrats putek!" sigaw ni Jaw at niyakap si Bruse, madaming nag iyakan, imbes dapat masaya, naiiyak din si tita

"gago ka! Kailan pa?! Bwisit ka!" sigaw ni Ken at niyakap siya.

At sumunod naman si Jake

Natahimik ang lahat "congrats bro!" sabi ni Jake at niyakap si Bruse.

"oh? Dalawa na pala sa atin ang ikakasal!" sigaw ni Ken at nagtawanan ang lahat

"guys, meet biance my fiancee" walang ganang sabi ni Jake, nag hello naman ang babae, maganda siya.

Pagkatapos ng madaming pasabog ay nagpaiwan muna ako kay Ana na kina Bruse muna ako matutulog, kailangan may closure din kami, oo mag kaibigan kami dati, pero di kami ganun ka close

"sige ingat ka Isabella! Bye! Labyou!" sigaw ni Ana habang gumigewang gewang, lasing.

Tinulungan naman siya nila Pj at umalis na sila.

"tara na sa loob, malamig dito sa labas" sabi ni Bruse, tumango naman ako.

Umalis naman si Jake dahil binilhan ako ng mga gamit, sasama sana ako kaso si tita.

Kaya nagkwentuhan nalang kami ni tita.

"Alam mo kasi Mariana, dahil sa sobrang pag fo-focus natin sa isang tao, hindi natin napapansin na nasa maling tao tayo, kasi hindi talaga siya ang para sa atin, malay mo ang taong para talaga sayo ay nasa gilid lang, tingnan niyo kayo ni Jake, you two didn't last, you gave all and then nasakal siya, and look at Bruse naging Broken din dahil iniwan, it means hindi talaga kayo para sa isa't isa, lahat tayo ay may nakatadhana na simula pa lang" sabi ni tita, nag kwento kasi ako tungkol kay Jake

Hindi ko akalain na nasaktan din ng sobra si Bruse. Ang Galing mag advice ni tita, lahat naintindihan ko na. Hindi talaga kami para sa isa't isa.

"I know na, kayong dalawa ni Bruse ay walang nararamdaman para sa isa't isa, bakit kayong dalawa ang gusto ko? , kasi nakikita ko ang Magandang samahan, at kampante akong di na kayo masasaktan sa isa't isa, alam ko ding ginagawa niyo to dahil alam niyong I'm dying, and thank you for fulfilling my wish, alam kong balang araw matututunan niyo ring mahalin ang isa't isa, please promise me na hindi kayo maghihiwalay kahit anong mangyari" sabi ni tita.

"tita..i don't want to promise but I swear na gagawin ko ang lahat wag lang mangyari yun, ayoko ko pong mag promise kasi hindi din naman natutupad that's why instead na ipinapangako ko sa inyo e gagawin ko po" sagot ko, Ngumiti naman si tita at hinaplos ang buhok ko

"all i want is to witness your wedding and see you got pregnant, kahit hindi ko na makita ang apo ko, it's fine, kakapanaw lang ng mga magulang ni Bruse ako nalang ang meron siya.. At ikaw, kaya wag mo siyang iiwan pag nawala ako" sabi niya.

Nagulat talaga ako, Bruse is going through all of this?!. Niyakap ko nalang si tita, at nang makatulog na siya ay lumabas na ako ng kwarto at nakita ko namang papasok na si Bruse

Nakangiti siya, Nakangiti din ako.

I don't want you to be sad anymore Bruse.

"Bruse!" tawag ko sa kanya, napatingin naman siya sa akin, marami siyang dala na paper bag damit ko siguro, tumakbo ako pababa, nag taka naman siya sa inasta, para akong bata na dumating na ang Papa

Niyakap ko kaagad siya at napa 'woah'naman siya at niyakap ako, sobrang  saya ko, ewan, ngayon lang ako naging ganito kasaya.

Sobrang nag tagal ang yakap namin, at sobrang higpit, parang natagpuan namin sa isa' t isa ang saya na hindi naman natagpuan noon.

Para kaming mga turista na naligaw sa paglalakbay at nakabalik na sa Lugar na tinitirhan nila.

I found my home.

Maya-Maya pa bigla kong narinig ang mahina niyang hikbi. Napabitaw ako ng yakap sa kanya at Tiningnan siya, umupo siya sa sofa at yumuko bago umiyak, humihikbi na siya at humagulhol pa lalo

Naawa naman ako at nilapitan siya bago hinaplos ang likod niya.

"hey? Are you okay?" tanong ko.

Umiling lang siya.

"wala lang 'to, sobrang saya ko lang ewan ko, pero ngayon ko lang to naramdaman yung saya na sobra sobra, hindi ko maipaliwanag parang natagpuan ko na ang matagal kong hinahanap, buong buhay ko, nakakulong lang ako sa kwarto, simula bata pa ako hindi ko pa to naramdaman, itong saya na'to, salamat at dumating ka, salamat at natagpuan kita" umiiyak niyang sabi, pautal utal pa yun, habang hawak niya ang kamay ko,at tinitingnan ako sa mata

Niyakap niya ako, gulat pa rin ako, bakit pareho kami ng nararamdaman?!

"please stay with me, forever, kahit wag mo na akong mahalin, manatili ka lang kasi kailangan kita" sabi niya

Napaiyak naman ako.

"mamahalin din kita, mahalin mo rin ako" bulong ko.

Humiwalay na siya sa yakap, at pinunasan ang luha niya. Tiningnan ko naman ang kamay niya na may sugat

"anong nangyari diyan?" tanong ko, at kinuha ang kamay niya.

"muntik na kaming magpatayan ni Jake, kanina" gulat naman ako, loko na ba sila!!

"bakit??!"

"gusto niyang bumalik ka sa kanya, iiwanan daw niya si Biance, si Biance kasi ay anak ng isang mayamang negosyante at kailangan niyang magpakasal dito para matulungan ang negosyo nila,ngayon na nalaman niyang magpapakasal tayo ay gusto ka na niyang bawiin , loko, ngayon niya lang na realize ang halaga mo na hawak ka na ng Iba. Mariana,you still have a choice pwede mo siyang balikan" sabi niya.

Umiling ako.

"itutuloy natin ang kasal, Bruse, sure na ako,ayoko ng ipilit ang hindi na pwede, ayokong gawing kumplikado ang lahat, ngayong okay na lahat" sabi ko at niyakap naman niya ako.

Hindi naman sa duwag ako dahil ayokong Ilaban si Jake sadyang may mga bagay na kahit ilaban mo pa wala ng patutunguhan, napapagod din ako, okay na ako, nahanap ko na ang matagal kong hinahanap. Ang matagal kong gustong maramdaman na hindi ko naramdaman sa Iba.

Yung legit na saya.

Mahal ko si Jake, mahal na mahal pero kailangan kong mag paubaya, kailangan kong panindigan ang desisyon ko.

Follow Your Heart [COMPLETED] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon