Sugat

7 1 0
                                        

Kung ang tulis lamang ng talim ang yayakap sa akin, 

Walang alinlangang kakayanin.

Hindi na kailangang sanggain,

Malugod ko itong tatanggapin.

Ngunit kung ang talas ng iyong dila ang didiin,

Huwag mo nalang sana 'ko bigyang pansin,

Huwag mo nalang sanang dagdagan ang dadalhin.

Bagkus mga salitang nabitawan ay itinatanim,

At umuusbong kahit na makulimlim.

Maghihilom ang mga sugat na galing sa talim,

Ngunit hindi ang mga sugat mula sa itinanim,

Na kung huhukayin ay masyadong malalim.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Jul 24 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Spoken Word Poetry (Compilation)Historias para obsesionarse. Descúbrelo ahora