APBG Ⅲ: At The Court
Shekkinah's POV
2 weeks na din matapos ang enjoying exercise ko na yun... hindi na naman ganun ka-halata ang cut ko sa labi at naghihilom nadin ung daplis ko sa may pisngi at braso.. siguro pwede naman na akong umuwi sa bahay mamaya..
"S-Shekkinah.." napalingon ako sa babaeng tumawag sakin with my most death glare of mine ever.
"W-Wag mo naman akong tingnan ng g-ganyan Shekkinah.. n-nasa labas ng room ang kuya m-mo.. gusto ka daw nyang kausapin.." napatingin ako sa bintana sa labas ng room namin, at andun nga si Kuya. Ang tatalim na naman ng mga titig nya sakin.
Tumayo na ako nun at diresto lang ang lakad papunta kay Kuya.
Grabe.. napakaseryoso ng mukha ni Kuya. Ayoko talaga pag ganyan sya. Para syang papatay ng tao..
"Patingin nga ng mukha mo." Sabay hawak ni Kuya ng baba ko at tingin kaliwa't kanan..
"Hmmmm... mukhang ok ka na... uwi ka na mamaya.. miss ka na ni Mama." Sabay bitaw na ni Kuya sa mukha ko at sandal sa poste dito sa coredor na nakalagay pa ang dalawang kamay sa bulsa nya. Tss.. pacool din 'to si Kuya eh.
For 2 weeks, hndi ako sa bahay umuuwi. Sa condo ako ni Kuya tumuloy nun.. ayoko din namang umuwi sa bahay na bugbug ang itsura. Baka sobrang mag alala si Mama. Alam din ni Kuya na nasuot na naman ako sa gulo. Sanay naman na si Kuya sakin eh. For 2 years ganito na ako. Immune na ang katawan ko sa mga ganitong eksena. Kaya sanay na sanay na ako.
"Yun lang pala pinunta mo dito, kala ko kung ano na. Sige, pasok na ako." Nag step na ako palayo sa kanya ng...
·__________________·
"K-kuya..."
"Kailan mo ba ititigil yang pagpatay mo sa sarili mo..... Veronica." Agad na nag-init ang mga mata ko ng banggitin nya ang pangalang yun..
Kumalas ako sa pagkakayakap ni Kuya sakin.. hndi pwedeng maging mahina ako. Im Inah! Hndi Veronica.
"K-Kuya.. Patay na si Veronica. Patay na sya 2 yrs ago.." Sabay pasok ko na ulit sa room namin.
Ayoko nang bumalik yung babaeng napakatanga, walang utak, mahina, mahiyain at napaka-conservatice na Veronica'ng yun.. ayoko.. ayoko..
----------
Wala si Kuya sa bahay ngayon. Im sure nasa gang nanaman nya yun. Si Mama, may pinuntahan sa Mall. Papasama nga sana sya sakin kaso hndi ako mahilig dun. Haaaay.. makapunta na nga lang ng Court.
Pag ganitong walang pasok at walang tao sa bahay, malaya akong nakakapunta sa kung san ko man gustong pumunta. Naka jersey shorts lang ako (#10 syempre) tapos naka loose white t-shirt ako, dala ang bola kong pambasket ball im on my way at Galardo Basketball court.
Pagpasok ko sa court, hindi lang pala ako nag iisa. May isa pang lalaki na naglalaro mag isa. Sinong maglalaro dito ng ganitong tanghali sa mainit na court na 'to?? (Maliban sakin syempre)
Hawak ko ang bola ko sa bewang ko at pinagmasdan sya. Hmmm.. galing nya mag dribble ah.. oh! Wow.. galing nya mag 3 point shoot. Well, tangkad nya din.. complete package na.
Nag-dribble ako ng bola habang papalapit sa kanya. Napahinto sya sa paglalaro. Alam ko yun kasi wala na akong nararamdamang pag dribble. Napatingin ako sa lalaking 3 metro ang layo sakin..
Napakunot ang noo ko...
'Sya na naman?' Bakit palagi kong nakikita 'tong lalaking 'to? Wag mo sabihing taga dito din 'to?
BINABASA MO ANG
A Player and A Boyish Girl. ♥♥
Short StoryBata palang si Shekkinah may pagkaboyish na talaga sya. Namana nya daw un sa Kuya Shelton nya na may pagkabarumbado at leader ng isang gang. Nagbago ang tahimik nyang buhay sa pagiging kolehiyo nya ng makilala nya ang Team Captain ng basketball at...