APBG Ⅳ: Rumors
Shekkinah's POV
"Alis na po ako Umma." Sabay beso ko kay Mama.
"Mag iingat ka Shekkinah hah.." Ingat na ingat ako Umma.
"Opo Ma," palakad na ako palayo sa mesa ng..
"Hintayin mo 'ko.. sabay na tayo.." napalingon ako kay Kuya.
"Seryoso yan Kuya? Sasabay ka sakin?" Tah! Nagpapatawa ata 'to si Kuya. Hndi naman yan sumasabay sakin eh. Takot nya lang daw kasi baka makita sya ng mga barkada nya na may kapatid syang boyish. Tss.. wala naman akong pake sa kanila eh.. pag buhol buholin ko pa sila..
"Seryoso ako Ggo! *PAAAAAAAK*"
"ARAAAAY!! TAENA KA TALAGA KUYA!!" Buset! Lakas mambatok neto ni Kuya!
"Shelton! Wag ka ngang ganyan sa kapatid mo! Tss.. kayo talaga, sya sige. Umalis na kayo at baka mahuli pa kayo sa eskwelahan." Nagbeso kaming dalawa ni Kuya kay Mama at lumakad na papuntang Garahe.
"Maglalakad lang ako, yoko sumakay jan sa kotse mo.." arte pa kasi neto ni Kuya. May pahatid hatid pang nalalaman..
"PU.MA.SOK. KA. DI.TO." Naku po. Nanggigigil si kuya. Ano bang problema neto?
"Eh sa ayoko nga jan sa kotse mo Kuya. Maglalakad na lang ako." Palakad na ako palayo sa kotse nya pero mapilit parin 'tong kupal ko na kuya, kaya yan. Kinaladkad ako papasok sa kotse. Taena, ano bang tumatakbo sa utak neto?
Pumasok na din sya sa loob at nilagay ang seat belt nya. Nakatingin naman sya sakin.
"Baka gusto mong ako pa mag seat belt sayo? Hah! Tanda mo na oy!" Kitams? Bipolar.
"Alam mong ayokong mag seatbelt. Ayoko ng nasasakal ako.." nag cross arms lang ako at direcho ang tingin sa harap.
"Tsss.. bala ka." Pinaandar na nya ang kotse.
Habang nagmamaneho. Tahimik lang ako. Refreshing ang hangin.. binuksan ko kasi ung windshield ng kotse eh.. once in a blue moon lang magpasakay si Kuya sa Red Ferari nya. Minsan nga occasionally lang kaya nakakagulat 'to ngaun eh.
"Oo na.. lam ko na tumatakbo sa utak mo.. may gulo kasi sa grupo." Napatingin ako kay Kuya.
"Bumalik na sya Inah." Agad agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Hah! So talagang may balak pa syang magpakita hah. Taena, kapal ng mukha nya. Hndi. Hndi ako papaapekto. Taena, paki ko ba sa kanya.
"So? Bakit parang di ka mapakali? Sus Kuya, kayang kaya mo ngang patayin yun eh.. ano bang kinababahala mo?" Matawa tawa pa akong nakatingin kay kuya. Para syang timang. Kung gugustuhin nya, kayang kaya nyang gawing impyerno ang buhay ng lalaking yun. Maraming koneksyon si Kuya. Kaya niya yan.
"Ikaw.. ikaw ang inaalala ko." Napakunot naman ang noo ko.
"Ako? Bakit ako?"
"Inah---"
"Hay nako Kuya.. wala akong pakialam kahit patayin nyo sya sa harap ko. Gawin nyo kung anong gusto nyong gawin. Labas ako jan." Hininto na ni Kuya ang kotse. Nasa may parking lot na kami ng university.
Lumabas na ako nun pero narinig ko pa ang sinabi ni Kuya.
"Mag iingat ka Inah.. alam kong kaya mo na ang sarili mo pero madaya syang lumaban." Napangiti ako..
BINABASA MO ANG
A Player and A Boyish Girl. ♥♥
Short StoryBata palang si Shekkinah may pagkaboyish na talaga sya. Namana nya daw un sa Kuya Shelton nya na may pagkabarumbado at leader ng isang gang. Nagbago ang tahimik nyang buhay sa pagiging kolehiyo nya ng makilala nya ang Team Captain ng basketball at...