APBG ⅩⅠ: Acceptance
Shekkinah's POV
*TOK!TOK!TOK!*
"PASOK!" Sigaw ko. Nasa kwarto pa kasi ako. Bino-blower ko pa yung buhok ko. Napagpasyahan ko kasing... ibalik na si Veronica. Ang simpleng si Veronica. Pero hndi na rin talaga siguro mawawala ung mga nakaugalian ko na. Gaya ng pakikipagbasag ulo ko at pagbabasket ball. Yun lang siguro ang hndi ko na maaalis pa sakin.
"Shekkinah.." oooh! Si Appa. Bihis na bihis ah.. san sya pupunta?
"Appa.. bakit po?" Nilapag ko ang blower sa kama ko. Tumabi naman si Appa sakin sa pag-upo sa kama. Inakbayan ako ni Appa.
"Shekkinah... im going to korea now." Napatingin ako kay Appa. B-Babalik na sya? Akala ko ba 2 weeks pa ang itatagal nya dito??
"I taught you've been here for 2 weeks.. bakit babalik ka na agad sa Korea?" Kakabadtrip naman si Appa ooh.. kung saka naman ang saya ko na, na kompleto kami eh.. saka naman sya babalik?
"Im sorry, Princess but.. i have to go. Theres some things i need to fix there. Dont worry, i'll be back as soon as i fix things right ok?" Sabay kiss ni Appa sa ulo ko. Haaay.. ano pa nga ba ang magagawa ko? Business yan ni Appa eh. Niyakap ko nalang ng mahigpit si Appa.
"Dang shin ee bogoshipeul geo ya Appa.. " (Im gonna miss you, Father.)
"Nado, gongju. Nado.." (Me too, Princess. Me too.)
Haish!!! Ang drama namin ni Appa! Tsss.. parang di na kami magkikita eh..
"Stop this drama already, Appa. Papasok pa ako." Napatawa lang si Appa sa sinabi ko.
"But.. Princess.." napatingin naman ako kay Appa. "Are you and Warren doing great now? Oh! Let me rephrase that. Did both of you now are already dating?" Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ni Appa.
"Appa!" Tumawa tawa lang ulit si Appa. Tsss.. si Appa chismoso din 'no? Tsss..
Its been a week after nyang umamin. Sya na ang naghahatid at nagsusundo sakin papunta sa school at pauwi dito. Palagi syang nagpapakita kay Umma at Appa pag pupunta sya dito. Gusto nya kasi na maging legal kami pag naging kami na. And i found it so sweet. Sya palang talaga ang may lakas ng loob na gawin yun. Si Kuya minsan trip nya si Captain. Palagi nyang binabatukbatukan. Pasaway nga yun eh.
"Ahahahaha.. just asking Princess. Basta! If ever he let a tear fell into your eyes because of his stupidy? Let me know it! And i will kick his assh*le immidiately! Arrayo gongju?" Napatawa naman ako sa sinabi ni Appa. Si Appa talaga.. daming kalokohang alam. (Understand, Princess?)
"Ok, fine Appa. Tss.. i love you!" At niyakap ko ulit si Appa. Appa hug me back.
"Iloveyou too, Princess."
------------------
Nasa sasakyan na kami ni Captain. Tahimik lang ako. Ngayon na kasi papasok sina Kevin at Sean. Huli naming pagkikita nung 'Dating day'. Kinabukasan nun, nalaman kong hindi sila pumasok. Si Sean hndi daw pumasok kasi nakipag-away daw. Biruin mo ba naman, makipag-away daw sa mga Student council. Nasuspended sya for one week. Si Kevin naman, pinasuspend din. Pumasok daw kasi na lasing na lasing. Nakipag-make out pa daw sa loob ng klase.
Hanggang ngayon sinisisi ko ang sarili kaya nila nagawa yun. Kasi naman.. ayokong pagbigyan ang gusto nila dahil ayoko talagang umasa sila sa wala. Akala ko makakabuti yun para sa kanila. Yun pala sa ikasasama pa nila.
"Shekkinah.. ok ka lang ba?" Napatingin ako kay Captain. Worried na worried ang mukha nya.
"Ok lang.." tumingin ulit ako sa windshield ng sasakyan. Pano ko kaya sila haharapin? Matatanggap kaya nila? Na... na pinagpalit ko sila sa Captain nila? A-Ayokong mag-away away sila. Ayokong masira ang samahan ng Team nila dahil sakin.
BINABASA MO ANG
A Player and A Boyish Girl. ♥♥
Short StoryBata palang si Shekkinah may pagkaboyish na talaga sya. Namana nya daw un sa Kuya Shelton nya na may pagkabarumbado at leader ng isang gang. Nagbago ang tahimik nyang buhay sa pagiging kolehiyo nya ng makilala nya ang Team Captain ng basketball at...