APBG Ⅴ: Basketball-Nightmare-Date

1.1K 24 0
                                    

APBG Ⅴ: Basketball-Nightmare-Date

Shekkinah's POV

Kalalabas ko lang ng Canteen. Sumaglit lang ako dito, may 30 min. kami na vacant eh, nagutom ako bigla.. bumili lang naman ako ng Mocha cake.

Paglabas ko ng canteen, sinusundan parin ako ng tingin ng mga nakakarinding mga babaeng 'to. Potek, hndi parin mamatay matay yang tsismis na yan... papatayin ko yung lalaking yun eh.. lakas pa nyang manyakin ako. Heh! Kahit papanu may background ako sa kanya. Player daw talaga sya sa basketball at kahit sa mga babae. Wala naman talaga akong interes sa kanya, bka ako lang target nya ngayon. Subukan nya lang gguhin ako ulit makakatikim na talaga yun...

Palakad na ako pabalik sa room ng pakiramdam ko may sumusunod sa akin. Nilingon ko agad yun...

"WAAAAAAH~... Uhhhm... hehehe.. uhmmm, Hi Shekkinah!" Eeh?? Ano kelangan ng babaeng 'to? Sya pa talaga nagulat na lumingon ako hah..kala nya siguro hndi ko sya mararamdaman.

"Bakit mo ako sinusundan?" Tanong ko dun sa parang batang babae. Pano ba naman? Kulot ang hanggang balikat nyang buhok, pero kalahati nun naka cheerleading na tali. Hndi ko alam tawag dun. Tapos kulay pink na ribbon ang tali nya, may kulay pink na hikaw at kwintas sya. At kulay pink na hello kitty ang bracelet nya. Eew.. bakit may nakapasok na grade school dito.

"G-Grabe ka naman makatingin sakin Shekkinah... n-nakakatakot ka.." hay.. ang isip bata naman neto.

"Kung natatakot ka bakit sinusundan mo pa ako?" Tinitingnan na naman ako ng mga mata ng mga walang magawang kaklase ko..

Bigla namang tumakbo ung babaeng yun palapit sa akin at sabay hook ng braso nya sa braso ko.

"Gusto kasi kitang maging kaibigan!! Im Chichiri Salvacion.. but you can call me Chiri nalang!!" Eew.. masyadong bubbly.. at anung gusto nya? Maging kaibigan ko sya? Kaibigang babae?? Nyaaaaaah~

Inalis ko ang braso nya sa braso ko.

"A.YO.KO." at iniwan ko syang nakatulala dun.. parang timang. Nagkalat na ba mga baliw sa mundo??

Nakalayo na ako sa weirdung babaeng yun. Pero bigla syang sumigaw na lalo kong kinainisan..

"Hindi ako titigil Inah! Lalo na't kinausap mo na ako! Magiging kaibigan mo din ako!!" Uggh! Weirdo.. may sapak na sa utak..

Paakyat na ako papuntang Room ko ng biglang may nanghatak sakin pababa.

*SWAAAAAAAAASH!!!*

"WOOOAH! Buti nalang nakailag na ako..." buset, sya na naman.. ano na naman kelangan neto??

"Bakit nandito ka na naman? Ano ba talagang gusto mo??" Parang ugok.. pasalamat sya at nakailag sya, kundi madadagdagan na naman ang putok nya sa labi.

"Grabe ka talaga, para kang galit na galit sa mundo.." tss.. hndi lang galit na galit, talagang nakakagalit.

Mukang wala na namang patutunguhan 'tong pag-uusap namin ng lalaking nasuntok ko nuon. Palakad na ako palayo pero hinatak na naman nya ako.

"HUTAENA NAMAN EH!! BAKIT BA ANG HILIG MONG MANGHATAK??" Nakakaasar... hatak ng hatak, bugbugin ko 'to eeh.

"Chill ka lang.. papaalala ko lang sana sayo ung date---- ah este ung laban natin mamaya ng basketball.." biglang nawala ang badvibes ko ng marinig ko ang basketball.

"Tsss.. yun lang pala, sige! Call ako jan, anong oras ba?"

"Basta pag basketball ngumingiti sya.. kakaiba talaga 'tong babaeng 'to.." eh?? Anung binubulong bulong netong lalaking 'to??

A Player and A Boyish Girl. ♥♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon