APBG Ⅹ: Pink, White and a Dozen Red Roses.
Shekkinah's POV
Naglalakad na ako pauwi. Hndi ko na alam mangyayari bukas. Nalilito na ako. Grabe naman ang araw na 'to ngayon.
"Alam mo, Shekkinah.. hindi krimen yang pagtanggi mo sa pag-ibig na inaalay ng dalawa sayo. Tama naman yang rason mo eh. Ayaw mo lang na umasa pa sila. Pero,, sigurado ka bang wala kang nararamdaman kahit katiting man sa kanila? Yun lang ba talaga ang dahilan kaya wala kang napili sa kanila? O dahil may iba nang ginugusto yang puso mo.."
Hanggang ngayon iniisip ko parin yang sinabing yan ni Chichiri sakin. Naging palaisip sakin yun. Ano nga ba talaga ang pinakadahilan ko? Pareho silang gwapo. Pareho silang mabait. Pareho silang masayang kasama. Pero bakit wala ni isa sa kanila ang pinili ko? Nalilito na talaga ako.
Pagkarating ko sa bahay nasa sala silang lahat. Wow ah. Kompleto sila ngayon ah..
"Andito na po ako.." Tinanggal ko na ang sapatos ko sa lapag at pumasok sa loob. Nanonood pala sila eh..
"Oh! Andito na pala si utol eh.. tara Inah!" Tsss.. ang saya saya ni Kuya ah! Anong nakain neto??
Lumapit ako sa sala at umupo dun sa tabi ni Umma. Ang saya naman neto. Parang ngayon lang ata nangyari 'to ah.. ang kumpleto kami. Nagstay pa si Appa ng 2 weeks. Gusto nya pa kasi kaming makasama eh. Lalo na si Umma. Sweet-sweetan sila eh..
Inakbayan ako ni Umma. Nakangiti sya sakin. Nakangiti din ako sa kanya. Ganun din si Appa. Niyakag ako ni Appa palapit sa kanya. Ang sarap naman ng pakiramdam na ganito. Na kompleto kami.
"Yown oh!! Kompleto tayo ngayon! Umma! Appa.." Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Kuya. Pasaway 'to! Inakbayan lang din sya ni Appa.
"How's your schooling, Shekkinah?" Pfffft! Si Appa talaga. Hndi parin sya marunong magtagalog.
"Ok naman, Appa." Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Haaay.. hndi parin mawala yung bigat ng loob ko.
"What's wrong Princess?" Saad ni Appa.
"AHAHAHAHAHA.. Naku! Appa! Lumalablyp na yan si Inah.. dala-dalawa-------- ARAY!!!!! AYOS AH! NAABOT MO PA AKO DITO!!" Buset 'to si Kuya! So alam nya din yung mga nangyari kanina! Hah! Kakaiba talaga radar neto!!
"Totoo ba yun, Nak? May boyfriend kana?"
"Naku! Wala pa po Umma! Nanliligaw lang po sila.. pero..." Napayuko na naman ako. Haaay..
"Pero what? Princess?" Appa
"Kasi.. Appa. Wala naman akong nararamdaman sa kanila eh.. binasted ko sila.. mali ba yung ginawa ko Appa?"
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA WOW!! INAH AH!! NAMBABASTED KA NA NGAYON! IKAW NA MAGANDA!" Uupakan ko na talaga 'to si kuya eh.. lakas makabadtrip.
"Dalaga na ang Princess natin, Yeobo." (Yeobo: Honey)
"Ahahaha.. your right Yeobo. Princess, what you did down there is not wrong. You just been true to your self not forcing to love them. You've grown up Young lady." At hinalikan ni Appa ang ulo ko. Tama si Appa. Naging totoo lang ako sa sarili ko. At hindi ko pinilit ang sarili ko na mahalin sila. Haaay. Ang galing talaga ni Appa.
"Your the best, Appa." At pinulupot ko ang braso ko sa bewang nya. Tsss.. tagal din naming di nagawa 'to.
*DINGDONG!*
Eh?? May bisita kami? Sinu naman kaya yun??
"Ako na po, Umma." Tumayo na agad ako nun, pero pinigilan ako ni Kuya.
BINABASA MO ANG
A Player and A Boyish Girl. ♥♥
Short StoryBata palang si Shekkinah may pagkaboyish na talaga sya. Namana nya daw un sa Kuya Shelton nya na may pagkabarumbado at leader ng isang gang. Nagbago ang tahimik nyang buhay sa pagiging kolehiyo nya ng makilala nya ang Team Captain ng basketball at...