APBGⅩⅡ: Secrets Revealed.
Shekkinah's POV
Nauna akong nakarating sa bahay. Hndi ako sumabay kay Kuya. Meju naguguluhan ako sa mga sinabi ni Yohann sakin kanina. Naguguluhan talaga ako.
"Shekkinah.." Napatingin ako kay Captain. Nasa kotse parin kami hanggang ngayon. Mga 5min na ata. "Ok ka lang ba talaga?"
Alam kong parang nagkakasala ako sa kanya. Nagtatago ako sa kanya ng mga lihim eh. Ayoko lang mawala ung tiwala nya sakin. Pero parang mas hndi sya magtitiwala sakin kung hndi ako magsasabi sa kanya.
"Ang daming nangyari ngayon. Masyado akong napagod." At nangumbaba ako. Wala akong lakas ng loob. Natatakot ako eh.
Bigla syang lumapit sakin at hinalikan ako sa noo. Matagal. Damang dama ko yung senseridad nya.
*DUGDUGDUGDUGDUGDUGDUGDUG*
Bumibilis na naman tibok ng puso ko. Puso ko na nagiging praning lang dahil kay Captain.
Humiwalay na sya at tumingin sakin.
"Alam ko.. alam kong nakakapagod ang araw mo ngayon. Magpahinga ka na." Umayos na ulit sya ng upo nun at diretsong nakatingin sa daan. B-Bakit parang may mali? P-Parang ramdam ko yung bigat ng loob nya.
"Uhm..." GEEZ!! Bakit pakiramdam ko may nagawa akong mali? Tangek! Meron talaga! Hndi mo sinasabi sa kanya yung ginawa mo! Na kinausap mo sina Sean at Kevin. Pero dapat ko pa bang sabihin yun sa kanya?
"Magpahinga ka na, Shekkinah." Ewan ko.. parang ang awkward ng paligid. Lumabas na ako ng kotse nun. At agad agad namang pinaandar na nya ang kotse. Eer. Ano kayang problema nya?
---------------
"Alis na po ako, Umma." At hinalikan ko sa pisngi si Umma.
"Oh? Aalis ka na? Hndi ka ba susunduin dito ni Warren?" Meju nanikip ang dibdib ko ng sabihin ni Umma ang pangalan ni Captain.
"May practice daw po sila sa Basketball, Umma. Team Captain po sya eh.." Oo.. yan yung dahilan ni Captain sakin. Ewan ko ba pero, parang hndi ako naniniwala sa kanya. May mali talaga eh.
"Ahh.. ganun ba?"
"Sabay nalang tayo, Inah."
"Alis na po ako." Tumakbo na kaagad ako palabas ng bahay. Masama ang loob ko kay Kuya. May tinatago pala sya sakin? Alam kong hndi sasabihin yan ni Kuya. Kaya kakausapin ko si Chichiri.
-----------------
"Ano? Hndi ka pa rin magsasalita?" Buset na babaeng 'to. Tinuring ko sya na kaibigan? Tapos ano 'to? May ililihim pala sya sakin? Ang sarap nyang bugbugin ngayon! Kaso pinipigilan ko. Gusto kong malaman ang totoo.
Nandito kami ngayon corredor ng dating laboratory. Wala masyadong pumupunta dito. Chaka sinasadya talaga ang lugar na 'to.
"S-Shekkinah.." Aish! Parang timang 'tong taong 'to. Nababanas na ako ah..
"Nagsisimula na akong mainis sayong babae ka hah. Makakatikim ka sakin!" Nanlaki lang ang mga mata nya sakin. Tsss.. eh sa tagal na di nya sinasabi sakin yan, mas lalo akong naiinis sa kanya.
"S-Sige.. aamin na ako. Siguro, iniisip mo na, na isa akong traydor na kaibigan."
"Hah. Ang galing mo namang manghula." Tinitigan na naman nya ako at napayuko. Alam kong ang sama ko na. Pero kasi.. nakakainis lang. Pinagkatiwalaan ko sya tapos tatraydurin nya lang ako.
"I-Im sorry.. im sorry Shekkinah.. sasabihin ko naman talaga sayo ang totoo. Naunahan lang ako ni Yohann." Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa kanya. K-Kilala nya si Yohann??
BINABASA MO ANG
A Player and A Boyish Girl. ♥♥
Short StoryBata palang si Shekkinah may pagkaboyish na talaga sya. Namana nya daw un sa Kuya Shelton nya na may pagkabarumbado at leader ng isang gang. Nagbago ang tahimik nyang buhay sa pagiging kolehiyo nya ng makilala nya ang Team Captain ng basketball at...