Kampana ng simbahan ay
Nagigising na
At waring nagsasabi
Na tayo'y magsimba
Maggising at magbangon
Tayo'y magsilakad
At masiglang tunguhin
Ang ating simbahanTugtog na nanggagaling sa simbahan. Ito ang unang araw ng simbang gabi. Magkahawak -kamay kaming naglalakad sa kapilya malapit sa'min para magsimba.
Ang kampana'y tuluyang
Naggigising
Upang tayong lahat ay
Manalangin
Ang bendisyon kapag
Nakamtan na
Tayo'y magkakaroon ng higit na pag-asaMay kanya – kanya kaming hiling na gustong matupad. Kumpleto kaming lahat at hangad naming makompleto ang simba.
Kinagisnang simbang gabi
Huwag nating limutin
Pagka't tayo'y may tungkulin
Sa panalangin
Ang kampana ng simbahan ay
Nanggigising na
Tayong lahat ay manalangin
Habang nagsisimbaNagsisilbing panata na namin ito bawat taon. Kakaiba kasi ang galak kapag natapos na ang simba at lahat ng tao ay parehong nagkikipag halubilo sa isa't isa. Walang iniisip na problema.
Pagkalabas sa simbahan ay nagtatakbo na si Mael papunta sa tindahan ng puto bumbong sinundan naman siya ni Don – don. Ang dami pa namang tao baka mawala ito.
Nilalagay ko na ang mga yelo sa ice box na dadalhin namin at tinawag na si Don – don para buhatin at ilagay ito sa likuran ng traysiklo ni Mang Senyo. Nirentahan ko ito para makapagpahinga kami kahit isang araw lamang. Maliligo lamang kami sa pampublikong beach dito sa'min.
Pawang nakasando at bestida lamang sila na nagpapakita ng payak na pamumuhay namin. Kahit naman may karenderya na kami at maganda ang kita nito ay hindi nagging maluho ang mga anak ko.
" Tara na!" yaya ko sa kanila pagkatapos maisalansan ang mga gamit namin sa likod.
Sunod – sunod naman silang lumabas sa bahay at nagsisakay na sa traysiklo.
" Bantayan mo si Stan don baka pumunta sa malayo" paalala ko kay Don – don. Malaki pa naman ang dagat ngayon. Mahirap na hindi pa naman sila sanay na makaligo sa dagat.
" Opo, nay" sagot niya saka nagsimulang maglakad papuntang dagat.
" Nay! Si Stan!" maya – maya'y rinig kong sigaw ni Don – don sa malayo. Napatayo ako sa pagkakaupo sa kubong nirentahan namin at napatingin sa kanila.
"Anong nagyari?" nag – aalalang tanong ko at lumapit sa kaniya.
" Si Stan nay, hindi ko makita..." sagot niya na nagpakaba sakin. Malapit lamang siya dalampasigan at palinga – linga.
"Ano?!" gulat kung tanong. Napalinga – linga na rin ako ngunit hindi ko siya Makita sa ibang batang naglalaro sa kalayuan. Napagdesisyunan kong lumusong tubig. Lumangoy ako hanggang sa marating ang malalim na parte ng dagat. Pumapataas ako para makakuha nang hangin at magpapailalim ulit upang hanapin si Stan.
Abot – abot ang kaba ko nang maaninag mula sa pinakaibabang parte ng dagat ang kulay puting damit niya. Kumuha ulit ako ng hangin sa taas at sumisid papunta sa kinaroroonan nito. Palapit ako ng palapit ay nakompirma kung si Stan na nakataob at nakapikit na. Dali – dali ko siyang hinila pataas hanggang sa makarating kami sa dalampasigan.
Hinahabol ko pa ang hininga ko ngunit wala akong tigil na pagtulak sa dibdib niya. Nag iiyakan na sila Don – don at Sally ngunit patuloy lang ako sa ginagawa kasama si Lito. Marami nang nakikiusyuso sa'min pero wala akong pakialam.
Nakahinga naman ako ng maluwag nang magkaroon siya ng malay. Ngunit labis ang aming pagkagulat dahil sa pagmulat ng mata niya ay ang pagguhit ng matamis na ngiti sa kanyang labi na ngayon lamang namin nasilayan.
PAALAM, HANGGANG SA SUSUNOD....
BINABASA MO ANG
A MOTHER'S LOVE
Non-Fiction"MASIKIP" "MABAHO" "MAINGAY" Palaging may tambay sa kanto , nag iinuman sa isang tabi , mga tsismosang nag tsi - tsismisan sa tapat ng isang tindahan. Lugar kong saan lahat ng tao ay kapwa nakikikapaglaban sa agos ng buhay."Isang kahig, isang tuka"...