SALLY 'S POV
Ilang buwan na ang lumipas at salamat sa diyos dahil napatawad na ako ni nanay sa kasalanan ko. Pero hindi naman sa tinuturing na kasalanan ang aking magiging anak pero ang kasalanan kpo siguro ay ang pagbubuntis ko nang maaga at masaklap pa ay hindi ko alam kung sino ang ama. Maging ako ay nagulat sa mga pagbabago sa akin lalo na sa aking katawan habang dumadaan ang mga araw. Palagi akong nagsusuka sa umaga at ang away ko sa lahat ay ang amoy ng sabon kaya kapag bagong ligo sila Don - don ay pinapaalis ko sila sa harapan ko dahil umiikot ang paningin ko.
Naiwan ako dito sa bahay kasama si Mael dahil umalis si nanay kaninag umaga pa. Samantalang pare - parehong nasa eskwela sina Don - don, Slent at Stan.
Nanungkit na muna ako ng indian na mangga sa gilid ng bahay namin. Masarap itong uri ng mangga namin kaya minsan ay maraming nanghihingi samin kapag panahon na tag - mangga. Marami akong nasungkit kaya dali - daliakong pumasok sa loob at simulan itong balatan.
Kaya lang ay biglang pumalahaw ng iyak si Mael sa kuna kaya napatakbo akong pumunta sa kanya at inugoy - ugoy siya. Maigi na rin sigurong ako ang palaging nag - aalaga sa kanya para na rin magkaroon ako ng kaalaman sa pag - aalaga ng bata kapag lumabas na ang nasa sinapupunan ko.
Ilang beses ko na siyang inuugoy - ugoy ngunit hindi pa rin siya tumutigil bagkus, mas lumalakas pa kaya lubhang nababahala na 'ko. Nararamdaman ko ding maiinit ang balat niya at halos hindi niya siya makahinga. Dali - dali akong lumabas ng bahay at dinala siya sa isang maliit na ospital malapit sa'min.
Pagkarating namin doon ay maraming pasyenteng nakalinya sa entrada palang ng ospital na pare - parehong may iniindang sakit. Ang mga doktor at nars naman ay hindi magkaugaga sa pag - aasikaso ng ibang pasyente.
"Sir, gamutin niyo po ang kapatid ko", pakiusap kosa isang nars na dumaan sa harapan ko ngunit hindi manlang kami binalingan ng tingin at dire- diretsong lumakad papaalis. Ganun ang ginawa ko nang may makita akong isang doktor na papunta sa direksyon namin.
" Ma'am maawa na po kayo pagalingin niyo po ang kapatid ko," nagmamakaawang sambit ko.
" Maupo nga kayo dun," utos niya sakin atsaka tinuro ang mga iba pang may iniindangf sakit na naghihintay ng mga taong mag - aasikaso sa knila para magamot katulad ni Mael. "marami kaming ginagawa ngayon maghintay kayo, first come, first serve dito iha" dagdag niya pa saka kami iniwanan doon sa gitna ng daanan ng ospital.
Napipilitan naman akong umupo sa upuang tinutukoy niya napatingin tuloy samin ng masama ang mga nakaupo doon na mga pasyente. Napayuko naman ako dahil sa matinding hiya sila nga na kanina pa may iniinda ay hindi nagrereklamo ngunit, nangingibabaw ang aking pagkaawa dahil karamihan sa kanila ay matatanda na.
Napunta ang atensyon namin ng magkagulo ang mga doktor at nars papunta sa harapan ng ospital. May matuling ambulansya na dumating at halos lahat ay natataranta kung ano ang gagawin. Inilabas mula roon ang duguang katawan ng lalaki, napagmasdan ko ito nang dumaan ang stretcher na pinagsasakyan nito sa harapan namin. Base sa nakikita ko ay muka itong nabaril dahil puno ng dugo ang kanyang kulay puting damit na pang itaas. Hindi basta - bastang tao ang lalaking ito dahil hindi magkamayaw ang mga doktor sa pag - aasikaso dito.
Hindi ko na napigilan ang nararamdaman ko kaya nilapitan ko ang isang doktor doon.
" Doc, baka naman pwedeng asikasuhin niyo namn kami dito, kanina pa kami e yung lalaking yan ngayon lang!" singhal ko sa kanya.
" Miss, hindi mo ba kilala kung sinong lalaki lang ang tinutukoy mo?" inis na sagot niya sa'kin.
"Wala akong pakialam!" sigaw ko sa mukha niya.
"Akala ko ba first come, first serve?!"
"Kanina pa rin sila dito oh!" nanggigil na turo ko sa mga matatanda na nakatingin sakin na hirap na hirap na sa pag iinda ng kanilang mga sakit.
"Malala ang lagay ng pasyenteng yun, wala yan sa mga sakit na nararamdaman niyo!"inis niyang paliwanag sakin at napasabunot na sa kanyang buhok, marahil ay nakukulitan na sa'kin.
"Doc, sapat naman siguro ang isa o dalawang doktor ang mag - aasikaso sa kanya," paliwanag ko. Kanina para kaming mga peste dito na hindi manlang malapitan pero pagkadating na pagkadating ng lalaking yun pinag pyestahan na nila. Ang unfair lang!
" Namimili ba kayo ng pasyente doc?" mataray na anas ko. " Dahil bawal kaming pambayad ay hindi niyo na kami pinapansin at aasikasuhin?"
" Ang alam ko trabaho niyong manggamot ng kahit sino?" litanya ko sa kanya. " Kailangan namin ng serbisyo niyo, karapatan namin yan!"
" O sige sige na, halika na kayo dito!" napipilitang sambit niya sakin.
Tinawag ko naman ang matandang katabi namin sa upuan na ubo ng ubo at hinahabol habol na ang hininga. "Unahin mo si nanay" utos ko sa kanya saka tinulungan si nanany na maupo sa silya sa harapan niya para simulan na itong gamutin.
Nagtawag naman siya ng mga ibang doktor para mag asikaso pa sa iba at kay Mael. Inabot na kami ng gabi at ang dami - daming eksaminasyon ang ginawa kay Mael. May nilagay siyang dextrose at kanina ko pa tinatawagan si nanay sa de pindot kong cellphone kaso kanina niya pa rin hindi sumasagot. Nag aalala rin ako dahil sa sobrang taranta ko kanina ay hindi ko na nasarado ang bahay. Kumukuyakoy na ako dito sa kaba dahil sa dami ng aking iniisip ngayon lalo na't mag - isa lang ako.
Balak ko sanag umuwi pero walang maiiwan ngayon kay Mael. Buti nalang at tumigil na siya sa kaiiyak at payapa ng natutulog ngayon. May dengue daw siay sabi ng doktor kanina at hindi ko alam kung saan kami kukuha ng pera pambayad sa ospital dahil oras - oras ay inoobserbahan siya ng doktor at nars kaya malamang ay malaki ang babayaran namin, pati sa gamot.
Naalimpungatan ako ng may tumapik sa balikat ko. Nakatulog pala ako nang hindi ko namamalayan. " Ichecheck ko ang platelets niya" ani ng doktor na siningalan ko kanina.
Ito ang gumising sakin at pinagmamasdan ko lang siyang kunan ng dugo si Mael.Pagkatapos niya sa ginagawa ay aalis na sana siya ngunit pinigilan ko siya.
" Doc, pwede bang kayo muna magbantay sa kanya, uuwi lang ako babalik rin ako?" mahinahong pakiusap ko. Madami na rin naman ako utang sa kanya kaya sasagadin ko na. Nakakakapal lang ng mukha ang ginagawa ko.
Tiningnan niya naman ako sa mata at tinatanya kung seryoso ba ko. " Sige." napapabuntong hiningang sagot niya.
" Salamat po." nakangiting sambit ko saka nagmamadaling umuwi sa'min.
ABANGAN
BINABASA MO ANG
A MOTHER'S LOVE
Non-Fiction"MASIKIP" "MABAHO" "MAINGAY" Palaging may tambay sa kanto , nag iinuman sa isang tabi , mga tsismosang nag tsi - tsismisan sa tapat ng isang tindahan. Lugar kong saan lahat ng tao ay kapwa nakikikapaglaban sa agos ng buhay."Isang kahig, isang tuka"...