PANGATLO

14 0 0
                                    


Lumipas ang mga araw hindi pa rin umuuwi sa bahay ang anak kong si Lito.Hindi ako makatulog sa gabi kakaisip kong nasan na ang anak ko at baka mapaano siya. Ang dami pa namang mga krimeng mangyayari ngayon.

"MUDS" malakas na tawag ni Don don sakin."Tulaley na naman kayo dyan" sabi niya.Nasa labas kami ng bakuran namin. Tinutulungan niya akong maglabada para may pambaon sila kinabukasan. Pasukan na kasi nila bukas.Sa anim na mga anak ko silang tatlo nila Slenty lang ang nag - aaral. Kahit pag aralin ko kasi si Lito at Sally ayaw na nila. Huminto silang pareho bago sila magkolehiyo. Kaya ko naman sila iraos sa hirap para makapag - aral ngunit kahit anong pilit ko sa kanilang bumalik sa eskwela pinagsasabihan pa ko ng masasakit na salita.Hangad ko lang naman na magkaroon sila nang maayos na buhay hindi gaya ko na labandera lang.

Nasa duyan naman si mael katutulog lang. Naghuhugas naman ng plato si slenty sa loob. Ako ang nagkukusot at nagsasabon ng mga damit. Si Don - don naman ang nagbabanlaw at nagsasampay. Kailangan namin matapos ang tatlong malalaking tray ng damit nila Merla bago matapos ang araw. Tagaktak na ang pawis ko kakakusot. Sumasakit na rin ang kamay ko dahil kanina pa kami naglalaba simula kaninang alas syete ng umaga pagkatapos mag agahan.

"Maring ito pa oh!" biglang hagis ni Merla sa isang tray na puno ng mga naglalakihang kumot at bedsheets.

"Bilisan mo may darating akong boarders bukas!" nakakunot noong utos nito.

"Sige po huwag kayo mag alala matatapos namin to" nagpapakumbabang sabi ko habang pinunasan ang pawis na tumatagaktak na saking noo.

"Aba'y dapat lang kundi hindi kita babayaran!" pagbabanta niya sakin bago bumalik muli sa boarding house nito sa tapat ng bahay namin.

"Nay kain na" tawag ni Slenty mula sa pintuan ng bahay. Hindi ko na namalayan ang oras mag -aalas dose na pala.

"Saglit nak" sabi ko kay Slenty. Pumasok muli siya sa loob.

"Don, nak itigil mo muna yan" tawag ko rin kay Don don na nagsasampay ng mga natapos ko nang mga pantalon. Mabuti na rin na makakain kami at makapagpahinga man lang saglit. Alam pagod rin siya sa pagtulong sakin lalo na at mabibigat ang mga nilalabahan naming damit pero hindi pa rin siya magrereklamo. Kahit minsan hindi man lang ako napagdabugan ng anak kong yan na pinagpapasalamat ko palagi sa diyos.

"Sige muds tapusin ko lang to"

Pumasok na ko sa loob. Tiningnan ko muna si Mael na gising na at nakalagay na sa kuna tsaka ako dumiretso sa kusina para kumuha ng pagkain.Daing ang ulam namin na kaninang umaga pa naming ulam.Pagkatapos kumuha ng pagkain binalikan ko si Mael sa kuna at sinusubusubuan nang pakonti kunting butil ng kanin saka ako kakain.Maya maya pumasok na rin si Don don at sabay na silang kumain ni Slenty na kasama ang tahimik kong anak na si Stan.Kung hindi ito magsasalita mapagkakamalan mong pipi.

Matapos naming kumain ni Don don saka kami nagpatuloy sa paglaba hanggang sa dinala ko na kila Merla ang mga tuyo nang damit.

"Tao po" mahinang katok ko sa pintuan nang boarding house. Bigla namang padabog na nabuksan ang pinto at bumalandra ang nakataas na kilay ni aleng merla.

"Ito na yung mga labada" sabi ko habang tingnan ang mga nakahilerang tray sa harapan ko.Tinapunan niya rin yun nang tingin.

"Ipasok mo" malakas niyang utos kaya napipilitang binuhat isa isa ang mabibigat na tray.Hindi naman ako pwede magpatulong kay don don dahil nakatulog na ito sa upuan namin dahil na rin sa pagod.Pagkatapos kong isalansan sa isang tabi saka ako bumaling kay merla para manghingi ng bayad.

"Yung bayad" simpleng sabi ko. Taas kilay niya naman ako tininingnan saka dumukot sa bulsa nang tatlong daang piso. "Oh alis na" abot niya sabay punta sa pintuan at inawang ito kaya lumabas na ko tsaka dumiretso sa tindahan ni Mercy.

"Tao po" katok ko sa tindahan.

"Nasan na ang bayad sa utang mo?" salubong sakin na tanong ni Mercy na nakataas ang kilay at nakapameywang pa.

"Ito muna oh" sabi sabay abot sa kanya ng isang daan. Yung natirang dalawang daan pagkakasyahin ko na yun para pambaon nila don don bukas pati na rin pambili ng pagkain namin.

"Sa susunod na linggo nalang ang kulang" dagdag ko nang dahilan para mas lalong umasim ang mukha ni Mercy.

"Nakaraan pa yang isang linggo na yan hanggang ngayon hindi ka pa rin bayad!" inis na sabi niya.

"Gumagawa naman ako ng paraan pagpasensyahan mo na talaga kapos kami ngayon" pakiusap ko.

"Pasensya!"

"Pasensya!"

"Nakaraan pa ko nagpapasensya!"

"Kapag hindi ka pa nakabayad sa susunod na linggo sa barangay na tayo magkikita!"

Napupuyos sa galit niyang turan saka ako tinalikuran.

Lupaypay akong umuwi sa bahay. Naupo naman ako sa upuan at pinikit ang aking mga mata dahil sa pagod buong araw. Sabay sabay na kumain sila Slenty, Don don at Stan sa kusina tulog naman sa duyan si mael. Itutulog ko nalang ang mga problemang kinakaharap ko. Ilang sandali pa ay tuluyan na akong nakatulog sa upuan.

ABANGAN

A MOTHER'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon