PANG SIYAM

7 1 0
                                    


SALLY'S POV

Hindi ako makatulog kagabi dahil sa sagutan namin ni Don - don.Hindi niya alam na ang sakit lang marinig ang mga hinanakit niya sa'kin. Sa aming magkakapatid kaming dalawa ang malapit sa isa't isa. Palagi niyang tinitirintas ang aking buhok, palagi siyang sumasama sa'kin para mamalengke dati,tinutulungan niya ako sa mga gawaing bahay.Sana lang ay mabalik pa sa dati ang lahat. Yung mga tawanan namin kapag nanonood kami pareho ng t.v. ng mga pelikulang libreng pinapalabas,yung mga chikahan namin at kainan ng chichirya bilang midnight snack bago matulog, yung tulo laway at ultimo pagsasalita niya nang tulog na kung may kakayahan lang ang luma kong di pindot na telepono ay kukuhanan ko siya ng video.

Napakasarap lang aalalahanin ang lahat.Alam ko naman na malaki ang pagkukulang ko sa kanila bilang anak kay nanay at ate kila Don - don.Alam ko naman na kaya niya lang yun nasasabi dahil nasaktan siya, sila sa pag alis ko.Kaya bukas gagawa ako ng paraan para sana maparawad niya na 'ko tawagin niya na akong ate o di kaya ate Leng kagaya ng dati hindi na Sally na akala mo magkasing edaran lang kami.

Ikalawang araw ng pangsusuyo ko sa kanila lalo na kay Don - don kaya lingid sa kaalaman nila ay bibisitahin ko sila mamaya sa eskwela para maghatid ng pananghalian nila.Magluluto ako ng tinolang manok na mula mismo sa'king bulsa.Isasama ko rin si Mael para naman makalabas labas naman siya at walang maiiwan sa kanya.

Hiniwa ko muna ang lahok sa aking lulutuin pagkatapos ay nilagay ang kawali sa kalan.Nilagay ko ang hiniwang manok saka hinayaang magmantika, yung may brown na siya kunti,nilagyan ko ng kunti mantika saka nilagay ang bawang , sibuyas at luya para mawala ang lansa ng manok.Sunod ay binuhusan ko ito ng katamtamang dami ng tubig saka nilagay ang papaya para pakuluan at tinimplahan na ito ng kunting patis, kunting pamintang durog at betsin.Noong malapit ng maluto saka ko nilagay ang malunggay.

Nang matapos maluto ay nilagyan ko na ang nakaprepara na mga lalagyanan ng tinola, saka naglakay sa isa pa ng kanin.May baonan naman silang dala kanina kaya magdadala nalang ako ng sobrang kanin baka kulangin sila.

Nakabihis na ako at nabihisan ko na rin si Mael para pumunta ng eskwelahan nila Don ng biglang umeksena sa tapat ng bahay si Aling Merta.

"Nakabalik  ka na pala" Hindi yun tanong halatang may masabi lang sa'kin. "Opo" simpleng sagot ko at pinara agad ang padaan na traysiklo sa aking harapan at agad na sumakay bago pa sila ulit makasalita.

Malawak ang eskwelahan nila Don - don.Maraming mga puno ang nakapalibot kaya sariwang - sariwa ang hangin dito hindi katulad sa bahay namin na mapolusyon na.Malawak ang palaruan, maraming batang estudyante ang naglalaro sa gitna ng tirik na tirik na araw.Nilibot ko ang mga silid aralan base sa mga nakadikit na mga papel kung ilang baitang ang umuukopa sa bahagi ng buliding na yun.Nagtatanong - tanong rin ako sa mga mga batang aking nakaksalubong subalit mas gusto pa nilang kurutin ang pisngi ni Mael kaysa sagutin ang tanong ko.

"Good afternoon ma'am sa'n po yung building ng grade 7?" Bati ko sa nakasalubong kung guro. "Doon sa may punong iyon sa may tabi nun." Turo niya sa'kin kung saan saka tumingin kay Mael. "Anak mo?" Gulat na tanong niya sakin pero hindi ko alam kung bakit parang kinabahan ako. "Hindi po," ngiting sabi ko."Kapatid ko po"

"Aw, ang cute!" sabi niya saka pinisil ang pisngi ni Mael."Sige po, thank you po ma'am una na po kami" magalang na paalam ko saka dumiretso sa tininuro niyang building.

DON - DON'S POV

Nakasalampak ako sa upuan at nakapangalumbaba,pinagmamasdan ang pag liparan ng mga dahon ng malaking puno sa labas ng bintana.Tanghalian na ngunit wala pa rin akong balak kumain ng tanghalian.Puno ang classroom namin ng ng mga kaibigan ng kaklase ko  sa kabilang seksyon Nang bigla akong tinawag ng kaklase kong si Kurt. "Uy! Don - don! May naghahanap sa'yo!" tawag niya sakin kaya napalingon ako sa kanya.Nasa pintuan siya ng room at nakangiti sa kung sino ang naghahanap sakin.Nagtaka naman ako kahit kailan hindi ako pinupuntahan ni Slenty sa room, kahit ako rin hindi ko alam ang room niya kaya sino ang naghahanap sa'kin.

"Tabi" bagot na sabi ko kay Kurt saka lumabas ng room.Nakita ko si Sally na karga si Mael.

"Anong ginagawa mo dito?" seryosong tanong ko sa kanya.

"Nagluto ako ng paborito mong tinola, tara kain tayo" nakangiting yaya niya. "Kumain na 'ko" sagot ko saka pumasok ulit sa loob ng room at iniwan sila sa labas.Bumalik ako sa pagkakapwesto ko kanina na magkasalubong na ang aking kilay.

SALLY'S POV

Wala akong nagawa kundi hanapin ang silid ni Slenty para sana yayain rin siyang mananghalian.Para hindi masayang ang niluto at pagod ko ngayong araw.Nagtanong - tanong ako ulit at sa wakas natagpuan ko rin ang kanyang silid.Malayo man ang aking lakad makausap at paunlakan lang ako ni Slenty masaya na 'ko.

"Hello, ahm... nandyan ba si Slenty?" Tawag pansin ko sa estudyanteng nakasandal sa haligi ng pasilyo sa tapat ng silid ni Slenty.Parang hindi ako nito natinig kaya hinawakan ko ang braso niya.Tinanggal niya ang suot niyang headset. "Ano po?" magalang niyang tanong saka dumiretso ng tayo.

"Pwede  bang paki - tawag si Slenty" pakiusap ko.Mabuti pa itong batang 'to kahit mukhang masungit e nakuha pa akong igalang.Sa halip na sagutin ako ay pumasok siya sa loob ng classroom nila, ilang sansali lang ay lumabas ang walang kamemosyon - emosyon na si Slenty.

"Tara,kain tayo!" magiliw na sabi ko saka mabilis na iniabot ang plastic na may dala ng pagkain na dala ko.Hindi na siya makahintay sumagot at tuloy tuloy na naglakad papunta sa malawak na field ng paaralan.Huminto naman ako ng malapit na ako sa puno na may bakantemg upuan at mesa na nakapalibot sa katawan nito para tingnan kung nasaan na si Slenty na sumusunod sa'kin.

Nang makalapit na kami  sa puno ay inilapag ko si Mael sa sementado nitong mesa at sinimulang buksan isa - isa ang mga baonang dala ko na hawak ni Slenty kanina.Payapa at magana kaming kumain na tatlo kasabay ang malakas na simoy ng sa hangin.

"Alis na 'ko" paalam ni Slent matapos naming kumain.

"Saglit lang, talian kita ng buhok" presinta ko dahil halatang buhol buhol ang kanyang buhok kahit nakapusod naman ang kanyang buhok.

"Ayoko" bugnot na sabi niya.

"Sige na, o ikaw nalang" pagpupumilit ko at inabutan siya ng suklay.

"Ayoko nga, maayos na 'to" inabot niya naman ito at nanatiling hindi iniayos ang buhok.

"Ito naman magsusuklay at magtatali lang hindi pa magawa" biro ko dahil halatang napipikon na siya sa kakulitan ko.Sa huli napapayag ko rin siya.

"Mahuhuli na ako, baka nandun na si ma'am" paalam niya.

Tuluyan niya nang nilugay ang buhok niya sinusuklay ito habang naglalakad pabalik sa classroom nila.

"Bukas ulit!" Sigaw ko habang kumakaway sa kanya.

Sinimangutan niya lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.

Sungit!

ABANGAN

A MOTHER'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon