"Anak....."
mahinang sambit ko. Hindi makapaniwalang darating ang araw na makakasama ko ulit ang anak ko. Umiiyak na lumapit sa kanya hinawakan ang kanyang pisngi't at tuluyang napahagulgol habang yakap siya.
"Nay... " mahinang usal niya. Umiiyak rin katulad ko.
"Patawad po....." Hinimas- himas ko ang kanyang likod para mapakalma siya. Humiwalay na ako sa kanya at inayang pumasok na sa loob."Okay lang anak, ang mahalaga maayos ka"
Pinaupo ko muna siya sa sala at binigyan ng tubig.
"Saglit lang anak, gigisingin ko lang si Don - don para makatulog kana" Kwarto talaga nilang dalawa ni Slenty ang isa pang kwarto noong lumayas siya ay nagadesisyunan kung doon na lamang patulugin si Don - don.
Ilang beses ko nang kinalabit si Don - don bago pa siya tuluyang nagising. "Bakit muds?" Naalimpungatan niya pang tanong habang nangangalumata pa.
"Nandyan na ang ate mo"
"Ha?!" Malakas niyang sambit na tila natauhan."Nandyan na kako ang ate Sally mo"
"Bakit?"
"Anong bakit?" naguguluhang tanong ko."Mabuti pa tumayo kana dyan, tutulungan kitang maglatag ulit sa sala."
Naipilitan siyang tumayo at padabog na umalis sa kama hawak ang kaniyang unan at kumot.
"Don" tawag sa kanya ng ate niya ngunit hindi niya ito pinansin at nagsimula na lang itong maglatag sa sahig ng sapin.
"Tara na" hindi ko na pinansin ang intaasta ni Don - don at pinatuloy na si Sally sa silid.
"Ito ang mga unan at kumot mo o'" abot ko sa kanya ng mga unan at kumot niyang itinago ko pa sa aparador.
"Nilabahan ko yan"
"Salamat po, nay" sambit habang nag- aayos ng higaan.
"Sige na, tulog na" pinatay ang ilaw at natulog na.
Maganda ang gising ko kinabukasan, masaya ako dahil malait nang makompleto ang pamilya ko. Hanggang ngayon wala pa rin akong balita kay Lito.Nababahala ako ngunit nagkaroon ako ng pag - asa dahil sa pag uwi ni Sally.
Nagprito ako ng itlog at nagsaing. Ginising ko na rin si Don- don at Slenty na hanggang ngayon ay nag uunahan pa rin sa pagligo.Sunod ay si Stan.Mahimbing ang tulog ni Sally kaya naisip ko na huwag nalang muna siyang gisingin.Maayos naman ang paghahanda namin ng mga bata sa pagpasok. Pinakain ko at pinaliguan si Mael nang magising ito at nilagay ko sa kuna.
Pagkatapos ay pupunta na ako kay Merla dahil tinanggap ko na naman ang alok niyang labada.Matagal na rin akong naglalabada sa kanya kaya nakasanayan ko na rin ang ugali niya.Papalabas pa lamang ako sa bakuran ng makita kong pasimpleng sumisilip ang mga tsismosa sa Barangay namin na pinamumunuan ni Merta.
Lumabas ako na kunwari wala akong alam sa ginagawa nila. Nakuha ko na ang mga tray sa paupahan ni Merla pabalik balik ko itong iniipon sa bakuran ng bahay dahil hindi ko kaya at mabibigat. Pang huling balik ko at hindi na nakatiis at tinanong na rin ako ni Merta.
"Maring" lapit niya sakin.
"Ang laki na pala ni Don - Don 'no?" pasimpleng tanong niya kahit nakatingin naman sa loob ng bahay ang mga mata niya.
"Nakita ko kasi sila nila Slenty kanina papasok" hinahayaan ko lang siyang dumakdak dahil alam ko na kung saan paparoon 'yang inagsasabi niya."Magaling nga daw ito sa klase sabi ng anak ko, magkaklase kasi sila"
"E' kila Sally at Lito may balita ka ba?" tanong niya.Bilib rin talaga ako sa kanya e' halos alam lahat ng chika dito sa barangay. Saan niya nama kaya napulot yang mga impormasyon niya.Nagtatanong lang yan siya pero alam niya na ang sagot. "Ha?. Hindi ko nga alam e' ikaw, meron?" inis na sagot ko saka isinara ang gate at nagsimulang maglaba.
Magtatanghalian na nang biglang umiyak si Mael sa kuna at dali - dali kong pinuntahan at sabay kaming nagtanghalian. Bago pa lamang nagising si Sally.
"Nak, kain na" aya ko. Bakas sa mukha niy ang puyat.
"Saglit lang ho, nay" sambit niya habang humihikab.
"Pwede bang tulungan mo ko mamaya magbalik nang mga labada dyan sa labas?" tanong ko habang sinusubuan si Mael.
" Sige ho" sagot niya at naghilamos sa lababo.
"Gusto mong kape?" alok ko.
Sumandok siya ng kanin. "Hindi nay"
"Sige na, kain lang nang kain" anyaya ko.
Natapos kami makapangtahalian at pinatulog ni Sally si Mael habang ako ay bumalik sa paglalaba.Kinahapunan, dumating sila Don - don galing eskwela at tumulong sa mga natitirang labada.Tinutulungan ako magbalik ng mga nalabahan nang kobre kama kila Merla ni Sally.Kinagabihan, nagprinsinta si Slenty na siya na daw ang magpiprito ng isda habang si Don - don ay tinutulungan si Stan sa asignatura nito.Kumain kami ng sabay - sabay at mapayapa ngunit napapansin kong malamig ang pakikitungo ni Don - don sa ate niya.
ABANGAN
BINABASA MO ANG
A MOTHER'S LOVE
Non-Fiction"MASIKIP" "MABAHO" "MAINGAY" Palaging may tambay sa kanto , nag iinuman sa isang tabi , mga tsismosang nag tsi - tsismisan sa tapat ng isang tindahan. Lugar kong saan lahat ng tao ay kapwa nakikikapaglaban sa agos ng buhay."Isang kahig, isang tuka"...