"Alam ko na ang buong katotohanan." lakas – loob kung sambit habang binabasa ang mga reaksyon nila pagkatapos kung isiwalat ang lahat.
"Bakit hindi mo sinabi sa'min nay?" marahang tanong ko kahit ang bigat sa pakiramdam na nilalabas ko na ang lahat ng gusto – gusto kong sabihin sa kanila mula ng makauwi ako sa'min.
"Bakit hindi mo pinaramdam sa'min na kaya hindi tayo buong pamilya ngayon kasi palagi kang sinasaktan ng tatay ni Sally na ampon lang ako, ako ang totoong sampid sa bahay na 'to."
"Bakit hinayaan mo kaming lumaking ang alam nila ako ang tunay mong anak?" nahihirapang muli kong tanong.
"Kasi para sa'kin pantay – pantay kayong lahat...." Naluluhang sambit ni nanay. "Mahal ko kayo kaya tinuturing kitang tunay ko na anak kahit ano man ang mangyari hindi magbabago ang pagingin ko sayo tandaan mo yan." Mahinahong turan niya saka ako niyakap. Nalaman ko ang lahat simula nang marehab ako unti – unting dinadalaw ako ng panaginip mula sa nakaraan ko. Sabi nang gumamot sa'kin ay may tsansang nakalimutan ko na ang bahagi ng aking nakaraan dahil sa pagturok sa'kin ng ibang klaseng gamut noong nasa kalakaran pa ako ng pagtutuak ng droga.
Humiwalay siya sa yakap ko saka hinarap kaming apat. "Ngayon kong may tanong pa ang kahit sino sa inyo ay sasagutin ko nang buong puso."
Nasa salas kami at isa isang pinag uusapan ang mga bagay na pare – parehong bumabagabag sa'min. Kami lang nila Slenty, Don – don, at Sally ang kasali sa usapan dahil masyado pang bata sila Stan at Mael para maintindihan ang mga pinag – uusapan namin. Malalim na ang gabi kaya mahimbing na silang natutulog sa kwarto.
" Sino pala ang tatay namin nay?" seryosong tanong ni Don – don. Na nakakuha ng atensyon namin. " Wala na siya...."
" Nag – asawa ako ulit tatlong taon matapos akong mawalay sa tatay ni Sally. Nakilala ko ang tatay niyo dahil may pwesto ako sa palengke dati at kargador siya doon, yun nga lang sa kasamaang palad nawalan siya ng buhay dahil may sakit na pala siya sa puso mula noong magkakilala kami." Mahabang paliwanag niya.
" Dalawin natin siya sa makalawa kung gusto niyo." Suwestyon ni nanay sa'min.
ALING MARING'S POV
"Kamusta ang baby namin?" masayang tanong ko sa dalawang buwan na apo ko ay Sally. Napakaputi ng balat at ang tangos ng ilong ng batang ito. Ngumiti naman ito na akala mo ay naiintindihan ako. Pinapainitan ko siya dahil makakabuti ito para maging malakas ang kanyang buto. Hindi pa masyadong tirik ang araw kaya mainam inaasikaso na ni Sally ang mga gamit sa paliligo niya.
Masasabi kong mas naging maganda ang buhay namin simula nang dumating ang apo ko sa amin. Mas naging responsible si Sally lalo na bilang ina kay baby. Nagseryoso na siya sa buhay inaalalayan ko naman siya lalo na at mahirap maging ina't ama sa anak niya. Mabuti nalang at nandiyan rin ang mga kapatid niya.
Naging matino na rin si Lito, matapos ang isang buwan nang pagbalik niya sa bahay ay sinabi niyang gusto niya ulit bumalik sa pag – aaral. Pumayag naman ako dahil alam kung hindi pa huli ang lahat para sa kanya. Laking pasalamat ko rin at scholar na sila Slenty sa SeaPA kaya hindi na ako masyadong namomroblema sa pag – aaral nila dahil lahat ay sagot ng paaralan ultimo pagkain nila.
Tinanggap ko rin ang pamamahala sa karinderya ni Marie dati, pinalitan ito nang pangalan at pinangalanan itong " ALING MARING'S CARINDERIA".
Ako ang nagtatrabaho doon araw – araw mula sa pamamalengke hanggang sa pagluluto at pagsisilbi sa mga kustomer. Tinutulungan ako nila Don – don at Slenty kapag wala silang pasok. Si lito na muna ang pansamantala kung katulong habang hindi pa nagsisimula ang pasukan. Si Sally ay nakatutok sa apo ko dahil masyado pa itong maliit para iwanan pati na rin sa gawaing bahay namin.
Nagkakapagtaka lang na simula nang binigay sa'min ang karinderya ay hindi na muling nagpakita ang batang babae na pumunta sa bahay namin ilang buwan na ang nakakaraan. Tinanong ko naman si Lito kung sino ba iyon ngunit sabi niya ay hindi niya rin alam kung sino ba talaga ito. Ang alam niya lang ay tinulungan siya nito para magbagong buhay sa pamamagitan ng pagpasok nito sa kanya sa Rehabilitation Center.
Malaki ang naitulong nito sa'min ngunit hindi manlang namin napasalamatan. Sana lang ay mag krus ang landas namin sa susunod na panahon.
ABANGAN
BINABASA MO ANG
A MOTHER'S LOVE
Não Ficção"MASIKIP" "MABAHO" "MAINGAY" Palaging may tambay sa kanto , nag iinuman sa isang tabi , mga tsismosang nag tsi - tsismisan sa tapat ng isang tindahan. Lugar kong saan lahat ng tao ay kapwa nakikikapaglaban sa agos ng buhay."Isang kahig, isang tuka"...