SALLY 'S POV
Sabado ng umaga at masaya kaming nagkukwentuhan ni Don - don habang papuntang room ni Mael dito sa ospital dahil kahit kasama namin si Slenty at Stan ay wala manlang silang ambag sa kadaldalan naming dalawa ni Don - don. May sariling mga mundo talaga itong dalawang 'to! Kung saan - saan lumilingon at hindi rin sumasabay sa paglakad namin ni Don - don. Halatang ayaw pahalata na kasama namin sila dahil pinagtitinginan kami ng mga tao na nadadaanan namin sa lakas ba naman nang bunganga namin!
Nauna na kaming pumasok sa kwarto ni Mael dahil ang bagal nila Slenty maglakad at kung hinintay pa namin sila aabutin pa kami ng ilang oras sa sobrang bagal nila.
Naabutan namin si Mael na inalalayan na nakaupo sa upuan sa gilid ng kama niya kung saan siya nakahiga nakaraan at pingamamasdan lamang si nanay na nag - aayos ng mga gamit namin dito sa ospital para makauwi na kami. Inabot rin si Mael ng dalawang linggo sa ospital at sa mga araw na yun ay salit - salitan kami ni nanay sa pagbabantay sa kanya sa ospital. Nagtitinda pa rin kami ng barbecue nina Don - don pagkatapos ay saka ako pumupuntang ospital para palitan si nanay sa pagbabantay. Si Don- don at Slenty naman ang palaging naiiwan sa bahay mabuti na nga lang at nagkakasundo silang dalawa. Hindi na rin sila kailangan utusan dahil nagkukusa na sila sa paggawa ng gawaing bahay kaya tuwing uuwi ako sa bahay ay wala na akong pinoroblema dahil maayos at malinis na ang bahay namin.
"Nasaan sila Slenty? kala ko ba isasama mo sila ni Stan?" tanong sa'kin ni nanay nang madako ang tingin niya sa'min. Nilapitan naman ni Don - don si Mael at kinarga to habang tinatanong ng kung ano - ano.
" Malapit na siguro yung mga yun, nay" sagot ko at tinulungan na siyang magligpit ng gamit.
" Ang babagal maglakad kaya iniwan na namin" dagdag ko pa.
Maya - maya bumukas ang pintuan at pumasok na ang dalawa at diretso- diretsong sabay na sumalampak sa kama ni Mael na 'kala mo may ginawa silang mabigat na bagay lumakad lang naman sila!
"Hoy! tumayo nga kayo dyan, aalis na tayo! singhal ko sa kanilang dalawa na kapwa napabaling sakin ang tingin.
"Kakadating lang namin" parang pagod na pagod na sambit ni Slenty na hindi manlang tumayo sa kama bagkus inayos pa talaga ang kaniyang pagkakahiga na ginaya naman ni Stan. Dahil siguro palaging kasama nitong si Slenty si Stan nahawaan niya na nang ugali niya.
"Anak ka ng! hindi kayo tatayo dyan?!" asar na tanong ko sa kanila. Hindi manlang ako pinansin akala mo walang naririnig. Hindi manlang tumindin sa'min at tuloy lang sa pagtitig sa kisame ng kwarto. Wala naman silang nakikita dun! Sarap pagbuhulin nang dalawa na 'to!
"Aalis na kami, bahala kayo dyan!"
Hawak na namin yung mga gamit namin at palabas na sa pintuan, hawak na ni nanay ang kamay ni Mael dahil ayaw magpakarga. Pero yung dalawa wala talagang pakialam.
"Hayaan mo na 'yang dalawang abnoy na yan te!" sabi sakin ni Don - don at sabay na kaming lumbas ng kwarto at nagpatiuna maglakad. Hindi na kami namoroblema sa mga babayarin sa ospital dahil katulad ng sinabi nang cashier ay may nagbabayad daw talaga ng mga bayarin namin. Hanggang ngayon nahihiwagaan pa rin ako kung sino ang tumutulong samin. Tinanong ko naman si nanay kung may hiningan ba siya nang tulong pero maging siya ay wala ring ideya.Nagpapasalamat na lamang kami at napaka busilak ng kaniyang puso.
Dumating ang alas tres ng hapon at napagpasyahan ni nanay na magluto manlang ng pansit para ipagdiwang ang paggaling ni Mael. Palagi na siya ulit nakatawa habang nilalaro siya ni Don - don katulad dati. Yung dalawa naman ay parehong tulog. Mga walang ginawa kundi matulog at gigising lang kapag kakain na. Sana lang sa school nila hindi sila ganyan kundi lagot sila sakin!
Tinutulungan ko si nanay sa paghihiwa ng mga rekado ng pansit habang nagpapaningas si nanay ng kalan. Tahimik ang loob ng bahay namin maliban sa mga tawa at halakhak ni Mael ngunit sunod - sunod na malalakas na busina ng mga sasakyan ang bumalabog sa'min.
Nakita ko si Don - don na tumakbo sa bintana namin at marahang sumilip doon. Parang nagulat naman siya sa nakita niya at dali - dali siyang lumapit sakin dito sa kusina.
" Ano yun?"
"May mga itim na sasakyan sa harapan ng bahay ate" mahinang sambit niya. Ito naman akala mo may atraso siya sa mga nagmamay - ari ng mga sasakyan kung makaasta wagas.
"Baka sa kapitbahay lang yun, sa harap lang pumarada" balewalang sabi ko at nagpatuloy ulit sa paghihiwa.
" 'te!" mahina ngunit may kaunting kalakasang tawag sakin ni Don - don.
"Ano?" sagot ko nang hindi lumilingon sa gawi niya kasama niya kasi si Mael sa salas namin at hindi pa rin ako natatapos sa paghiwa hanggang ngayon kahit kaunti lang naman ang rekados na hinihiwa ko.
" Te!" malakas nang tawag niya sakin na tuluyang nagpalingon sa'kin.
Nanlalaki ang mga mata ko nang sunod - sunod magsipasukan ang mga hindi kilalang lalaki sa bahay namin. Sa unahan nila ang isang babae na hindi masyadong kita ang mukha at hawak - hawak nito sa braso si kuya Lito. Dire - diretsong umupo sa upuan namin sa sala ang babae samantalang nakatayo lang ang mga lalaki sa magkabilaang gilid niya.
Lumapit sakin si Don -don karga - karga si Mael na pawang kinikilala rin ang mga bagong dating.
" Ah, mawalang galang na po bakit niyo kasama ang kuya ko?" magalang na sambit ko kahit sa tingin ko ay mas bata sakin ang babaeng ito sa'kin. Si kuya naman ay nakaupo lamang sa tabi niya at hindi manlang kumikibo at hindi rin makatingin sa'min.
Sa halip sagutin ako ay binalingan nito si kuya at walang pakundangang hinawakan ang baba nito at sinenyasan sa pamamagitan ng paglingon sa direksyon namin ni Don - don. Nagulat man sa kanyang ginawa ay wala manlang kahit anong salita ang lumabas sa bibig ko pati ni Don - don parang napipi na ata kami sa tagpong ito.
ALING MARING'S POV
" Sally s-sino yan- " hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang makita ko si Lito na nakaupo sa salas.
" Anak!" malakas na hiyaw ko at sinugod siya ng yakap.
" Anong nangyari sa'yo?" nag - alalang tanong ko. Inaasahan kong papayat siya dahil sa paglalayas ngunit nakakapagtakang tumaba siya ngayon.
" Matagal na kitang hinahanap" naluluhang sambit ko.
" Sa'n ka ba galing?" Sunod - sunod na tanong ko ngunit hindi niya manlang ako matingnan ng diretso kaya hinawakan ko nang marahan ang kanyang magkabilaang pisngi at iniharap sakin.
Sa puntong iyon ay yinakap niya na ako at naramdaman ko nalang na nababasa na ang pantaas na parte ng aking damit dahil sa mga luha niya.
" P-patawad nay" mahinang sambit niya.
" P-patawad nay sa lahat....."
" Kasalanan ko lahat....." sunod - sunod na sambit niya na sinasang - ayuan ko nalang kahit hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya.
" Huwag ka nang umalis ulit anak" makaawa ko.
" Hindi na kakayanin ni nanay"
"Hindi na nay..." sagot niya.
" Magiging mabuting anak na ako simula ngayon" humiwalay siya sa yakap ko at tiningnan ako mata sa mata ng may mga ngiti sa labi.
Ito na siguro ang araw na pinakikihintay ko, ang makasama ko ng buo ang aking mga anak.
ABANGAN
BINABASA MO ANG
A MOTHER'S LOVE
Nonfiksi"MASIKIP" "MABAHO" "MAINGAY" Palaging may tambay sa kanto , nag iinuman sa isang tabi , mga tsismosang nag tsi - tsismisan sa tapat ng isang tindahan. Lugar kong saan lahat ng tao ay kapwa nakikikapaglaban sa agos ng buhay."Isang kahig, isang tuka"...