PANG WALO

6 1 0
                                    


Dumating ang gabihan sabay sabay kaming kumain at nagprisinta ang magaling kong kapatid na si Sally nagpresintang maghugas ngunit ilang minuto palang ay may naring na kaming kalampog sa kusina.

"Kagaling nga naman o'"

Nakabasag lang naman siya ng plato.

Umiyak tuloy si Mael na mahimbing na natutulog sa kuna.Lumabas sa kwarto si Slent at kinarga si Mael.Pumunta naman ako sa kusina at pinagsabihan ang magaling kong kapatid.

"Dahan - dahan naman ano to pinapakain ka nalang nambababasag ka pa?" Nakapameywang kong dada sa harapan niya.Pinupulot niya na sa sahig ang platong nabagsak.

"Ano bang problema don?" Mayamaya'y tanong niya.Natungkod ang kamay ko sa mesa habang hawak ko ang baba ko at pinagmamasdan siya uling maghugas ng plato.

"Ikaw" taas kilay kong sagot.

Nagbabanlaw na siya ng mga plato at inuumpisahang isalansan sa lalagyanan."Nakaraang araw ka pa ha.Kala ko di ko napapansing palagi mo akong binabalewala"

Napataas lalo ako ng kilay dahil sa kadramahan niya."E' ano naman kung ganon?" pabalang kong sagot.

"Hindi ka na nakakatuwa."

"Ay?! Dapat ba palagi akong nagpapatawa?" Sarkastikong sagot ko at inalis ang pagkakatanghod sa lamesa at hinarap siya na nakaupo  na sa harapan ko.

"Huwag mo nga ako pilosopohin! Hindi kita pinapatulan dahil mas bata ka sakin.Pero sana naman irespeto mo ako bilang ate mo!"Inis nang sagot niya.Lumabas ang totoong kulay nitong kala mong santa na kapatid ko na 'to.

"Ate ka dyan? Sige nga kailan ka naging ate sa'min? Lahat ng responsibilidad mo bilang nakakatandang kapatid namin kami ni Slenty ang gumawa, na sana ginagawa niyo ni Kuya Lito!"Galit na galit na sigaw ko.Ang sakit sakit na ang bata bata pa namin na ang bigat ng nakapatong sa ulo namin.Wala e' walang aasahan si nanay kundi kami lang.Kailangan naming maging malakas kasi pa'no nalang si Stan? lalo na si Mael.

"Bakit? Nirespeto mo rin ba kami bilang kapatid mo? Bilang magulang si nanay?" Balik - tanong ko sa kanya.Natahimik tuloy siya.

"Bakit ka ba nagkakaganyan don?" Mahinahon niyang tanong.

"Hindi ka ba masaya na bumalik na 'ko?"

"Pa'no kung sabihin kung oo? Aalis ka na naman? Iiwan mo na naman kami?"

"Maayos naman tayo dati a'?"

"Kaya nga pero dati na yun"sagot ko habang tinititigan siya sa mata para malaman niyang hindi ako natatakot sa kanya.

"Hindi na mababalik yun lalo na nung malaman ko ang ginawa mo kay Stan!"

"Ano yun? Hindi ko alam?" Inosente niyang tanong.

"Hindi mo alam?" Napapailing na tanong ko.

"Makakalimutin ka na rin pala ngayon no?"

"Ano ba! Nagtatanong ako ng maayos dito!" Inis niya na ring bulyaw sakin.

"Asus! Sige na nga ipapaalala ko sayo yung ginawa mo! Yung mga ginagawa mo! Na ikinagagalit ko!" Mula sa madiin at mabagal na pagkakabigkas ko sa bawat salitang binibitawan ko hanggang sa napalakas na at namalayan ko nalang na napatayo na ako at nahampas ko na ang mesa kasabay non ang malakas na pagsampal sakin ni Sally.

"Ang kapal ng mukha mo.Ikaw na nga ang nang iwan, ikaw pa ang nananakit at bumalik na parang walang nangyari" sumbat ko sa kanya habang pinapunasan ang mga luhang lumalandas sa mata ko.

"Akala mo ba madaling kalimutan ang ginawa mo kay Stan? Hirap na hirap na sabi ko.Dahil sa labis na hinanakit sa kanya."Ang bigla mong pag iwan sa kanya sa waiting shed para samahan yang mga walanghiya mong kaibigan!"

Umiiyak na ring sagot niya."Hindi ko naman sinasadya"

"Hindi sinasadya, buti nalang may nakakita sa kanyang kapit bahay kundi ano?! Baka kung sino na ang dumampot sa kanya!"

Dumating bigla sa kusina si Slent karga karga si Mael na walang kaalam alam sa nangyayari."Anong nangyayari ate?"

Sa halip na sagutin si Slenty akmang hahawakan niya ang braso ko pero tinampal ko ito."Don, sorry."

"Huwag mo kong hawakan!"singhal ko sa kanya.

"Babawi ako don sa inyo, kay nanay, kay Slenty,sa'yo pati kay Mael"

"Huwag na baka paggising namin kinabukasan wala ka na naman.Inuuna mo pa ang mga kaibigan mong yan kaysa sa'min!" dire - diretsong pumasok sa kwarto ni nanay.Wala siya ngayon rito dahil dumidelehensya na naman siya kahit gabi na.Tlog na tulog na si Stan sa kama kaya dahan dahan langa akong humiga sa tabi niya at tahimik na umiyak.

"Don," nagising ako sa pagtapik ni nanay sa balikat ko.Nakatulugan ko na pala ang pag - iyak buti nalang hindi niya nahalata kundi hindi mapapakali yan. "Lipat ka na dun sa may sala"

"Opo, nay Good night"

Kinabukasan hindi ko alam kung may himala ba o ano.Aba! magpiprito lang naman si Sally ng itlog at  nakahain na ang mesa.Mula sa plato, baso, kutsara, at tinidor.Parang gusto ata nitong magpakitang gilas sa'min a'.Pwes! papahirapan ko siya.

Dumiretso ako sa kusina para maghilamos.Tuloy tuloy lang ako kunwari hindi ko siya napansin."Good morning Don!" Nakangiting bati niya habang hinahango ang luto ng itlog.Inirapan ko lang siya saka umupo na sa mesa.Akala mo walang nangyari kagabi kagaling umarte nga naman!

"Nay! Kain na! Slent!"tawag niya sa mga kasama namin dito sa bahay.Nagsilabasan naman sila nanay sa kwarto na kakagising lang rin.

"Aga mo naman nagising nak" masayang bati ni nanay kay Sally pagka upo sa mesa at nagsimula na kaming kumain.

"Syempre nay! Mula ngayon ako na magluluto para sa inyo." Pabibong sabi niya habang pinagsisilbihan sila nanay.Siya pa ang nagsasandok sa kanila ng kain at ulam.Pwe!

"Ito don o',ako nagluto nyan." Nagulat ako ng bigla niya nalang nilagyan ng isang hiwa ng itlog ang plato ko kahit wala naman akong sinasabi.

"Hindi ako kumakain nyan" Ibarang sabi ko. "Gusto mo Slent?" tanong ko kay slenty at nilagay na agad sa plato niya ang itlog lugo  - lugo namang bumalik si Sally sa  pagkain.Buti nga sa kanya.

ABANGAN


A MOTHER'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon