ALING MARING'S POV
Naalimpungatan ako at nakaramdam ng matinding sakit sa ulo. Napahawak na ko sa sentido ko. Pilit kung binuksan ang aking mata kahit nahihirapan ako. Naaaninag ko ang liwanag at nang matauhan ako ay bigla akong napabangon.
"Mahder!" nagtatakbong biglang pasok ni don don sa kwarto ko. Umupo na siya sa kama ko. At hinawakan ang magkabilang balikat ko.
"Mahder huwag ka muna tumayo di pa kaya ng powers mo. Mag beauty rest ka muna dyan." nag - aalalang sabi niya pilit akong pinapahiga. May malaking pasa na naman siya sa magkabila niyang braso.Namamaga ang mga ito at halatang bagong bago lang.
Maluha - luha ko namang hinawakan ang magkabilang pisngi niya.
"Masakit ba?" humihikbi nang tanong ko. Masakit sakin bilang ina na ang dahilan kung bakit nasasakatan ang isa ko pang anak ng dahil sa sarili niyang kapatid.Hindi ko alam kong ano ang pagkukulang ko sa pagpapalaki kay Lito para ganyanin niya si don - don.Mainit talaga ang dugo niya dito nung una pinipitik pitik niya lang ang tenga noong mga bata pa sila pero sobra - sobra na ngayon habang lumalaki na sila.
"Hindi po" pilit ng ngiting sagot niya. Hinawakan ko naman ang mga pasa niya kaya napangiwi siya.Naawa na talaga ako sa anak kong to.Napaka bait kahit anong gawin ng kuya niya di siya nagtatanim nang sama ng loob.
"Patawarin mo ko, anak" humihikbi ng sabi ko yinakap ko na siya.
"H-hindi k-ka n-napagtangol ni N-nanay s -sa k-kuya" sunod sunod na sabi ko kahit nahihirapan dahil mas lalong sumakit ang ulo ko.
"Tama na ang drama Mahder daig mo pa si Ms.Nora Aunor sa pag emote!" masigla muling turan niya. Nanlalabo na naman ang paningin ko. Kumalas na ko sa pagkakayakap kay Don -don.
"Tingnan niyo malalaki ang muscles ko kung matagal ko nang nilabanan si kuyang talo ko na yun matagal na!" pagmamalaki niya pinakita niya pa ang buto buto niya sa balikat. Alam ko namang pinapakita niya saking okay lang siya para huwag na ko mag - alala.
"Oh my! Mahder may lagnat ka!" naghihisteryang sabi niya ng hinipo niya ang aking noo.Dali - dali niya naman akong tinulungang humiga muli. Mabilis naman siyang lumabas ng kwarto kasabay ng pagsara ng talukap ng mga mata ko.
"D-don..." mahinang tawag ko nang maradamang may mainit na nakadampi sa noo ko habang nakapikit parin. Siya lang naman kasi ang inaasahan kong mag - aalaga sakin.
"Muds may dala akong lugaw kain kana." tinulungan niya na akong makaupo.Siya na rin ang nagsubo sakin.Hinihihipan niya pa ang lugaw bago isubo sakin at pinainom ako ng gamot at tubig bago pinahiga ulit.
"Don.... si Mael?" mahinang tanong ko.
"Tulog na nay" sabi niya. Pumasok naman sa kwarto ko si Slenty.
"Nay si Stan gustong katabi ka matulog" sabi niya. Kasunod niya ring pumasok si Stan na dala ang paborito niyang unan.
"Sige anak, higa na" anyaya ko kay Stan."Slenty kunin mo na rin si mael sa labas" utos ko kay Slenty.Maya maya ay karga niya na ang tulog na tulog nang si Mael saka dahan dahang hiniga sa tabi ko.
"Ang kuya niyo nas'an?" tanong ko kila Don - don at slenty habang tinatapik tapik ang hita nita ni maño nakaupo silang pareho sa gilid ng kama.
"Umalis nay hanggang ngayon di pa nakakabalik" sagot ni slenty.
"Anong oras na ba nak?" nag aalalang tanong ko.
San naman kaya nagpupunta ang anak kong yun
"Maga alas diyes na Muds" sagot naman ni don - don pagkatpos tingnan ang nakasabit na orasan sa taas ng pader.
BINABASA MO ANG
A MOTHER'S LOVE
Non-Fiction"MASIKIP" "MABAHO" "MAINGAY" Palaging may tambay sa kanto , nag iinuman sa isang tabi , mga tsismosang nag tsi - tsismisan sa tapat ng isang tindahan. Lugar kong saan lahat ng tao ay kapwa nakikikapaglaban sa agos ng buhay."Isang kahig, isang tuka"...