ALING MARING'S POV
"Mader, ang aga niyo ata nagising ngayon!" gulat na sambit ni Don – don sakin nang maabutan niya ako sa kusina na naghahain na ng agahan. Maaga kasi ako magising kahit wala naman silang pasok ngayon. Simula nang mawala si Lito ay hindi na ako maayos na makatulog sa gabi at tanghali na kung gumising kaya kadalasan ay sila Don – don nalang ang nagluluto ng agahan naming.
Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. " Tawagin mo na ang mga kapatid mo para sabay – sabay na tayong makakain" pagkuway utos ko sa kanya.
"Halika na rito Stan upo na na kayo," yaya ko sa kanila. Kinarga ko si Mael at sinusubuan ng kanin na may kakaunting pilas ng itlog na pinirito ko.nauna na kaming kumain habang nagmumumog at nagsiligpit pa ng igaan ang mga kapatid niya. Nang matapos ay nagsiupo na rin sila bawat isa.
Tahimik lang silang ngumunguya habang masayang pinagmamasadan silang lahat na kumpleto na lubos na nagpapasaya sa'kin bilang ina nila. Hindi ko akalain na mangyayari pa ang araw na ito, ang araw na sabay – sabay kaming kakain sa hapag ng magkakasama ng payapa at walang inindang problema.
Matapos kumain ay naghugas na nang plato si Slenty dahil siya ang nakatoka rito. Dumampot naman si Don – don ng walis tambo at nagsimulang magwalis ng sahig pagkatapos ay lalampasuhan niya pa ito gamit ang basang basahan.
Pinaliguan ko na rin si Mael pagkatapos ay si Stan naman. Habang ang panganay ko na si Lito ay nakatunganga lamang habang nakaupo sa upuan naming kahoy sa salas. Simula nang umuwi siya ay ganyan na lamang siya palagi kapag kinakausap ay parang wala sa sarili.Naghihiwalay na si Sally ng mga damit namin na lalabahan maya – maya sa labas.
" Tapusin niyo ang mga gagawin niyo aalis tayo mamayang hapon." Anunsyo ko sa knilang lahat habang binibihisan si Stan. Balak ko kasi silang ipasyal manlang sa parke dahil simula nang umulan ng mga pagsubok sa pamilya naming ay hindi na kami makapamasyal manlang kahit saglit. Kahit papaano ay makapag – enjoy at makarelaks kaming lahat.
DON- DON'S POV
"Pst!"
"Pst!"
"Pst!" sunod – sunod na sitsit ko kay Slent pa'no ba naman nakasuot ng bestida ang kapatid ko ngayon na bihira lang mangyari. Napilit lang naman siya ni ate Sally dahil lumiliit na daw ang mga bestidang pinamana pa nito sa kanya.
Hindi niya ako pinapansin at patuloy na naglalakad sa unahan ko habang hawak sa kabilang kamy si Stan.Ewan ko ba d'yan sa dalawa hindi mapaghiwalay.
Nasa parke na kami ngayon at naghahanap ng mauupuan. Karga ni nanay si Mael na gustong bumaba kaso lang ay wala pa kaming mapuwestuhan kaya hindi pa siya mapakawalan ni nanay dahil sa oras na mababa siya ni nanay ay magtatakbo talaga siya.
Linggo ngayon kaya maraming tao rito baka mawala pa siya mahirap na baka kung saan pa namin siya hagilapin.
"Anong gusto niyo?" tanong sa'min ni nanay pagkaupo sa nahanap naming bakanteng upuan sa dulong bahagi ng parke. Nakasunod lang sa'min sila Slent kasama si Stan pati kuya Lito na tahimik lang nakaupo sa tabi namin na nagmamasid lang sa'min.
" Fish ball nay, para kay Mael at Stan paborito nila yun eh!" suwestyon ko dahil walang mangyayari sa'min kung hindi ako magsasalita. Pare - parehong may sariling mundo ang mga kasama namin kami lang ata ang matino ni ate Sally na nakatayo na para samahan akong bumili nang mga pagkain namin.
" Kwek – kwek sa'min" sambit ni ate sabay baling sa'kin.Napangiti ako dahil hindi niya pa pala nakalimutan ang paborito kong street food.
"Sa inyo?" baling naming kila kuya at Slent kahit alam naman naming wala kaming mahihitang sagot kundi titig nila.
"Sige na nga, tara na!" yaya ni ate at naglakad na kami papalayo nang mangyari na nga ang inaasahan ko. "Libre ko nay!" baling niya kay nanay na may hawak ng isang daan na iaabot na sana sa'min.
"Kahit anong bilhin natin kakainin naman siguro ng dalawang yun" nalolokang sabi ko kay ate habang nakakapit sa braso niya habang naghahanap sa pwesto ng paborito naming bilhan ng pagkain dito. Hindi naman nag iinarte si Slent depende nalang kapag sinusumpong siya.
"Don, 'nak gising na" nagising ako dahil sa uyog saking balikat.
"Hmmm...." Naalipungatang ungot ko sabay takip ng unan sa ulo ko.
"Bumangon ka na dyan nakakahiya sa bisita natin!" rinig kung singhal ni ate sa labas.
"Kaya nga anak, bilis na huwag ka na magpatagal dyan" segunda ni nanay at tionanggal ang unan sa ulo ko at hinaklit ang kumot na nakabalot sakin.
Wala akong nagawa at padabog na umalis sa higaan at dire – diretsong lumabas kahit nangungulamata pa. Bumungad sa'kin ang tatlong babaeng na nakasuot ng pormal ngunit magagandang damit sa salas. Nagulat ata sila sa itsura ko dahil pareho silang natigilan sa ginagawa nila kay Slenty. Inirapan ko lang sila at dumiretso sa kusina, nagmumog pagkatapos ay nagimulang kumain ng agahan.
" Sino yung mga yun, 'te?" maarte kung tanong kay ate Sally habang nginunguya ng marahan ang pagkain ko at binalingan ng tingin ang mga babaeng nagpapatuloy sa paggalaw galaw kay Slenty mas lalo tuloy nagmumukhang robot si Slent sa pinanggagawa nila." Bilisan mo dyan kumain, matatapos na sila kay Slent ikaw na sunod." inis na sagot niya sa tanong ko. Inismiran ko lang siya at nagpatuloy sa pagkain habang pinagmamasdan ang mga ginagawa ng mga babae sa salas.
" Next," taas kilay na sambit ng isang babae na may hawak na panukat na mahaba. Napilitan naman akong lumapit sa kanila at sinumulan na akong sukatan sa ibat' ibang parte ng katawan ko sa balikat, sa sa siko, sa dibdib, sa baywang, at simula baywang hanggang talampakan. Nagpatianod lang ako sa ginagawa nila at mga pinagagawa nila sa'kin. Sinasabi niya ang mga sukat sa isang babae habang sinusulat naman ng nito sa papel ang sinasabi niya.
" Done." Maikling sambit nito saka ako pinakawalan. " Last." Muling sambit nito sabay baling sa direksyon ni Mael. Pinalapit naman ni nanay si Mael rito at sinimulan na rin siyang sukatan katulad naming ni Slent.
" Bakit bay an nandito nay?" kunot noong tanong ko sa kanya habang nakatingin sa mga pinangagawa ng mga babae kay Mael.
"Sila daw ang gagawa ng mga uniporme niyo sa SeaPa anak," napapabuntong hiningang paliwanag niya.
"Ho?!" gulat na sambit ko. Kala ko nagpapatawa lang yung baabeng yun sa pinangsasabi niya nakaraan hindi ko alam na totoohin niya.
" E' wala tayong pangbayad doon nay!" histeryang sambit ko.
" Yun na nga ang inaalala ko nung una, kaso sabi nila libre na daw lahat wala na daw tayong babayaran" sambit niya.
" Baka scam lang yan nay!" hindi pa rin makapaniwalang sambit ko. Baka sabihin libre tapos ilang araw lang mamumulubi kami kakahanap para lang makabayad sa serbisyo nila.
" Huminahon ka nga, totoo lahat ng sinasabi nila'" pigil sa'kin ni nanay. "Tingnan mo 'to" turan niya at pinakita sakin ang tatlong magagandang klase ng papel na nakalagay sa itaas ang buong pangalan ng SeaPA, nakalagay dito na binigyan nila kami ng katunayan para makapag aral sa SeaPA mismo. Sa gitna nito ang panglan ko, sa pangalawang papel naman ay ang kay Slent at sa panghuli ay ang kay Stan pareho lang ang nakalagay sa papel, sa gawing kaliwa sa ibaba ng papel ang pirma ng Director ng SeaPA at sa kabila naman nito ay ang hindi masyadong makitang pangalan ng kung sino ngunit kitang kita naman ang pirma nito.
" Doon na talaga kami mag – aaral nay?" naniniguradong tanong ko. Alam ko namang mahirap kami at kung ikukumpara mo kami sa mga estudyante dun ay wala kaming panama.
" Oo naman, anak wala naman akong nakikitang problema ." balewalang sagot niya."Atsaka, alam ko namang mas lalawak ang kaalaman niyo kapag nag – aral kayo dun, may tiwala ako sa inyo kaya sige lang" pampalakas ng loob niyang sambit.
" Sige na nga nay, gagalingan namin nay huwag kayong mag – alala!" nakangiti kung sambit sabay yakap sa kanya.
ABANGAN
BINABASA MO ANG
A MOTHER'S LOVE
Saggistica"MASIKIP" "MABAHO" "MAINGAY" Palaging may tambay sa kanto , nag iinuman sa isang tabi , mga tsismosang nag tsi - tsismisan sa tapat ng isang tindahan. Lugar kong saan lahat ng tao ay kapwa nakikikapaglaban sa agos ng buhay."Isang kahig, isang tuka"...