LABINGSIYAM

9 0 1
                                    


ALING MARING'S POV

"Nay, sarado na pala yung karinderya ni Marie narinig ko kila Aling Merta." Naglalaba ako sa labas ng bahay ng sumilip sa pintuan si Don – don para sabihin sakin ang narinig niya sa mga kapitbahay naming chismosa habang kinukuskos ang gilid ng kuko niya ng nail file.

Kumunot naman ang noo ko sa tinuran niya. Nakakapanghinayang lang na nagsara na si Marie dahil malakas namana ng bentahan ng karinderya niya kahit pa noong nasisante ako.

"Kamusta?" bungad na tanong ko kay Sally na kakarating lang galing ospital para regular check up ng apo ko.

" Okay naman nay, binigyan lang ako ng vitamins" sagot niya habang nakaupo sa upuan naming dahil sa pagod na rin siguro sa paglakad nila ni Slent dahil pinasamahan ko siya dito.

" Mabuti naman," sambit ko saka nagpatuloy sa paglalaba.

Bitbit ang dalawang malalaking plastic sa magkabilaang kamay ay naglalakad na ako pauwi galing palengke ay nakita ko ang kumpulan ng mga kabarangay namin sa karinderya ni Marie. May mga nag aayos ditong mga tao, siguro may nakabili na rito at lilipat na. Pinagsawalang bahala ko na ito at nagpatuloy sa paglalakad para mabilis akong makauwi dahil marami – rami rin ang napamili ko dahil nakasahod na ako ng maayos sa paglalabada kay Mercy.

" Maring!" napadako ang aking tingin nang bigla akong tawagin ni Merta na galing sa kumpulan.

" Bakit?" maang kong tanong.

" Kayo na pala ang may – ari nito oh" sambit niya sabay turo sa karinderya ni Marie na pinagkakaguluhan ng mga tao.

" Ha?" gulat na tanong ko." Hindi no, wala kaming pambili niyan," paliwanag ko sa kabila ng pagkabigla.

" Sabi nung mga yun sa inyo daw e' tingnan mo may pangalan mo na sa itaas" giit nito saby turo sa board na nakasulat ang pangalan ko sa taas.

" Kapangalan ko lang siguro." Kibit balikat kong turan at hindi na siya pinansin at inumpisahan na ulit lumakad pauwi.

Malayo pa ako ngunit tanaw ko na mayroong pamilyar na itim na magagarang sasakyan ang nakaparada sa harap ng bakuran namin. Bilisan ko na ang lakad at diretsong pumasok sa loob nang hindi iniinda ang mga mapanuring mata ng mga kapitbahay namin.

" Take it, or leave it." rinig kung sambit ng batang babaeng pumunta sa'min ilang linggo na ang nakakaraan. Prente itong nakaupo sa upuan naming habang isa isang nakatunghay at nakatayo sa harapan nito ang mga anak ko. Hindi manlang napansin ang pagdating ko. Kasama ulit nito ang mga lalaking nakaitim na may nakapasak na kung ano sa isang tenga at nakahilera malapit sa inuupuan niya. Itim na naman ulit ang suot nitong damit na katulad nang suot nito nakaraan kasama na rin ang itim nitong sombrero at shades na hindi maaninag kahit anino manlang ng kanyang mga mata.

"It's all yours" dagdag nito sabay baling sakin. Matapos kung ilapag sa maliit naming mesa ang mga napamili ko.

"Your here." bati nito sakin at binalingan ng tingin ang isa sa kanyang mga tauhan. Inabutan ako nito ng upuan at pinaupo ako rito. Nagsilapitan naman ang mga anak ko na kanina pa walang imik at pawang nakamasid lamang sa pinagagawa ng babaeng ito. Hindi ko alam na tuwing narito siya sa bahay ay nawawalan kami ng lakas para tanggihan ang mga ginagawa niya sa'min daig pa naming ang alila niya. Wala kaming lakas para tanggihan anumang sinasabi niya samin.

" Bakit napadalaw ka rito iha? May kailangan ka ba kay Lito?" nag – aalalang tanong ko. Baka kung ano na namang problema ang dala nito sa'min.

" Nope" maikling sabi nito at pinalagutok ang mga daliri sa kamay habang matamang nakatingin sakin.

Napalunok ako sa ginawa niya. " A-ah e' kung ganun anong sadya mo iha?"

" Hmmm..." dinala nito ang isang kamay sa kanyang baba na para bang nag iisip ng sasabihin sa'min.

Pagkaraan ng ilang sandal ay nagsalita na muli ito. "I will just inform you that the carenderia right there is all yours." Walang ganang sambit nito sabay inom sa baso ng tubig. Hindi ko alam kung saan yun galing dahil sa kanya lamang ang atensyon ko.

"Hindi kita maintindihan iha" naguguluhang sambit ko. Napahawak sa balikat ko si Don – don tiningan ko naman siya kala ko may sasabihin siya ngunit wala rin siyang kibong binalingan ang kaharap namin.

May inabot ito sa'king envelope sa halip na sagutin ako. Binuksan ko ito at inilabas ang tatlong papel na katunayang ako ang nakabili ng lupa na tinitirikan ng karenderya na pagmamay – ari ni Marie dati pati na rin ang buong establiyementong iyon.

"What can you say?" maya –maya'y tanong nito. Matapos ang ilang minutong katahimikang namutawi sa'min. Kinuha nila Don – don ang mga papel sa aking mga kamay at pinagpasa – pasahang basahin.

"Great, right?" tanong ulit niya nang hindi ako makapuhap ng salita at tuluyang natulala sa harap niya.

" Hindi namin ito matatanggap iha." Sambit ko nang magkaroon ng lakas ng loob magsalita. "Ang dami mo nang naitulong sa'min."

" It's all worth it." Balewalang turan niya. Tumayo na ito at hindi manlang ako binalingan ng tingin sa halip ay nagpaalam kila Don – don, Slenty, Sally, Stan, Lito at Mael habang ako ay nakaupo pa rin sa kanyang likuran.

" Bye, take care everyone."

"Oh, don't you worry remember I'm always watching all of you." tipid nitong sambit saka diretsong lumabas sa tahanan namin kasunod ng mga tauhan niya.

ABANGAN

A MOTHER'S LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon