Naabutan kung nagkakagulo sila sa bahay. Palakad - lakad si Don - don sa sala habang nakatingin lang si Slenty sa kanya samantalang si Stan ay kumakain ng mag - isa sa mesa.
"Ate!" sambit ni Don - don nang bumaling ang tingin niya sakin at agad akong nilapitan.
"San ka galing? si Mael bakit hindi mo kasama?" nag - aalalang sunod - sunod na tanong niya."Lumabas si nanay, hinahanap kayo" dagdag niya pa .
"Dinala ko si Mael sa ospital kanina." marahang sagot ko.
"Bakit?" naguguluhang sambit niya. Napatayo si Slenty sa pagkakaupo sa upuan naming kahoy at nagtungo sa harapan ko katulad ni Don - don.
"Umiiyak kasi tapos hindi siya tumutigil kahit anong gawin ko, ang init niya rin kaya dinala ko siya dyan sa may Medical City " paliwanag ko. Unti - unti naman nawala ang pagkakunot ng noo nila. "Kamusta na pala siya?" usisa pa ulit ni Don - don na nakapamewang pa.
"Okay naman daw sabi ng doktor pero hindi pa siya pwedeng lumabas ng ospital"sagot ko na inaalala ang sabi sakin ng doktor kanina bago ako nakiusap na makauwi. May dengue daw si Mael na isang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok, kailangan rin palaging obserbahan ang bilang ng platelets niya dahil doon nakadepende kung ano ang kalagayan niya. Kailangan mapataas ang platelets count niya sa katawan dahil senyales ito ng paggaling niya.
"Sama ako" habol samin ni Don - don nang paalis na ko para bantayan ulit si Mael sa ospital kasama si nanay. Nasabi ko na sa kanya ang nangyari kanina kaya alam ko na lubos na nag - alala siya kay Mael ngayon. "Hindi na may pasok pa kayo bukas" sagot ni nanay sa kanila dahil nakasunod rin si Slenty sa likod ni Don - don na gusto rin sigurong sumama. Wala na silang nagawa nang naka - alis na kami pinatulog lang ni nanay si Stan at binilinana ang dalawa na isarado ng maayos ang gate at pintuan mahirap na dahil tatlong lang pa naman sila sa bahay.
Naglakad lang kami papuntang ospital dahil malapit lang ito sa bahay at makakatipid kami sa gastos.
Pagpasok palang namin sa kwarto ni Mael ay sinalubong kami ni nanay ng doktor kanina na pinakiusapan kung magbantay sa kanya.
"Ma'am pwede ko ho ba kayong makausap?" magalang na tanong nitokay nanay.
"Ano iyon iho?" balik na tanong ni nanay. "Sa opisina ko na po siguro tayo mag - usap" dagdag nito. "Akin na yan nay" sabi ko nanay at kinuha ko sa kanya ang thermos at ang malaking bag na may lamang mga damit.
" Ako na muna ang magbabantay kay Mael" sambit ko saka hinayaan silang makayo sa kinatatayuan ko at tuluyan na akong pumasok sa silid ni Mael.
Namataan kung gising si Mael kay dali - dali kung inilapag sa isang upuan ang mga dala ko at nilapitan siya. " Nay, nay , nay , nay" paulit - ulit niyang sabi habang nakatingin sakin. Halatang hinahanap niya na si nanay, buti nalang at hindi ito umiyak dahil gustong -gusto niya pa naman na palaging si nanay ang nakikita niya pagkagising.
" Kinausap lang ni doc, mamaya nandito na yun" sagot ko sa kanya na kala moay maiintindihan niya namana ko. Nilagay ko sa noo nita ang palad ko at pinakiramdaman kong mainit pa ba ito katulad kanina ngunit hindi na masyado ngayon.
Nakahinga ako ng maluwag."Kain ka?" tanong ko sa kanya kanina pa siya hindi kumain dahil pagkatapos niya umiyak kanina ay nakatulog na siya agad. Nagluto si nanay ng lugaw bago kami umalis. Nilagyan ko ng lugaw ang maliit na mangkok na dala namin at sinimulan siyang subuan. "Ayaw" nakailang subo palang siya at niluwa na ang kasunod na sinubo ko.
"Kain pa, ahhh!" pilit ko dahil manghihina siya lalo kapag hindi siya makakain ng maayos.Ngunit kahit anong pilit ko ay umiiling siya at tinitikom ang bibig saka umiiwas sa kutsarang may lamang lugaw na sinusubo ko.
BINABASA MO ANG
A MOTHER'S LOVE
Non-Fiction"MASIKIP" "MABAHO" "MAINGAY" Palaging may tambay sa kanto , nag iinuman sa isang tabi , mga tsismosang nag tsi - tsismisan sa tapat ng isang tindahan. Lugar kong saan lahat ng tao ay kapwa nakikikapaglaban sa agos ng buhay."Isang kahig, isang tuka"...