KINABUKASAN maaga akong nagising. Pagsisilbihan ko ang mga anak ko. Unang araw ng pasukan. Nasa Unang baitang na si Stan sa Elementarya nasa ikawalo si Slenty at ikapito naman si Don don sa hayskul. Nagprito ako ng itlog at nagsaing. Mamaya gigisingin ko na sila para makapaghanda na sa eskwela.
"Don" uyog ko sa balikat ni Don don na naghihilik pa sa pagtulog.
"Saglit lang muds" himutok niya tsaka nagtalukbong ng kumot.
"Gising na alas sais na" bigla naman siya napabangon.
"Muds naman dapat kanina niyo pa ko ginising!" Kunot noong reklamo niya habang nagliligpit na ng higaan.
"Baka maunahan na ko ni slenty sa pagligo!" Nagmamaktol niya sabi. Gusto niya kasing siya palagi ang unang maliligo kapag may pasok. Palagi silang nagpapaunahan ni Slenty sa pagligo. Ewan ko ba kung bakit pareho lang naman makakaligo rin naman siya kahit panghuli na siya.Mga anak ko nga naman.
"Hindi pa nak tulog pa yun" sabi ko at tumayo na para gisingin si Slenty sa kanilang kwarto. Patingin ko naman sa kwarto wala na si Slenty dun at nakaayos na rin ang higaan niya.
Patay!
Mukhang may mangyayari na namang gyera dito sa bahay. Pumunta na ako sa kwarto ko para gisingin na rin si maño.
"Stan, gising na nak"dahan dahang gising ko kay Stan para hindi nagising katabi niyang si Mael na mahimbing pa ang tulog. Maya maya pa nagmulat na siya at tinulungan ko na bumangon saka kami lumabas sa kwarto.Saktong paglabas namin ng makita kong nakatapis na ng twalya at basang basa na ang buhok ni Slenty. "Magandang umaga nay" masayang bati niya saka nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kwarto niya para magbihis.
"Magandang umaga rin nak" sabi ko tsaka ko niyakag si maño sa kusina para pakainin na.
"Nooo way!" sabay kaming napalingon ni Don - don na tahimik kumakain ng biglang sumigaw at nagpapadyak sa sahig si Don don nang makitang nakabihis na at nagpupunas na ng basang buhok si Slenty habang papunta dito sa kusina.
"I cannot talaga" maarte niya sabi habang pinapaypayan pa ang sarili habang nakatingin kay Slenty.
"Arte mo" masungit na sabi ni Slenty saka hinagis ang twalyang ginamit niya kay Don don.Sapol naman sa mukha ng anak ko.Ito talagang si Slenty pinipikon naman ang kapatid niya.Hindi nga alam kung normal lang kapag bagong gising ay bad mood siya.
"Maligo ka na ang baho mo" nakatakip pa sa inong at bibig na sabi ni Slenty saka dumiretso na sa mesa. Sumandok na ng kanin at nagsimula ng kumain.Pati si Stan kumakain na rin na parang walang nangyayaring kung ano sa paligid niya.
"Ahh! How dare- " asik ni Don don kay Slenty sa sobrang inis saka mabilis na lumakad papunta sa kinauupuan ng kapatid nakakuyom na ang kamay nito at salubong na ang kilay.
"Bawiin mo ang sinabi mo" malumanay na sabi niya. Nanunuod lang naman ako dito habang kumakain.Alam ko namang hindi sasaktan ni Don don si Slenty, takot niya lang.
Tumigil muna sa pagsubo ng pagkain si Slenty saka tinapunan ang nagpupuyos na sa inis niyang kapatid."Na mabaho ka?"nangaasar na sabi ni Slenty na ngingigsi ngisi pa.
"Arrggg! Your so bad talaga i hate you!" Asik naman nito saka nagpapapapadyak itong nagmatsa papuntang banyo.
Matapos ang ilang minuto nasa kumakain na rin sa hapag si Don don at nakikipagkamay sukatan ng tingin sa walang pakialam na si Slenty na tuloy tuloy lang ang subo ng pagkain. Patapos na itong kumain, tumayo na ako at inalalayan si Stan para mag toothbrush at maligo.Bahala na ang dalawa mag asaran at magpikunan.
Kumuha ako nang bangko para may patungan si Stan sa lababo namin dahil masyadong mataas at hindi niya abot. Binuhat ko siya saka hinugasan ng kamay.Kinuha ko na sa lalagyanan ang toothbrush niya at nilagyan ng toothpaste at naglagay na tubig sa baso.
"Oh" abot ko sa kanya pagkatapos. Alam niya na mag toothbrush mag isa pero ginagabayan ko pa rin siya para maging malinis talaga ang ngipin niya.Kinuha niya naman yun at nagsimula ng magsipilyo.
"Eeeeeee" sabi ko para gayahin niya dahil palagi niya nalang pinapasadahan ng toothbrush ang gilid ng bibig niya. Sinunod niya naman ako at pinasadahan na ng toothbrush ang gitna niyang mga ngipin.
"Okay na" ngiting sabi ko na nakathumbs up pa saka siya tinulungan mag mumog at binababa na sa upuan.
Pumunta na ako sa kwarto at hinanda ang uniporme niya tsaka kumuha ng twalya saka siya pinaliguhan na sa banyo.
Yung dalawa naman hindi parin tapos mag asaran. Pero si Don don ayaw talaga magpatalo hindi na nga siya pinapansin ng ate niya.
"Maganda Ako, Ikaw pandak ka!"
Nagmamalaking pagpaparinig niya habang naghuhugas ng plato. Nasa sala naman si Slenty at hinahanda na ang gamit niya sa eskwela.
"Atleast, hindi bakla" hindi na nakatiis ang isa at pinatulan na rin ang kapatid.
"Hmp! Huwag ka sasabay sakin pumasok ah!"' pagbabanta ni Don don.
"Hindi talaga" sagot naman ni Slenty sabay sukbit ng bag sa likod.
"Bagal bagal niyo po kuyang" Tatawa tawang pangaasar niya. Hindi naman mapinta ang mukha ng isa.
"Nay alis na po ako" paalam niya. Tapos ko nang paliguan si Stan.Mabilis lang siya paliguan dahil hindi malikot itong anak kong to, sinusunod lahat ng utos ko.Pinupunasan ko na ang basa niya katawan ng twalya saka siya binibihisan.
"Yung baon mo" paalala ko saka dumukot ng kwarenta pesos sa bulsa. Lumapit naman siya sakin at inabot na ang baon niya.
"Yung kapatid mo isabay mo na" mahinang sabi ko. Tumango tango lang naman siya at nahiga sa kama. "Si Stan rin pala."pahabol ko. Madadaanan naman nila yung paaralan ni Stan.Harap lang ng eskwelahan nila.
"Opo nay" magalang niyang sabi at tumayo na. Tapos ko na bihisan si Stan at pumunta na kami sa sala . Sinuutan ko na ng sapatos si Stan.Si Don don naman nasa kwarto niya na at naghahanda na rin sa pag alis. Nakaupo lang naman si Slenty at tahimik na naghihintay.
"Ito yung baon mo" sabi ko sabay pakita ng sampung piso kay Stan nilagay ko yun sa bulsa ng bag niya. Tumango lang naman siya. "Mag pagkain ka na sa bag bumili ka nalang kapag may gusto kang iba" sabi ko habang magpakapantay ang tingin namin. "Huwag kang lalabas ng school habang wala ang ate at kuya ha" paalala ko. Tango na naman ang sagot niya.
"Am ready" sabi ni Don don na nakasukbit na rin ang bag kalalabas lang sa kwarto niya."Bakit nandito ka pa?" taas kilay na tanong nito kay Slenty."Hinihintay ko si Stan" sagot naman ng isa sabay sulyap kay Stan. "Umalis na kayo at baka mahuli kayo sa eskwela." Sinukbit ko na din ang maliit ni Stan sa likod niya at Inabot na rin ang baon ni Don don.
"Babush!" masayang paalam ni Don don habang nakasunod sa likuran niya si Senty nakahawak ang kamay kay Stan.Habang pinagmamasdan ko silang palayo sa bahay.
"Ingat" sabi ko bago pumasok sa loob at naglinis ng bahay. Dadalhin ko pa kay kumareng Delia si Mael para pakisuyuang mag alaga dahil pupunta ako sa karenderya.
ABANGAN
BINABASA MO ANG
A MOTHER'S LOVE
Kurgu Olmayan"MASIKIP" "MABAHO" "MAINGAY" Palaging may tambay sa kanto , nag iinuman sa isang tabi , mga tsismosang nag tsi - tsismisan sa tapat ng isang tindahan. Lugar kong saan lahat ng tao ay kapwa nakikikapaglaban sa agos ng buhay."Isang kahig, isang tuka"...