Dear Yakonja,
Noong una akala ko mga kaibigan ko lang ang mga nalilink sayo. Yun pala pati pinsan ko. Bakiiiit? Anong meron sila na wala ako? Bakit kelangan mo pang makipag-fling sa kanila eh nandito naman ako. Arrrrgh!
Alam mo ba, ubod ang inis ang nararamdaman ko sayo ngayon. Pano ba naman, nalaman ko pa mismo sa pinsan ko na nakakachat ka niya. It hurts you know. It really hurts Yakonja. Grr!
Ikaw pa talaga nag-oopen ng topic niyo para lang tumagal ang usapan niyo. Grabe lang! Nakakainis ka!!! Ang haba pa nung chat niyo ha? Halatang na-enjoy mo. Haahaa!
Gusto sanang ipabasa sakin nung pinsan ko yung usapan niyo kaso I refused kasi feeling ko may mababasa ako na magiging sanhi ULIT ng heartbreak ko.
Nakagawa na nga ako ng kahihiyan para lang makapagconfess sayo pero ganito pa rin ang ginagawa mo. Grabe ka! Napaka mo. MANHID KA! Hindi mo ba alam na sobra na akong nasasaktan. Aish!
Hindi na nga kita nakikita sa school kasi laging maaga ang uwian ko tapos ngayon, eto pa ang malalaman ko. Naaawa na ako sa sarili ko. Dapat kasi matagal ko ng tinigil ang kahibangan ko sayo pero eto patuloy pa rin ang pagiging assumera ko. Tch!
Umaasa pa rin kasi ako hanggang ngayon na sana AKO na lang at HINDI na lang SILA. Ako na lang Yakonja.
Kelan ba darating ang panahong yun? Ang tanong, darating pa ba? Parang nawawalan na ako ng pag-asa. Hay!
Sige. Hanggang dito na lang. Bahala ka! Mag-ingat ka na lang. Merry Christmas sayo at Advance Happy New Year Mr. U!
Yours truly,
Nelle