Dear Friend,
Waaaaah! Ang laking kahihiyan nun. Grabe hindi ko maisip na kaya kong gawin ang bagay na yun. Tss.
Nagconfess ako ng feelings ko para kay Yakonja. Akalain mo yun? May kakapalan pala ang mukha ko. Grrr! Hindi ko matanggap sa sarili ko yung ginawa ko kanina.
Nakakahiya talaga. Ganito kasi yun, sa school namin mayroong page na tinatawag nilang Confession Documents, hindi naman makikita kong sino ang nagpost sa page na yun kasi yung mismong admin ang pagpapasahan mo ng kung anong sasabihin mo at siya na rin mismo ang magpopost.
So yun nga, through that page nasabi ko lahat ng gusto kong sabihin sakanya. At alam kong nabasa niya yun kasi ni-like niya at nagcomment pa siya. Aish! Ang sabe niya Pm me kung sino man po itong Mysterious Girl na ito. Pagkabasa ko ng comment na yun, sobra ang kabang nararamdaman ko. Waaaah!!!
Nag-pm nga ako sakanya pero sana hindi ko na lang ginawa. Nadagdagan tuloy ang kahihiyan ko ngayong araw. Err! Wala na tuloy akong maihaharap na mukha sakanya.
Paano pag nagkita ulit kami? Anong gagawin ko? Waaaah!!! Ayoko na. Sawa na ako sa kahihiyan ngayon. Kotang-kota na ako. Psh!
T.T Wala akong masabi sa sarili ko. Nakakahiyaaaaaa!!!
Yours truly,
Nelle