Diary 6

30 3 2
                                    

Dear Diary,

Awtsu! Mahirap maging crush si MAU. Ang dami kong karibal sakanya. May nakakaalam na rin ng MAU na code name niya, yun din kasi ang tawag sakanya nung nagkakagusto sakanya. Hay!

Kaya I will change his code name na. Hindi ko pa pero alam kung ano, mag-iisip muna ako. Haha!

You know, nasasaktan talaga ako ngayon. Everytime na maaalala ko yung ginawa niya sa harap ko at harap ng mga kaibigan ko. Alam mo ba kung ano yun? Yung bigla niyang hinawakan yung kamay nung girlfriend niya sa harap namin. Parang pinamukha niya pa talaga na magkaholding hands sila. Grr! Kainis.

Oo! Tama ka diary! May girlfriend na nga siya at last week ko lang nalaman yun sa source ko. Monique yung pangalan niya. Akala ko nga si Nadine yung girlfriend niya eh, kasi yun lagi ang kasama niya. Hindi pala.

Pero alam mo yung nakakainis dun? Hindi maganda yung Monique, mukhang espasol ang mukha nun sa kapal ng foundation. Tss. At para din silang magtatay kung tignan. Ang liit kasi nung girl. At eto pa, nakakadiri yung tawag niya sa girlfriend niya, Monay ko. So ewww!!!

Ewan! Nakakainis talaga. Kung nung dati parang inlove na inlove ako. Ngayon naman, MAUhater na ako. Siya kasi eh. Andito naman ako, bakit pa siya tumitingin sa iba? Hindi naman ako pangit para maging snob siya sakin. Grr!


Nagmamahal,

Nelle

My Open DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon