Dear Diary,
OMG! Ang gwapo ni Crush kanina. At masaya ako ngayon, alam mo kung bakit? Hindi na kasi crush ng kaibigan ko si Crush. Haha!
Grabe! Naexcite tuloy ako kasi may chance na between me and him. Lagi ko rin siyang nakikita sa office nila na nakaupo malapit sa may pintuan. SA kasi siya, short for Student Assistant. Ayon sa kaibigan ko na isa ring SA, may-kaya naman daw siya para bayaran ang tuition niya kaso yun daw ang gusto ng Ate niya. Gusto niyang matuto si Crush para maging independent.
Sabagay, bilib ako kay Crush dahil pumayag siya sa gusto ng Ate niya. Atleast kapag siya ang future hubby ko, handa na siya diba? Haha!
Nagmamahal,
Nelle