Diary 15

27 2 0
                                    

A/N: Ang tawag ko na kay Diary ngayon ay Friend. Haha! At si crush, same pa rin. :)

Dear Friend,

O to the M to the G! OMG!!! Grabe friend yung nangyari kanina, nahawakan ko yung kamay ni Yakonja. Kyaaaa!!! This is my day, June 26, 2013. I'm so kinikilig to the highest Mt. Everest! Harhar!

Siguro nagtataka ka kung pano nangyari yun noh? Ganito kasi yun, nakatambay kami sa gym kanina. Alam mo naman na mahilig kaming tumambay dun kapag vacant diba? So yun nga, itong magaling kong mga kaibigan, tinawag si Gellie yung classmate naming may syota na friend ni Yakonja. Ayun, tinawag ni Gellie ang BF niya at sinabi nila na ipapakilala daw nila ako.

Grabe! Gusto ko na talagang umalis doon kasi ayaw kong mapahiya pero may part pa rin sa akin na gusto kong mag-stay para makilala man lang ako ni Yakonja. Malay natin, dito na mag-start ang love story namin, di ba? Haha!

So, nanatili ako sa pwesto ko. Ayan na siya, papalapit na siya sakin. Ang bilis ng tibok ng puso ko, nilalamig ang kamay ko, nanunuyo ang lalamunan ko.

Pinakilala kami sa isa't isa. Wala akong masabi, ang pogi niya. Ang pogi ng Yakonja ko. Kyaaah!!! Pati rin siya hindi nakapagsalita, isang matamis na ngiti lang ang binigay niya. Waaaah.... Kaya ba natameme siya kasi nagandahan siya sakin? Joke! Asa naman ako. Hindi naman ako maganda. Simple lang ako. I don't used make ups. Powder lang, yung Johnson ba. Haha!

Ah basta! Kahit epic yung mukha ko nung pinakilala nila ako sakanya. Atleast!!! Nahawakan ko na kamay niya. Ang lamig nga eh, kinakabahan din ata siya. Hehe

Annyeong! :)


Nagmamahal,

Nelle

My Open DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon