Dear Diary,
Gaya nga nung last sharing ko sayo friend, hindi pa rin ako maka-move on. Psh!
Sino ba naman ang matinong tao ang ipapahiya niya mismo ang sarili niya noh? Grabe talaga.
Heto ngayon ako, parang wanted ang peg ko sa mga nakaraang araw na natatakot mahuli ng pulis. Hahaha. Pano ba naman, sinong ilalantad ang mukha niya sa harap ng taong pinagtapatan niya ng nararamdaman niya. T.T Sino?! Sabihin mo sakin. Tch!
School-Bahay lang tuloy ako. Nalaman pa ng mga kaibigan ko ang pangyayaring yun kaya panay ang pang-aasar nila sakin. Tae lang! Hindi maka-move on. Ako nga pinipilit kalimutan at ibaon sa hukay ang kahihiyan na yun eh. Samantalang itong magagaling kong kaibigan ang lakas maka-ungkat ng Past. Tss!
Niloloko pa nila ako na nasa likod ko daw. Shitzu! Pag nagkataon mas gusto ko ng lamunin ako ng lupa kesa sa makita niya ang mukha kong napaka-ambisyosa. Haahaa!
So yun lang. Ang daldal ko talaga. Hihihi. Napahiya na nga, wala pa rin akong pinagbago. Wahaha! E sa ganito ako eh. Walang pakialamanan. Di ba? :P
Yours truly,
Nelle