Diary 3

45 3 0
                                    

Dear Diary,

Kanina nakatambay kami sa gym ng mga friends ko. Hinihintay kong lumabas sa tambayan si Crush para maganahan man lang ako sa pagsosolve ng Accounting Problems. Pero malapit ng matapos ang vacant namin, hindi pa rin siya lumalabas. Nakakalungkot! Ngayong araw ko lang ata siya hindi makikita. Hay!

Niyaya na ako ng mga kaibigan ko paakyat ng fourth floor dahil doon ang room namin. Pero bago ako tuluyang makaalis sa gym, tumingin muna ako kung saan ko siya madalas makita. And Yes! Nakita ko siya, wearing his stripe shirt na fit sakanya. Hindi ko mapigilang hindi ngumiti kapag nakikita ko talaga siya. Hehe.

Napansin nila ang pagngiti ko kaya tumingin din sila sa tambayan niya, 'Kaya naman pala, nakita niya.' Yan ang sabi nila. Hindi ko na lang sila pinansin kasi sanay na ako sa pag-aasar nila sa akin. Ganyan naman sila lagi kapag nakikita ko siya eh. Asar talo ako. Well, wala naman akong magagawa kasi mag-isa lang ako, lima silang nang-aasar.

Nagmamahal,

Nelle

My Open DiaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon