Dear Diary,
Bakit hanggang ngayon yun pa rin ang iniisip ko. Naiinis na talaga ang sarili ko. Buhay ko to eh, pero bakit ikaw na lang lagi laman ng isip at puso ko (corny ko friend noh? Haha).
Alam mo, nakakainis din talaga si Joseph kasi yung crush ko nung highschool na bestfriend ko na ngayon inaasar nila ako sakanya. Grabe!
Kaklase ko rin pala si Joseph simula highschool hanggang ngayon kaya super friends na kami. At ang magaling na si Joseph gusto malaman kung sino daw ba si Bhext, yan kasi tawagan namin ng ex-crush ko nung highschool. Nalaman kasi nila na may gusto rin sakin si Bhext kaya gusto nilang malaman kung sino siya. Pinipilit nila akong sabihin pero ayoko talaga kasi aasarin na naman nila ako.
Eh ako naman si Timang, nung hiniram ni Joseph yung phone ko pumayag ako kasi kukunin niya lang daw yung number nung groupmate namin. Yun pala, ang kinuha niyang number ay phone number ni Bhext, kaya ayun! Huli ako. Kasi nga tinanong niya sa mga mates namin nung highschool kung kanino number yun. And Boooom! Buking!!! Nalaman tuloy nila. Asarness!
Kawawa na ako. Bago kami matulog inaasar nila ako, lagi nilang binabanggit yung name ni Bhext. And I hate it. Pero kahit papano, nawala yung inis ko kay Yakonja kasi nakalimutan ko panandalian dahil sa highschool things!
Nagmamahal,
Nelle