Dear Diary,
Hay! Ngayon lang ulit tayo magkakausap. Kakatapos lang kasi ng final exams namin kanina kaya bangag ako. But, I saw MAU kanina habang naglalakad ako papasok ng school, nagkasalubong nga kami eh. Ngumiti siya dun sa kasabay kong pumasok, akala ko ako ang nginitian niya, hindi pala. Haha! Assumera naman kasi ang Lola mo. Wahaha!
Isang malaking kataga nga ang dapat alalahanin ng mga Accountancy student tulad ko, 'Never assume, unless otherwise stated.' Pero wala akong kadala-dala. Assume ako ng assume. Haha.
Anyways, maganda pa rin ang araw ko kasi nakasalubong ko siya. Buo na ang araw ko. At ginanahan ako sa pagsagot sa exams namin kanina. His smile helps me a lot. You're my inspiration MAU! Sana mapansin mo ako. :)
Nagmamahal,
Nelle